Chapter 32

1.7K 79 0
                                    

Chapter 32: Endless love

'Third person's pov'

Tuluyan na ngang nagwakas ang kasamaan ni Hades kaya tahimik, payapa at masaya na ang mga light sapphirian at black sapphirian na namumuhay sa Sapphire world. May mga black sapphirian parin ngunit hindi tulad nina Hades na mga masasama. At ang kanilang pinuno ay isang half light mage and a half black/dark mage.

Kailangan talaga na timbang ang mundo kaya hindi pwede na puro mababait lang ang nakatira. Pero hindi naman masyadong masama o gahaman para timbang talaga.

May salo salo ngayon sa Diamond Kingdom dahil doon gaganapin ang kasal nina Prince Zaffiro Dwaye Allas Diamond at Queen Eurybia.

"Are you ready, brother?"- tanong ni Czaqary kay Zaffiro.

"Ready na, Kuya. Mahal ko siya eh."- sagot ni Zaffiro sa Kuya niya.

"Doon ka na manirahan sa mundo ni Eury, Zaff. Dalawin mo kami minsan ha."- sabad naman ni Dannaya.

"Oo naman, ate."- sabi naman ni Zaff sa ate niya.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang wedding organizer nina Zaffiro at Eury na walang iba kundi ang kanilang ina.

"Hi, baby. Hays akala ko makakasama ka pa namin ng matagal. Yun pala may iniibig ka na. But yeah, ganyan naman ang buhay."- mahabang salaysay ng kanilang ina habang nakatingin kay Zaffiro.

"Mom, hindi naman kami agad babalik sa mundo ni Eury eh. Magkasama pa tayo. At huwag kang mag-alala, mom, dadalaw naman kami eh."- pahayag ni Zaffiro sa ina.

"Alam ko, baby. Tara na malapit na ang oras."- sabi ni Queen Czia sa anak kaya tumayo na ang tatlo at lumabas na sa silid.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang kasal nina Zaffiro at Eury. Ang nagkasal naman sa kanila ay si Aphrodite.

"Zaffiro Dwaye Allas Diamond, do you take Queen Eurybia as your wife? For better and for worst?"- tanong ni Aphrodite kay Zaffiro.

"Yes,Goddess Aphrodite."- sagot ni Zaffiro.

"Queen Eurybia, do you take Prince Zaffiro Dwaye Allas Diamond as your husband? For better and for worst?"- tanong naman nito kay Eury.

"Yes."- sagot ni Eury.

Pagkatapos ng kanilang I do's ay kinuha ni Zaffiro ang singsing at humarap kay Eury.

"Love, take this ring as the sign of my love, fidelity, devotion."- at isinuot ang singsing sa daliri ni Eury. "I vow to love you till eternity. And i have so much to thank you. Thank you for loving me despite of my bad deeds. I vow to make you happy always. I love you, Eury."- wika ni Zaffiro.

Kinuha naman ni Eury ang singsing na para kay Zaffiro.

"Take this ring as the sign of my love, loyalty, fidelity. I vow to love you forever. Ipinapangako ko rin na magiging mabuti at matapat akong asawa sayo. Mahal na mahal kita."- wika naman ni Eury.

Pagkatapos ay hinalikan ni Zaff sa noo si Eury bago humarap kay Aphrodite.

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride. Congratulations."- sambit ni Aphrodite at biglang naglaho.

Nagpalakpakan naman ang mga light sapphirian ng maglapat na ang mga labi nina Zaffiro at Eury.

"Mabuhay ang bagong kasal!"- sigaw ng lahat.

Napuno ng kasiyahan ang buong Diamond kingdom dahil sa pag iisang dibdib ng dalawang nag iibigan.

"Congrats sa inyo, Uncle Zaff, Queen Eury."- bati ng mga royalties.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now