Chapter 8

3.1K 111 3
                                    

Chapter 8: First Mission

'Blaze's pov'

Yow! I'm Blaze Vane W. Lightning. Lahat ng sinabi ko kay Cristan kagabi ay totoo. Mga bata pa lang kami ay gusto ko na si Cristel pero grabe ang bakod ni Cristan dito kaya hindi ako makalapit sa kanya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, kuya."- sabi ni Stone.

"Wala naman."- sagot ko.

"Nakita ko kayo ni kuya Cristan kagabi. Totoo ba na gusto mo si ate Cristel?"- usisa nito.

"Yeah."- maikli kong sagot at tumahimik naman siya.

Nasa room na kaming lahat ngayon. Naghihintay sa guro namin. Sinulyapan ko si Cristel at as usual nakabantay pa rin si Cristan.

"Baka matunaw yan."- napaigtad ako ng bumulong si Winter sa akin. Winter is my cousin.

"Tsk. Anong akala mo sa kanya ice cream na matunaw?"- sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako.. Loka loka talaga.

Sinubsob ko na lang sa arm chair ang aking ulo ng biglang magsalita si Winter.

"Cristel, may nagkagusto sayo."- agrhh bwesit talaga tong pinsan kong ito.

"Not interested!"- f*ck! Ang sakit non ah..

"Burn!"

"Toasted!"

"Ashes!"

"Hahahahaha"

Mga loko loko. Bwisit. Tsk!

"Blaze, where are you going?"- sigaw ni Winter sa akin. Pero hindi ko ito nilingon. Damn it! Harap harapan ba naman! Shit!!!

Sa rooftop ng building namin ako napadpad. Bakit kasi sinabi pa ni Winter? Kung alam niyang ako ang may gusto sa kanya sasabihin kaya niya yun?

Nakalipas ang ilang minuto bababa na sana ako ng paglingon ko ay nakita ko si Cristel na nakatingin sa akin.

"What are you doing here?"- tanong niya sa akin.

"Nagpahangin lang. Ikaw anong ginawa mo dito? Baka magwala na naman yung kapatid mo."- sabi ko sa kanya.

"Hmm.. Ikaw ba ang may gusto sa akin?"- tanong niya. Nabigla man pero hindi ko pinahalata.

"Bakit ka nag abala? You're not interested, right?"- tanong ko sa kanya na may bahid na pait sa aking boses. Shit! Ang bitter ko. Nakakabakla pa..

"Hmm i see. You know na hindi mo ako pwedeng magustuhan dahil-"

"Sa kuya mo?"- putol ko sa sasabihin niya.

"Nope. Dahil mga bata pa tayo Blaze. Besides mas matanda ako sa iyo. Kaya huwag mo akong gustuhin."- maka utos to parang ang dali lang ng sinasabi niya. Palibhasa hindi siya ang nagkagusto.

"Tsk. Mga bata? Yeah, right! Pero Cristel isang taon lang ang agwat natin at naniniwala akong age doesn't matter."- sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sa iyo, Blaze."- aniya.

"Please let me like you na lang. Kahit walang kapalit ayos lang."- desperado na kung desperado.

"Ayokong makapanakit ako, Blaze. Lalo pa kung kaibigan ko ang masaktan ko. Bumaba ka na pinatawag tayo ni HM."- sabi niya at biglang nawala.

Shit na friend zone ba naman ako? Bahala na nga. Nagteleport na lang rin ako papunta sa HM's office at pagdating ko ay nandoon na silang lahat.

"So andito na kayong lahat. May ibibigay akong misyon sa inyo."- sabi ni Hm ng makaupo ako.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now