Chapter 16

1.9K 87 9
                                    

Chapter 16: New Friend??

'Cristel's pov'

Tahimik ang classroom namin. Andito kasi kami nag hihintay sa aming guro. Pero si Blaze hindi pa dumating siguro nandoon siya sa girlfriend niya. Hays.. Sakit hahaha....

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng classroom and i know na si Blaze ang pumasok. Pinigilan ko lang talaga ang aking sarili na lingunin siya.

"Ayos ka lang ba, baby?"- napalingon ako ni kuya ng bumulong siya sa akin.

"Yes, kuya."- sagot ko.

"Mukhang tensed ka.."- sabi pa niya. Umiling na lang ako.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang aming guro.

"Good morning class, by the way may transferee tayo. Pasok ka na at magpakilala sa kanila."- sabi sa guro namin.

Pumasok naman ang isang matangkad na lalaki. Hmm may hitsura na naman siya at ang mga kaklase naman namin ay parang bulate na nilagyan ng asin kung kiligin. Tsk....

"Good morning, I'm Knight Axl Crystal. 16 years old."- hmm parang tanga...

"Okay, umupo kana mr. Crystal sa tabi ni princess Cristel. Ahm ayos lang ba your highness?"- tanong pa niya.

"Yeah."- walang ganang tugon ko. Napalingon naman ako sa gawi ni Blaze nakatingin din siya sa akin at bahagyang ngumiti. Shit!

Hanggang sa matapos ang klase namin sa umaga ay wala akong naintindihan masyado akong lutang hays..

"Tara, by."- tawag ni kuya sa akin habang naka akbay kay Winter. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Bitter lang hahaha..

"Ok."- sagot ko na lang at sumunod na sa kanila. Si Blaze naman ay nauna na dahil sunduin pa daw niya ang girlfriend niya. Sweet... Hahaha

'Winter's pov'

Alam ko na lubha ng nagdurugo ang puso ni Cristel ngayon. At lalo naman akong nag alala sa kanya hindi dahil sa mahal ko ang kuya niya kundi matalik ko rin siyang kaibigan. Bakit mo ba kasi yun nagawa Blaze?

Lunch time na kaya nandito kami sa cafeteria para mag tanghalian. Tahimik lang ang grupo ng biglang basagin ito ng isa ko pang pinsan na si Stone.

"Parang ang busy naman ata ni kuya sa babaeng yun. Wala na tuloy siyang oras sa atin."- mahinang wika nito at nilapag sa mesa namin ang pagkain na inorder niya.

"Hayaan muna siya. Doon siya masaya eh."- sabi ko naman. Nakita ko ang pagtagis ng bagang ni Cristan tanda na malapit na siyang sumabog sa galit kaya nilapitan ko ito at pinakalma.

"Wait lang ha. May hindi ba kayo sinabi sa amin? Bakit bigla kayong naging malambing sa isa't isa?"- tanong ni Hera na may mapanuring tingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mamula..

"Well?"- untag naman ni Icy.

"Ahm... Kami na..."- sagot ko at tumingin kay Cristan bahagya naman akong natawa ng nanlaki ang kanyang mga mata.

"T-tayo na?"- utal niyang tanong...

"Wow himala,Flame. Marunong ka palang mautal?hahaha."- asar ni Zenna sa pinsan niya.

"Oo tayo na. Sinagot na kit."- sabi ko sa kanya.

"Yes! Thank you."- sabi nito sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit natawa naman ako.

"Aheemm... Respeto naman sa aming mga single."- natatawang wika ni Cristel. But i know tinago niya lang ang sakit.

"Oo nga, well congrats sa inyo.. Stay strong ha.."- sabi naman ng aming mga kaibigan.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now