Chapter 22

1.6K 70 2
                                    

Chapter 22: Shiney Vennise The lost Princess of Airous Kingdom

'Dannaya's pov'

Hindi ako maaring magkamali kahit mga bata pa na nagkahiwalay sina Stone at Shiney alam ko na siya ang nawawalang kakambal nito dahil para silang pinag biyak na bunga. Samantalang patuloy naman sa pag agos ang mga luha ni Shiney habang may binibigkas.

"Nagbago na talaga siya. Dati hindi naman siya ganito eh."- bulong niya. Si Hades kaya ang tinutukoy niya? Bakit ano nga ba si Hades dati?

Lumabas na si Shiney sa kwarto niya kaya sinundan ko na uli siya at patungo na siya sa kwarto kung saan naroon si Eurybia.

Pinihit niya ang door knob at binuksan ito saka tuluyan ng pumasok. Nilapitan niya si Eury at pinagmasdan niya itong mabuti.

"Bakit parang pamilyar siya sa akin?"- bulong nito sa sarili.

"Queen?"-si Eury

"Yeah?"

"Kilala ka niya,Queen?"- tanong nito sa akin.

"Yes, and you also know her. She is the lost twin sister of Stone."- sagot ko. Natahimik naman siya.

"Ano ba ang gagawin ko sa iyo, Queen?"- bulong uli ni Shiney..

Bigla namang bumukas ang pintuan kaya tuwid na napatayo si Shiney.

"Eury, it's show time."- sabi ko dito.

"Copy, Queen."- sagot nito.

"Shia, siya ang iyong reyna si Dannaya."-  pakilala ni Hades. Tsk hangal!

"King, a-ano po ang g-gagawin k-ko?"- nagkakautal-utal na tanong nito kay Hades.

"Sundin mo lang lahat ng utos niya. Dannaya, mahal ko gising na."- wika nito. Dahan dahan namang minulat ni Eury ang kanyang mga mata at kitang kita ko ang pagkagulat ni Eury ng masilayan niya si Hades kaya medyo nabahala ako.

"Eury!"- sigaw ko sa isip niya at nagulat naman siya. Ilang saglit pa ay kumurap kurap ito at nilibot ang mga mata sa paligid at...

"Sino ka?! Nasaan ako?! Czack! Love!"- sigaw ni Eury.. Hmm in fairness ha.

"Tumahimik ka, Dannaya. Nandito ka na sa aking kaharian at ikaw na ang bagong reyna dito! At ako na ang iyong magiging asawa!"- sigaw nito kay Eury.

"Eury, be ready may spell siyang babanggitin upang ikay kanyang mapaamo."- sabi ko sa kanya.

"patawad mahal ko ngunit kailangan ko itong gawin upang ikay mapasunod sa lahat ng gusto ko."- aniya at may spell na binanggit ngunit pinalibutan ko ng invisible barrier si Eury upang hindi siya mapasailalim sa kapangyarihan ni Hades. Kunwari namang pumikit si Eury at ilang saglit pa ay naging maamo ang kanyang itsura.. At ang hangal naman na Hades ay paniwalang paniwala naman. Hahahahaha...

'Hades's pov'

Sa wakas andito ka na aking reyna. Ikaw na ang magiging gabay ko sa lahat ng aking gawain at mga plano. Sabay nating wasakin ang mga light mages!

"Dito ka muna, mahal. May gagawin lang ako."- paalam ko sa aking reyna.

"Bakit mo ako iiwan?"- tanong nito sa akin. Parang nagpalakpakan naman ang aking mga tainga sa narinig.

"Pahinga ka muna si Shia na muna ang bahala sa iyo. Shia ibigay mo sa kanya ang lahat ng gusto ng iyong reyna. Maliwanag?"- sabi ko dito. Agad naman itong tumango.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now