Chapter 7

66 17 0
                                    

Gracella

Nakaupo lang ako ngayon habang tinitignan ang wala kong kwentang boss na masayang naliligo sa swimming pool niya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya. Dahil sa kanya na wala ang first kiss ko, kong hindi ko lang sana kailangan ng pera siguro wala na ako ngayon dito.

Sarap niyang sak-sakin at bitayin. Akala niya hindi big deal sakin ang first kiss. Anong akala niya sakin easy to get na  basta basta na lang niya hahalikan. Naiinis talaga ako sa kanya, sak-sakan talaga siya ng kayabangan. Buong akala ko mabait siya pero hindi pala. Humanda ka sakin dahil makakahanap rin ako ng paraan kong paano ka magagantihan.

Mahalaga ang first kiss ko at ikaw lang ang kukuha nito. Hindi ito ang inaasahan ko namangyayari, and also hindi rin siya ang inaasahan ko na hahalik sakin. Hindi siya ang type ko.

"Pwedi ba ipagkuha mo ako ng pagkain sa loob." pagsasalita nito habang papalapit sakin.

Hindi ko lang siya pinansin dahil hindi naman kasama sa trabaho ko ang gawin lahat ng mga inuutos siya. Kasi sa na-aalala ko tangin trabaho ko lang ay bantayan siya.

"Hey! Bingi ka ba. Narinig mo naman siguro ang sinasabi ko." pagsasalita niya pa. Umahon na ito sa tubig at saka umopo sa harapan ko. Buti na lang malaki ang lamisa kaya hindi ko na ki-kita ang pangit niyang katawan.

"Hoy! Kumoha ka ng pagkain sa loob. Inuutosan kita!"

Tinignan ko lang siya ng masama bago ako nagsalita.

"May paa ka naman at nakakapaglakad ka naman ng maayos bakit hindi ikaw ang kumoha?"

"Anong sinasabi mo!" wika nito at bakas sa mukha niya na naiinis na siya. Namumula kasi ang ilong niya at wala akong paki.

"Bingi ka ba?  Naririnig mo naman siguro ang sinabi ko." ngayon tignan na lang natin kong hindi pa siya mainis sakin ng husto.

"Kasasabi ko lang kanina yan!"

"Copy right?"

"Kainis! Bakit ba ayaw sundin ang inuutos ko sayo."

"Dahil hindi yun part ng trabaho ko. Kaya Sir. Lawrance kayo na po kumoha. Self service po tayo ngayon!"

"Isusubong talaga kita kay Mama."

"Sure ka na ba? Baka ikaw lang ang mapagalitan. Nasa sayo na yan. Hindi kita pipigilan."

Tinaasan ko lang siya ng kikay. Ang lakas talaga ng loob niya, anong akala niya sakin personal assistant. Taga bantay niya lang ako at yun lang ang traboho ko. Hindi ko na kailangan sundin ang mga inuutos niya dahil wala naman siyang sakit at nagagamit naman niya ng maayos ang katawan niya kaya.

"Sige, ayoko ng kumain. Maiba tayo bakit ka nan dito?"

Natawa lang ako sa tanong niya. Bobo ba talaga siya o wala lang talaga siyang utak. Buong akala ko alam na niya kong bakit ako dito pero hindi pala. Ang yaman yaman niya kaso walang laman ang utak. Baka siguro na iwan sa swimming pool at nalunod. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Hindi mo ba ako sa sagotin?"

"Tanongin mo kaya sarili mo para malaman mo ang sagot sa tanong mo!"

Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa subang pagkainis sakin. Gwapo nga kaso bobo naman. Hindi ba ito na ka pagaral ng elementary? Para kasing wala siyang alam.

"Sige kong ayaw mo akong kausapin tatanggalin na lang kita sa trabaho mo!"

"Ikaw ba ang Boss ko? Alam mo ba talaga ang pinagsasabi mo?"

"Hoy! Wag mo kong kausapin ng ganyan."

"At wag mo rin akong kausapin na parang ikaw ang Boss ko. Kasi ayon sa kontratang pinermahan ko. Ang magiging trabaho ko lang ay bantayan ka at maglinis lang ng bahay."

"Whatever! Okay panalo kana ano pa bang magagawa ko na nga-ngailangan ka kasi ng pera kaya tinanggap mo ang trabaho nato."

Ngumit lang ako kahit na nakakapanginsulto na ang pinagsasabi niya. Pasalamat siya dahil kailangan ko talaga ng pera kong hindi baka napatay ko na siya at dumanak ang dugo niya sa swimming pool.

"Tapus na kong maligo. Tara samahan mo ko sa taas dahil ipapalinis ko sayo ang kwarto ko."

"Magbihis kana mo na, tapus tawagin mo na lang ako dito kong may damit kana. Ayokong sumama sayo na ganyan ang itchura mo. Naninigurado lang ako sa kaligtasan ko!"

"Iba rin pala ang trip mo! Sige pagbibigyan kita sa gusto mo!"

Tumalikod na siya sakin at umalis na. Ang sarap niya talagang patayin ngayon nang gi-gigil na ako sa kanya. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na wag makasakit ng tao.

"Umakyat ka na dito. Nakabihis na ako." sigaw nito. Tumingala lang ako sa kanya habang nasa terrence siya ng kwarto niya.

Tumayo na ako dahil nakabihis na siya. Naninigurado lang ako para sa kaligtasan ko. Pagdating ko sa harap ng kwarto niya kumatok na ako. Bakit ba kasi ni lock niya pa ang pinto alam naman niya na papasok ako. Wala talagang utak.

"Welcome to my room." bungad niya sakin ng buksan niya ang pinto.

Pagpasok ko tinignan ko lang ang kwarto. Hindi na ako na gulat sa mga kalat na ang dami dami. Kong saan saan lang nakakalat.

"Maglinis kana diba yan ang trabaho mo!"

"Okay Sir, ano bang gusto pati ikaw lilinisan ko para naman kahit papaano magmukha kang anghel at mawala ang dumi na naka dikit sa budhi mo!"

"Wala akong paki!"

Nagsimula na akong maglinis ng kwarto niya, hindi ko na lang siya pinansin. Pinaghihiwalay ko na ang mga makukulay na damit sa. puti. Naiinis talaga ako sa kanya. Sarap niya ihulog mula dito sa balcony niya. Para ma taohan siya sa mga katarantadohan ginagawa niya.

Patapus kong mailagay ang mga damit niya sa lalagyan. Sunod ko naman pinagdadampot ang mga tissue paper na nakakalat sa sahig. Kainis hindi ba siya tinoro'an na itapun lahat ng mga kalat niya sa basurahan. Palibhasa kasi mayaman. Mayaman naman ako noon pero alam ko napalaki ako ng maayos.

Nakatingin lang siya sakin habang na ka upo sa labas ng kwarto niya. Akala niya siguri nag e-e-enjoy ako sa pinagagawa niya. Ang bilis rin niya talaga na ka pagisip ng ipapagawa sakin. Itinaas ko na ang comforter ng kama niya para ma kuha ang natitirang kalat sa ilalim. Kainis hindi ko mana lang ma kita ang loob. Inayus ko na ang pagkakaupo ko at kinapa kapa ang mga dumi sa ilalim ng kama niya.

Hanggang sa isang nakakadiring bagay ang nahagip ng kamay ko. Bakit parang basa ito ano ba tong nahawakan ko. Agad ko na itong kinuha at itinapat sa mukha ko para ma kita kong ano ito.

Nan laki na lang ang mga mata ko ng makita ko ngayon ang hawak hawak ko. Sa subrang inis tinapon ko agad ito sa kanya at sakto sa mukha siya tinamaan ng condom. 

"Shit! Kakadiri ka. Hindi ka man lang na hiya sa sarili mo!"

"Bakit mo tinapon sakin!" wika nito at kinuha na niya ang condom sa mukha niya at itinapon ito sa basuran na nasa labas lang ng balcony niya.

"Mukha ka kasing basurahan. Nakakahiya ka!"

"Boys stuff! At wala kang paki!"

"Kawawang mga babies itinapon lang ng Daddy nila sa condom!" wika ko at tinignan ko siya ng masama.

Habang hindi pa siya nakakapagsalita naglakad na ako palabas at buong tapang kong isinara ang pinto ng kwarto niya. Nakakainis talaga siya. Kani lang kinuha na niya ang first kiss ko at ngayon naman ipinahaw niya sakin ang condom na ginamit niya.

Sarap niya talaga patayin. Nabo-boysit na ako sa ugali niya. Akala ko mabait siya pero hindi pala. Humanda ka sakin dahil pagako na akisip kong paano ka gagantihan, magmamakaawa ka talaga sakin.

----

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now