Chapter 15

1.9K 85 7
                                    

Chapter 15: First Date

'Blaze's pov'

Andito ako sa loob ng aking kwarto sa dorm nag hahanda para sa date namin ni Freezale. Ng matapos na ako ay agad akong lumabas sa kwarto at nadatnan ko naman ang aking mga kasamahan sa sala nanonood ng tv. Lumingon naman sa aking gawi si Winter.

"May lakad ka, Blaze?"- tanong niya sa akin.

"Ahh, oo. Sige ha mauna na ako."- paalam ko sa kanila at tuluyan ng lumabas sa dorm.

Agad ko namang pinuntahan si Freezale sa dorm nila. Pagdating ko ay nasa labas na siya. Hmm.. Ganda talaga ng babaeng to.

"Halika na?"- aya ko sa kanya ng makalapit ako.

"Sige.."- sabi niya.

Sabay kaming naglalakad tahimik lang kami ng bigla siyang magtanong.

"Hmm, Saan pala tayo pupunta?"- tanong niya..

"Basta."- hahahaha secret lang kasi.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa malapit na kami sa enchanted falls.. Hinanda ko na talaga to..

Ng papasok na kami ay pinatigil ko siya.

"Bakit?"- tanong niya...

"Wait lang."- sabi ko at nilagyan ko ng blind fold ang mga mata niya.

"Ano ba ang pakulo mo ha, Blaze?"- nakangiti niyang tanong...

"Basta..."- sabi ko.

Inalalayan ko naman siya ng magsimula na ulit kaming maglakad. Ang enchanted falls ang isa sa pinakamaganda na lugar dito sa Sapphire.

"Bakit parang malamig?"- tanong ni Freezale. Yes malamig kasi ginamitan ko ito ng spell para umulan ng mumunting snow...

Hindi ko na lang siya sinagot pa. Ilang saglit pa ay nandito na kami sa hinanda kong mesa na gawa sa snow na may mga bulaklak pa sa ilalim.. Gawa siya sa snow pero hindi naman ito basa..

"Andito na ba tayo?"- mahinahong tanong ni Freezale.

"Yeah."- sagot ko at pina upo siya at tinanggal ko ang blind fold niya.

"Surprise! Nagustuhan mo ba?"- nakangiting tanong ko sa kanya ng matanggal ko na ang blind fold.

Tumayo naman siya at tiningnan ang paligid..

"Sinadya mo talaga to?"- maya maya pa ay tanong niya.

"Yeah, ayos lang ba?"- tanong ko. Honestly di ko alam kong ayos lang ba sa kanya hahaha..

Nabigla naman ako ng bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Thank you!! I love it!"- nakangiting wika niya..

"Halika na.. Kain muna tayo."- aya ko sa kanya at tumango naman siya...

'Cristel's pov'

Naalimpungatan ako ng may narinig akong tawanan. Kailan pa may ibang nakapasok sa enchanted falls? Ang alam ko kami lang na mga royalties ang makapasok dito. Agad naman akong bumangon at tiningnan ito.. Laking gulat ko na lang ng nakita ko sina Blaze at Freezale sa may falls.. Tsk. Ang sweet naman ang sakit tuloy ng mata ko. Akala ko kung sino na ang love birds lang pala hays...

Mabuti pang bumalik nalang ako sa dorm. Tsk. Mapanakit talaga tong mga taong ito!

Mag teleport na lang sana ako pero naisipan ko na lang na maglakad para naman makita ko ang nagagandahang paligid dito.

Maingat lang ang aking bawat hakbang baka kasi makalikha ako ng ingay at marinig pa nila ako.

But sad to say nakita pala ako ni Freezale.

"Princess Cristel?"- patanong na tawag sa akin ni Freezale kaya napalingon ako sa kanila nakatingin naman sa akin si Blaze.

"Hai, mauna na ako."- sabi ko na lang at nag lakad na ulit.

Nagteleport na lang ako dahil parang sumikip bigla ang aking dibdib habang nakatingin sa kanila. Shemay naman oh... Kaloka!!

Pagdating ko sa room ko sa dorm ay agad naman akong humiga sa kama at tahimik na kinalma ang puso kong nag durugo.. Chaka! Ang korny ko na... Shit naman oh!!! Makatulog na nga....

'Freezale's pov'

Masaya ako dahil nakikita ko na mahal na ako ni Prince Blaze pero nong makita ko si princess Cristel kanina alam ko na nasasaktan siya. Mahal kaya niya si Blaze? Hays....

"Ayos ka lang ba, Zale?"- napalingon naman ako kay Blaze.. Tsk. Till now hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang prinsepe na ito.

"Oo naman.. Hmm pwede ihatid mo na ako sa dorm?"- tanong ko sa kanya. Hapon na rin kasi.

"Sige."- aniya habang nakangiti.

Maglakad na lang ulit kami papunta sa aking dorm. Medyo malayo kasi ang dorm ng royalty kesa amin na normal lang. Hays.. Hindi ko pa rin malimutan ang unang tagpo namin ni Blaze..

'Flash back'

'Shit late na talaga ako..' mahinang bulong ko. Tsk. Hindi ko rin kasi na lagyan ng alarm ang cellphone ko kagabi. Akala ko pa kasi na bukas pa ang klase. Papaliko na sana ako ng..

"Aray! Ano ba naman yan?!"- inis kong wika..

"Sorry miss, let me help you.."- aniya sa nakabangga sa akin.. Tsk. Pag angat ko ng tingin ay automatic napanganga ako shit! si prince Blaze pala.

"Pasensya na po Prince Blaze nag mamadali kasi ako."- aniya ko sa kanya sa mababang boses. Shemay kahiya.

"Its okay. Ako naman ang nakabangga so i'm sorry."- sabi niya na naka ngiti. Ghod! Ang gwapo...

"Ahm mauna na po ako, Prince Blaze."- ehhh.. Ang gwapo niya hahaha...

"wait ano pala ang pangalan mo?"- tanong niya.. Ehh interested siya! Hahaha

"Freezale po."- sagot ko at nag mamadaling umalis.. Landi kasi yan tuloy! Napagalitan sa prof hahahaha.

'End of flash black'

Hahahaha galit na galit si prof non... At simula rin sa araw na yun ay lagi na akong pinuntahan ni Prince Blaze hanggang sa nangligaw siya at naging kami.

"Andito na tayo, Zale."- wika ni Blaze.

"Sige thanks, Blaze."- sabi ko ngumiti naman siya..

"Thank you rin. Mauna na ako ha. I love you."- sabi niya.

" i love you too."- sabi ko at pumasok na sa loob..

Wala akong dorm mate kaya walang madaldal hahaha... Dumeretso na lang ako sa room ko at pumasok ako sa banyo para maghalf bath pagkatapos ay nagbihis na ako ng pantulog at humiga na sa kama. Ipikit ko na sana ang aking mga mata ng makita ko muli ang magandang mukha ni Princess Cristel na halata ang sakit at lungkot. Shit! Bakit ba apektado ako? Pero naawa talaga ako sa kanya.. Hays mabuti pang matulog na lang!..



----------
End of Chapter 15

Hai pasensya na sa matagal na UD busy talaga si Author eh! Maraming gawain kaya halos wala na talagang time sa pagsulat. Hindi kasi madali na magsulat at may anak pa na inaalagaan. Noong week end naman ay na mas lalo akong na walan ng time mag sulat kasi nag pa check up at nag pa ultrasound kasi ako. Two months to go na lang at kabuwanan ko na. Siguro mga next month kailangang matapos ko na ang kwento na ito kasi mas lalo akong mawalan ng oras sa darating na august. Kaya pasensya na talaga at maraming salamat sa pagsubaybay...

Sorry po sa typos at grammar!😅



Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now