Chapter 9

2.4K 102 2
                                    

Chapter 9: Mission: Dark sea

'Cristel's pov'

Nagpatuloy na kami sa paglalakad medyo malayo layo pa kasi ang dark sea. God! Ano nga ba ang sasakyan namin patawid sa dagat na yun? Masyado pa namang malakas ang alon doon.

"Kuya, ano ang sasakyan natin patawid sa dagat?"- tanong ko kay kuya na ngayon ay hindi na sa akin naka alalay kundi kay Winter na hahahaha.

"May masasakyan na raw tayo pagdating natin doon."- sagot niya kaya napatango na lang ako.

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Paglingon ko si Blaze lang pala.

"May kailangan ka ba sa kapatid ko, Blaze?"- inis na tanong ni Kuya. Tsk. Here we go again.

"Wala naman. Baka kasi kailangan niya ng alalay. Busy ka kasi."- sagot naman ni Blaze. Hays. Gulo na naman to.

"Kaya na niya ang sarili niya. Hindi ka niya kailangan."- sabi naman ni kuya. Tsk.

"Paano mo nasisiguro ha?"- palaban din tong isang to.

"Tumahimik nga kayong dalawa."- inis kong saway sa mga bata na ito.

Buti naman at tumahimik na ang dalawa pero may pumalit naman.

"Lumayo ka sa akin, Hero ha."- sabi ni Enna at tinulak si Hero palayo sa kanya.

"Eh bakit ba? Gusto ko ngang katabi ka bawal ba?"- asar nitong tanong.

"Oo bawal. So tsupi layo ka sa akin."- sabi nito. Hahay wala na talagang pag asa ang mga ito.

Malapit ng magtanghalian at malapit na rin kami sa dark sea. Hays mas mabuting kumain muna kami bago tumuloy sa dark sea baka may mga kalaban doon.

"Kain muna tayo."- ani ko sa kanila.

Agad naman silang tumigil at nilapag na ang aming mga dala.

'Ice's pov'

Hello.  I know kilala niyo na ako. Tapos na kaming kumain at nagpahinga na lang kami. Sinulyapan ko si Hera. Hmm.. Maganda naman siya. Tsk. Ano ba itong iniisip ko.

"Ayos ka lang, kuya?"- tanong ni Icey

"Yeah."- sagot ko.

"Kanina ka pa sulyap sulyap kay Hera ah. May gusto ka ba sa kanya?"- tsk. Bunganga talaga nitong kakambal ko.

"Tsk. Wala noh."- sagot ko sa kanya.

"Wee.. Di nga."- argh!

"Tsk. Wala nga wag kang makulit ha. Baka ibigay na talaga kita kay Stone."- sabi ko dito. Alam ko kasi na crush niya si Stone.

"Hmp! Ewan ko sayo."- hahaha suplada talaga.

"Tara na."- napabaling ako ni Cristel ng nag aya na itong maglakad na ulit.

Nauna si Cristel sa amin katabi niya parin si Blaze at nasa likod naman nito si Cristan at Winter. Tsk. Inlove na ata to.

Sa wakas kita na namin ang Dark sea dito pa lang sa kinatatayuan namin kita na namin ang naglalakihang alon. Makakya kaya namin ito?

"Oh! Andoon yung barko na sasakyan natin!"- sabi ni Cristan. Kaya tiningnan namin ang itinuro niya. Totoo nga may barko na.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa barko ng biglang nagsalita si Cristel.

"May kalaban."- bulong nito. Kaya napatigil kaming lahat at Pinakiramdaman namin abg paligid ng may biglang umatake sa amin.

'Third person's pov'

Hindi pa nakalapit sa nakadaong na barko ang mga royalties ng may umatake sa kanila. Mabuti na lang at madali nila itong naiwasan.

"Cristel dito ka sa likod ko."- sigaw ni Cristan sa kapatid.

"I can handle my self kuya. You know that!"- sigaw naman ni Cristel sa kapatid at nag simula na ring umatake.

Mga shokoy ang kalaban nila. Shokoy na masama. Hindi kasi lahat ng shokoy sa dagat ay masama mayroon ding mababait ngunit hindi itong nasa harapan nila.

Patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban gamit ang kanilang kapangyarihan at martial arts.

"Ice dagger! rain attack!"- igaw ni Ice at umulan naman agad ng ice dagger na papunta sa kalaban.

"Freeze!"- sigaw ni Icey.

"Flame needles."- bulong ni Cristan.

Lihim namang umatake si Blaze. Kinunan niya ng hangin ang mga kalaban kaya madali itong namatay. Samantalang pinahinto naman ni Czaquenna sa pagdaloy ang mga dugo ng kalaban. Nang malapit na itong maubos ay may lumitaw naman na batalyong itim na shokoy.

"Oh my god!"- bigkas ni Hera at pinalindol niya ang kinatatayuan ng mga shokoy hanggang sa bumukas ang buhangin at nahulog ang ilang mga shokoy.

Pagod man pero patuloy pa rin sa pag atake ang mga royalties.

Kinulong naman ni Winter sa kumukulong bola ng tubig ang mga kalaban at may binigkas si Phoenix na spell upang mahaluan ng poison ang tubig at agad naman itong tinirahan ng lightning ball ni Stone.

Marami na ang kanilang napatay pero mas marami pa ang buhay. Pagod na pagod na silang lahat ng biglang magsalita si Cristel na nag papawi sa pagod ni Cristan.

"Die."- bulong sa hangin ni Cristel at naging abo naman abg lahat ng kalaban.

"Cristel. What the f!?"- gulat na sigaw ni Cristan at agad sinalo ang kapatid na na walan ng malay.

'Cristan's pov'

Kaya ako nagulat kanina ng bigkasin ni Cristel ang spell na yun dahil hindi niya lubusang nasanay ang kapangyarihan niyang yun. Mawalan pa siya ng malay sa tuwing ginamit niya ito.

"Ayos lang ba siya?"- tanong ni Winter.

"Ayos lang siya. Masyado lang napagod."- sagot ko.

Kung itanong niyo kung gusto ko ba si Winter. Well oo ang sagot.

"Bakit nawalan siya ng malay?"- tanong ni Icey.

"Hindi pa kasi siya sanay gamitin ang kapangyarihan niyang yun."- sagot ko.

Nasa loob na kami ng barko at kasalukuyan na itong nag layag. Masyadong malaki ang mga alon kaya todo control ng tubig sina Stone at Phoenix.

"Magpahinga muna kayo. Kami muna ang bahala rito."- sabi ni Stone. Kaya tumango naman kami.

Agad akong nahiga sa loob ng aking silid katabi sa silid ni Cristel at Winter.

-----------
End if Chapter9

Thanks sa paghihintay.

Pasensya na sa typos at grammar...😅😍😘

Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin