Chapter 32

33 17 0
                                    

Gracella

Kong sino man tong tao nato na nagpapadala ng mga message sakin mapapatay ko talaga siya. Ang lakas ng loob niya na pagbantaan ako ng kong ano ano. Oras oras na niya pa ako pinapadalan ng message. Naiinis na talaga ako sa kanya. Sa tuwing tatawagan ko siya pinapatay niya agad ito. Hindi rin siya nag re-reply sa mga tanong ko.

Puro pagbabanta lang ang alam niya gawin sakin. Kailan ba ako titigilan ng taong ito at bakit ako ang ginogulo niya. Ang dami kayang mga babae dyan na mas maganda pa sakin. Pero bakit ako pa ang napili kiya.

Muli na naman lumitaw ang message niya sa screen ng cellphone ko.

09308724481
Nasa tabi tabi lang ako at nakikita kita mula dito. Alam kong natatakot kana sakin pero wag mong subokan na magsumbog dahil oras na malaman kong nagsumbong ka. Mamatay ang lalaking nasa harapan mo.

Agad kong na bitawan ang cellphone ko.

"Gracella okay ka lang?" nagaalalang tanong nito.

Tumango lang ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Hindi dapat to malaman ni Lawrance ayokong madamay siya sa gulong hindi ko naman pinasukan. Muli kong nilibot ang paningin ko at wala naman akong nakikitang ka hinahinalang tao. Naiinis na talaga ako sa kanya. Pinapasakit niya lang ang ulo ko.

"Gracella, tinatanong kita kong okay ka lang?"

"Okay lang ako wag mo na akong pansinin."

"Sige na kainin mo na ang ice cream mo bago pa ito matunaw."

"Okay."

"Kong ano man bumabagabag sa utak mo pwedi mo naman sabihin sakin. Nan dito lang ako para makinig sayo."

Kong pwedi ko lang sanang sabihin sayo. Kaso hindi pwedi, ayokong madamay ka. Ayokong madawit ang pangalan niyo ng dahil lang sakin. Kailangan kong harapin ito ng magisa.

To 09308724481
Akong kailangan mo sakin?

09308724481
Ikaw ang kailangan ko. Magkita tayo mamaya. E-te-text ko sayo ang lugar. Wag mo lang subokan magsumbong dahil alam mo na ang pweding mangyari sa kasama mo.

To 09308724481
Okay!

09308724481
Gandyan nga sumonod ka lang para hindi ka mapahamak.

Hindi na ako ng reply pa. Kong ano man ang kailangan niya sakin dapat tapusin ko na to. Tatlong araw na lang at pasukan na. Ayokong magkaproblema habang nagaaral ako kaya ngayon palang dapat ma tapus na ito.

Kong ano man ang hihingin niya sakin ibibigay ko wag niya lang gulohin ang buhay ko dahil nanahimik ako. Ayoko ng gulo at ang gusto ko lang ay mamuhay ng normal. Paano pa ako ngayon magiging normal ang buhay ko kong may isang tao nagbabanta sa buhay ko.

"Gracella, tulala ka na naman. May proble ka ba talaga. Sabihin mo naman sakin."

"Okay lang talaga ako Lawrance. Siguro pagod lang ako kaya hindi ako makapagfocus ng maasyos."

"Nga pala, anong balak mo sa first day off class? Gusto mo sundoin kita? Para sabay na tayo. Alam kong hindi pa naman magsisimula agad ang klasi dahil tiyak kong may opening ceremony panggagawin."

"Hindi ko rin alam, basta pagusapan na lang natin yan sa susunod."

"Ikaw bahala, kainin mo na ang ice cream mo natutunaw na."

"Kinakain ko naman."

"Hindi kaya, tinitignan mo lang. Sabihin mo lang kong ayaw mo bibilhan na lang kita ng iba."

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now