Chapter 17

2K 79 12
                                    

Chapter 17: Danger

'Cristel's pov'

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng naging girlfriend ni Blaze si Freezale at dumating naman si Knight sa buhay namin. Pero kahit may katagalan na ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko kay Blaze mas lalo pa itong umusbong sa mga nakalipas na araw. Halos sa dorm na rin nakatira si Freezale. Tsk mga manhid talaga pero wala eh. Hahaha kaya ako na lang ang umiwas at salamat na rin kay Knight Axl hindi niya ako pinabayaan sa tuwing kailangan ko siya.

Medyo tahimik rin ang aming kalaban ngunit hindi kami pwedeng makampante.

Nandito ako ngayon sa may Dead Forest alam ko na delikado pero dito lang kasi ako sanay na mag eehersisyo at magsasanay ng aking kapangyarihan eh.

'Cristan's pov'

Andito na kami sa cafeteria para kumain kasama rin namin sina Blaze at Freezale pero hindi namin kasama si Cristel. God! Napabayaan ko na ba ang aking kapatid?!

Nasa kalagitnaan na kami sa pagkain ng magsalita si Knight.

"Cris, saan ba si Cristel?"- tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Masyado na kasi siyang lumayo sa akin. Sa atin. Pansin niyo ba?"- tanong ko. Tumango naman ang aming kasamahan except ni Blaze na walang ka alam alam.

"Baka nagsanay lang yun."- sabi ni Blaze tiningnan ko naman siya ng matalim. Bobo talaga kahit kailan. Kung hindi mo lang pinsan ang babaeng mahal ko matagal ka na sanang patay ngayon.

Hinawakan naman agad ni Winter ang aking mga kamay agad naman akong kumalma. Malapit na kaming matapos ng may biglang malamig na hangin na dumapo sa aking balat na ikinatigil ko sa pagsubo.

"Babe? Ayos ka lang ba?"- tanong ni Winter. Hawak niya kasi ako sa kamay kaya batid niyang natigilan ako. Napatingin naman sa akin ang aming kasamahan. Dumagundong naman ang tibok ng aking dibdib. Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Shit! Cristel is in big trouble."- sabi ko at dali daling tumayo.

Agad namang tumayo ang aming kasamahan na halata sa mga mukha ang matinding pag alala.

'Third person's pov'

Sa kalagitnaan ng pagsasanay ni Princess Cristel ay may isang batalyon na mga itim mages ang biglang sumulpot sa kanyang harapan.

"Hmm.. Mukhang nag-iisa ka lang, Princess."- wika ng pinuno ng grupo na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

'Shit! Sa isip ni Cristel
Hindi naman siya natatakot dahil batid niya matatalo niya ang mga ito.

"Ano naman ngayon kung nag-iisa lang ako? Paki niyo ba?!"- malamig na turan ng prinsesa. Tumawa naman ang lalaki at sabay sabing...

"Mas mabuti pa na sumama kana sa amin, Princess upang hindi ka masasaktan. Hinintay kana ng iyong ama."- kumunot naman ang noo ng prinsesa dahil isa lang naman ang ama niya at walang iba kundi si King Czack.

"Tsk! Ako ba ang tinatakot mo? Well for your information isa lang ang aking ama. Kaya kung gusto niyo nang patayan! Pwes! Sugod! Hindi ko kayo aatrasan."- sabi ng prinsesa

Agad namang umatake ang kampon sa kadiliman ngunit masyadong malakas ang prinsesa kaya madali niya lang itong naubos maliban sa pinuno nito.

Sa kabilang banda naman aligaga sa paghahanap ang mga royalty sa paghahanap kay Cristel. Tumulong na rin sina Knight at Freezale.

Nagdesisyon ang grupo ng royalty na sa labas ng academy nila hanapin si Cristel dahil naramdaman ni Cristan ang presenysa ng kambal sa malayo.

Si Cristel naman ay pagod ng nakipaglaban dahil akala niya ay ubos na ang kalaban ngunit laking gulat na lamang niya na may batalyong sumusulpot na naman at inatake siya.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now