Chapter 23

1.7K 81 26
                                    

Chapter 23: Paghahanda

'Cristel's pov'

Nasa academy na kami ngayon upang maghanda sa tiyak na nalalapit na ikalawang digmaan sa aming mundo. Mahirap ikilos gayong okupado ang aming mga isipan. Samot saring emosyon ang aming naramdaman. Pangulila na hindi namin alam kung kailan mapunan. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ewan ko ba, hindi ko na alam kung ano ang aming ka hahantungan sa pakikidigma na ito. Kamatayan ba o ang matiwasay na mundo.

"Ayos ka lang ba, princess?"- tanong ni Knight sa akin.

"Hindi ko alam."- sagot ko sa kanya. Hay totoo naman kasi...

Hindi na siya umimik pa. Hanggang sa tinawag na uli kami upang magsanay.

"I didn't expect this to happen. But life sucks and here we are trying hard to defeat this chaos."- bulong ni Stone.

I know hindi rin naka fucos sa training si Stone dahil na kay Shine ang isip niya. Isa pa ito. Bakit ba nila inilihim ang nangyari sa nakaraan??

"Mas mabuti pa na hindi lang katawan ang ating ihanda kundi pati na rin ang ating puso't isipan. Dahil hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Hindi natin alam baka may isa pa palang rebelasyon ang magaganap!"- makahulugang aniya ni Enna. Kaya napatingin kami sa kanya.

"Yeah, i agree."- sabi ko at iniwan sila.

Marami pa akong dapat sanayin sa aking kapangyarihan. Kailangan muna namin ang pagsasanay na ito. Hays si mommy kaya kamusta na?

"Want to train with me?"- napalingon ako sa nagsalita. Si Blaze.

"Yeah, sure."- sagot ko.

Agad naman akong nag gawa ng barrier upang hindi madamay ang iba sa aming gagawin na pagtutunggali.

"Ready, babe?"- tsk. Babehin mo mukha mo! Gago! Ulol!!!

"Don't. Call. Me. Babe."- mariin kong aniya at ngumisi naman siya! Gago!

Dala sa aking inis at galit sa kanya ay agad ko siyang tinira ng Air ball with needle na nasalag niya naman. Ngunit ang hindi niya alam ay patuloy ito sa pag atake sa kanya.

'Third person's pov'

Halos hindi makaiwas si Blaze sa mga atake ni Cristel dahil sa sunod sunod nitong tira sa kanya. Kaya sa isip niya... 'Galit ba to sa akin?". At dahil sa kawalan ng konsentrasyon ay hindi niya naiwasan ang malaking water ball na tinira ni Cristel.

"Aw!"- sigaw ni Blaze at napadapa ito.

"Oopss, Sorry. Ano? Suko na?"- napalunok naman si Blaze sa uri ng tanong ni Cristel. Tila ba may iba pa itong pinapahiwatig. Napailing na lang siya sa naisip haha!.

"Nope! Not anymore."- sagot ni Blaze kaya napailing si Cristel at napaisip na.."Why is that? Hahaha loka loka talaga!".. Para kay Blaze ay dalawa ang kahulugan sa sinabi niya ngunit batid niyang hindi ito pinagtuunan ng pansin ng Prinsesa.

Nagpatuloy ang kanilang pagsasanay at nahumaling sa kanila ang mga kasamahan sa battle field kaya sila na lang ang pinanood nito.

Pagod na si Blaze ngunit hindi man lang nakitaan ng pagod ang mukha ng Prinsesa. Hanggang sa bugsak si Blaze sa huling tira ni Cristel gamit ang invisibility horse kick.

"Oops, I'm sorry."- wika ni Cristel at tinanggal ang nakapalibot na barrier sa kanila. Agad naman niyang dinaluhan si Blaze at ginamot gamit ang healing ability niya.

"Cristel, sinadya mo ba yon?"- ka pag kuwan ay tanong ni Blaze sa kanya. Inosente namang nilingon ni Cristel si Blaze at nag tanong.

"Ang alin?"- aniya. Napailing naman si Blaze at naisip na baka naparanoid lang siya.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang