Chapter 19

1.8K 77 10
                                    

Chapter 19: Moving on

'Cristel's pov'

Mahigit isang buwan na ang nakalipas matapos ang insidente at unti unti na ring bumalik sa dating sigla ang lahat ngunit hindi kami ni Blaze. Matamlay parin siya hanggang ngayon. At simula nong away namin ay iniwasan ko na siya kung tumingin man ako sa kanya ay laging palihim. Hindi kasi ako sigurado kung napatawad na ba niya ako. Aminin ko naguilty ako sa mga nangyari pero blessing in disguise na rin siguro yun. Dahil kahit nasaktan ko si Blaze. Ligtas naman kaming lahat sa tiyak na kapahamakan. Hanggang ngayon hindi parin namin batid ang motibo sa mga kaaway. Hays...

"Princess, ayos ka lang ba?"- napalingon ako kay Knight at bahagyang ngumiti. Close na rin kaming dalawa siya ang boy bestfriend ko.

"Ayos lang naman."- sabi ko at sumandal sa balikat niya.

"Mukhang malungkot ka na naman."- puna niya. Hindi talaga ako makapagtago ng tunay kong naramdaman pag si Knight at Kuya na ang aking kasama.

"Inalala ko lang si Blaze. Kung ayos na ba siya."- ani ko sa mababang boses. I know galit pa rin siya ni Blaze.

"Tsk. Stop thinking of him,princess. You have to move on at isa pa hindi naman naging kayo noh."- aba...

"Yeah i know. You don't need to remind me. Yeah kailangan ko ng mag move on kahit hindi kami."- sabi ko. Hinaplos niya naman ang aking buhok.

"Alam ko na mahirap ang gagawin mo,princess. Basta nandito lang kami ni Cristan hindi ka namin pababayaan."- sabi ni Knight.

"Thank you, Knight."- sabi ko. Unti unti naman akong dinalaw ng antok dahil sa paghaplos ni Knight sa aking buhok.

"Sleep tight my baby princess."- huling na rinig ko kay Knight at naramdaman ko ko pa ang aking pag angat bago tulyang nakatulog.

'Blaze's pov'

Kitang kita dito sa aking terrace ang kinaroroonan ni Cristel gusto ko siyang lapitan ngunit nag dadalawang isip ako. Ilang saglit ang lumipas ay nakita kong lumapit si Knight sa kanya. Nasaktan ako sa aking nakikita ngunit wala akong magawa. Kasalanan ko naman kung bakit kami nauwi sa ganito. Kung hindi sana ako sumuko baka hindi pa nangyari ang lahat ng gulo sa pagitan namin.

Oo, lubos akong nasaktan sa nangyari kay Zale. Napamahal na ako sa kanya kaya galit ako nong aksidenteng napatay siya ni Cristel. Halos natuon ang aking atensyon sa pagkamatay niya na hindi ko man lang nakita ang posibilidad na mapahamak kami kung hindi yun nangyari. Nagising lang ako sa katotohanan nong sinigawan ako ni Knight pagkatapos akong suntukin ni Cristan. Na shock talaga ako ng sinabi ni Knight na mahal ako ni Cristel. Nagsisisi ako na huli ko na iyong naramdaman masyado akong naka focus sa aking damdamin kaya hindi ko siya nakita. Hindi ko nakita ang sakit sa kanyang mga mata sa tuwing magkasama kami ni Zale dito sa dorm. Higit sa lahat ang pag buhos sa ulan na niyebe. Nakalimutan ko na sa tuwing iiyak pala si Cristel ay uulan ng yelo sa lugar kung saan naroon si Cristel.

"Ano na kuya? Nagsisisi ka na ba?"- tanong ni Stone na hindi ko man lang namalayan na naka pasok pala sa aking silid.

"Anong ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi may pasok pa bukas."- sabi ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Tsk. Masakit ba kuya?"- tanong niya habang nakatingin kay Knight na binuhat si Cristel habang natutulog ang dalaga.

"Sobra. Kaya umalis kana bago pa kita itulak."- banta ko sa kanya. Tumawa naman ang loko at lumabas na pero bago pa nito sinara ang pinto ay nagsalita ito.

"Good luck sa iyo kuya. Mukhang mag move on na si Cristel."- sabi nito at sinara na ang pinto. Napahilamos naman ako sa aking mukha sa narinig. Mukhang wala na talaga akong pag asa lalo pa na andyan si Knight lagi sa tabi niya kung wala si Knight andyan naman si Cristan.

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako dinalaw ng antok kaya napag desisyunan ko na bumaba para mag kuha ng ice cream sa kusina.

Pagbaba ko sobrang tahimik na ng paligid tulog na malamang ang lahat. Pag pasok ko sa kusina agad akong kumuha ng ice cream nagkuha na rin ako ng kutsara at umupo sa upuan.

Nakailang subo na ako ng naramdaman ko na may papalapit and i know na si Winter yun.

"Bakit gising ka pa?"- tanong nito sa akin.

"Hindi ako makatulog. Ikaw bakit gising ka pa?"- tanong ko.

"Nauuhaw ako."- sabi niya at kumuha ng tubig sa ref.

"Wala kang balak kausapin si Cristel?"- mayamaya pa ay tanong niya sa akin.

"Tsk. Para saan pa?"- tanong ko.

"Para humingi ng tawad sa sakit na naidulot mo sa kanya. Physically at emotionally."- sabi pa niya napalunok naman ako.

"Wala ng saysay, Winter. Nasaktan ko na siya."- matigas na sabi ko sa kanya.

"Hmm. Baka magsisisi ka."- sabi nito habang naglalakad palabas ng kusina.

"Nagsisisi na ako, 'insan. Ngunit masyadong malalim ang sugat sa puso ni Cristel dahil sa akin."- sabi ko.

"Kahit na. Atleast nakapagsorry ka."- sabi niya at tuluyan ng lumabas. Naiwan naman akong nag iisip. Ano ba ang magagawa sa sorry ko? Hindi na maibalik pa ang dati naming pinagsamahan.

Nakailang ikot na ako sa aking higaan ngunit hindi ko parin maisip kong paano ako makalapit kay Cristel. Hays daming tanong sa aking isipan. Kung kausapin ba niya ako? Patawarin? At higit sa lahat kong mamahalin pa ba niya ako. Mabuti pang matulog muna.

'Someone's pov'

"Ihanda ninyo ang pinakamagaling na mandirigma dahil malapit na nating pasukin ang kaharian ng Fireos upang kunin ang inyong reyna!"- sigaw ko sa aking kawal.

Malapit na Dannaya makuha na kita...

"Opo mahal na hari!"- sigaw nila.

Pumalpak man si Freezale sa kanyang misyon at least kahit kunti naalog ang mahigpit na pinagsamahan ng mga anak ng hari sa gayon mapadali ang aking pagsakop! Hahahaha....

'Dannaya's pov'

Naramdaman ko na may hindi magandang mangyayari sa hinaharap. Nagsimula ng kumilos ang natirang kalaban. Hindi ko lang maisip kung nasaan siya sa panahon namin bakit hindi ito nagpakita?

Nagsimula na silang kumilos at nadamay pa ang aking anak. Nagkasakitan sila-tulad ng nangyari sa aming pagkakaibigan noon. Ngunit mas masakit ang kanilang pinagdaraanan ngayon lalo na ang aking munting prinsesa na ngayon ay umibig na.

"Ayos ka lang ba, mahal?"- si Czack

"May panganib na nalalapit, mahal."- sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin at niyakap ako.

"Huwag kang mag alala malalampasan din natin yan."- sabi niya.

"Hindi ko lang kasi maiwasan. Lalo pa ngayon na masyadong nasaktan si Cristel."- sabi ko. Galit na galit si Czack ng nalaman niya ang ginawa ni Blaze ngunit pinigilan siya ni Cristel at pinaliwanag ang nangyari.

"Alam ko. Bunga si Cristan at Cristel sa ating pagmamahalan kaya wala kang dapat ipag alala."- sabi nito. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin ngunit ina ako kaya hindi ko yan maiwasan.

"I know."- sabi ko na lang.

"Matulog na tayo. Kung ano man yang panganib na paparating alam ko na malampasan natin yan. Sama sama."- sabi niya. Tumango na man ako at humiga sa kama. Agad naman siyang tumabi sa akin at hinalikan ako sa labi at noo...

"Tama ka,mahal."- sabi ko sa kanya

"Good night, mahal."- sabi niya.

"Good night."

----------------
End of Chapter 19

Iyan lang muna guys..

Thank you!!

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now