Chapter 10

65 18 0
                                    

Gracella

"Grace, parang sabug na sabug ka? Ano bang ginawa niyo ni Lawrance at paramg wala ka sa sarili mo?"

Tinignan ko lang si Hanna. Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Lutang pa rin kasi ako at kasalanan lahat ito ni Lawrance. Kong hindi lang sana kami pumunta ng mall sana maayos na ngayon ang lagay ko. Sana nakatulog ako ng maayos, humanda talaga siya sa akin dahil ako naman ang gagawa ng kalokohan. Tignan na lang natin kong hindi siya maiinis sakin.

"Napuyat lang ako. Hindi kasi ako na ka tulog kahapun. Dahil isang araw mga bandang 3:00 a.m. na gising ako. Pumunta na lang ako sa minimart dahil hindi na ako na ka balik sa pagtulog, tapus nakilala ko si Rien. Tapus may na kita akong lalaki sa labas na pinagmamasdan si Rien."

"So, ibig mong sabihin na kita mo na si Troy Tiangji? My gash Grace! Sana sinabi mo sakin. Ang gwapo pa naman non."

"Sino naman si Troy Tiangji?"

"Grace, siya lang naman ang anak ni Alyza Tiangji ang sikat na model dito sa Pilipinas tapus si Rien Heart siya naman ang babaeng nag lakas loob na binangga si Troy. Baka nga siguro magkakilala ang mga magulang nila ni Lawrance. Ang sweerte mo talaga Grace."

"Kong sino man siya wala akong paki. Hindi naman siya ang type ko."

"Ayan ka na naman. Alam mo ba Grace sa Riverdale rin daw siya magaaral. Kaso nga lang baka late na siyang mag enroll dahil hanggang ngayon may pasok pa sila."

"Ah? Totoo bang sinasabi mo. Summer na kaya tapus sila may pasok pa? Nagpapatawa ka ba Hanna."

"Grace, sa internation school kasi siya nagaaral. Basta pag na kita ko talaga siya sa University hindi na ako magdadalawang isip na magpapapicture sa kanya."

"Ikaw talaga, itigil mo na ang pagnanasa mo. Siguro my girlfriend na yun."

"Sana wala, maiwan na mo na kita. May trabaho rin naman kasi ako. Good luck mamaya sayo sana magkatuloyan na sana kayo ng boss mo."

"Hanna naman. Hindi ko siya bet at wala sa kanya ang hinahanap kong mga katangian sa isang lalaki."

Lumabas na ng bahay si Hanna at naiwan na naman ako. Tumayo na ako at tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Maganda naman ako, matalino, mabait at masipag bakit hindi pa kaya ako nagkakaboyfriend. Ano bang kulang sakin at wala namang matinong na nanliligaw sakin.

Lahat sila ni reject ko. Hindi kasi sila ang tipo kong boyfriend. Kong magkakaboyfriend man talaga ako gusto siya na rin yong mapapangasawa ko. Dahil ayoko ng maghanap pa ng iba. Saki  pagpumasok ka sa isang rilasyon na hindi ka sure, masasayang lang lahat ng oras at panahon na inilaan mo sa maling tao. Kahit na minahal ka pa niya at gumawa kayo ng masasayang alala masasayang lang rin lahat.

Kaya kong sino man talaga ang ibigay sakin ng Panginoon tatanggapin ko basta wag niya lang ako saktan. Alam ko naman na binabantayan ako ng mga magulang ko.

*Ring.. Ring.. Ring..*

Kinuha ko na ang cellphone at sinagot ang tawag. Alam ko naman na si Lawrance ang tumatawag dahil siya lang naman ang kaunaunahang lalaki binigyan ko ng number ko.

"Hello!" wika ko. Naiinis talaga ako sa kanya.

"Ang aga-aga nagsusungit ka naman. Paano pa kita liligawan yan kong ganyan ang ugali mo."

Hito na naman siya ang aga aga ang lakas mang trip. Akala niya siguro  papatulan ko siya. Kong sabihin ko kaya sa kanya na hindi siya ang gusto ko at hindi ko pinapangarap na maging boyfriend siya. Mas nanaisin ko pang maging isang matandang dalaga wag lang siyang makasama.

"Bakit na pa tawag ka?" hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya alam ko naman na sinisira niya lang ang araw ko.

"Bakit masama ba. Bilisan mo dyan."

Tinignan ko mona ang orasan na nakasabit lang sa gilid ng ding-ding ko. 7:05 a.m. pa lang naman. Bahala siya maghinay sakin. Mamayang 8:00 naman ang trabaho ko sa kanila. May iba talaga siyang binabalak dahil napatawag siya ng ganito ka aga.

"Sir Rance! Papasok naman talaga ako. At isa pa naalala mo ang sinabi ko sayo nong nasa mall tayo habang kumakain. Diba ang sabi ko iibigay ko lang sayo ang number kong ipapangako mo sakin na hindi mo na ako pagtri-tripan at tatawag ka lang sakin kong talagang kinakailangan mo ng tulong ko."

"Kaya nga tumatawag ako sayo dahil kailangan ko talaga ng tulong mo. Nan dito na ako sa labas ng gate niyo. Sasamahan mo ako ngayon na kumoha ng exam sa Riverdale University. Kaya bilisan mo na dyan!"

"Okay po Sir!" pinatay ko na agad ang cellphone ko.

Nagbihis na ako ng damit at muli ko na naman tinignan ang sarili ko.

Gracella kunting tiis na lang makakaya mo rin yan.

Dala ang maliit kong bag lumabas na ako ng bahay. Hindi nga siya nagkakamali dahil nan dito na talaga siya. Pagkapasok ko sa sakyan niya tignin niya lang ako. Kong ano man ang nasa isip nito ngayon siguro pinapatay na niya ako.

"Akala ko matatagalan pa ako sa kakahintay sayo."

"May sinabi ba ako na hintayin mo ko. Alam mo Lawrance pwedi ka naman umalis magisa malaki kana at kaya mo naman ang sarili mo."

"Parang nakakalimotan mo na ang trabaho mo sakin."

Ginagamit niya talaga sa pagba-blackmail  ang trabaho ko. Hindi ko na lang siya kinibo wala naman ako sasabihin sa kanya. Trabaho ko naman talaga na bantayan siya. Kaya hindi dapat ako nagrereklamo ng ganito dahil sila ang nagpapasahod sakin. Pinaandar na niya ang sasakyan habang nasa byahi na gulat ako ng bigla niya pinatu-tug ang kanta ni Taylor Swift.

Now playing The Way I Love You.

"Akala ko ba babaduyan ka sa kanta, eh bakit mo pinakikinggan."

"May sinabi ba akong pangit ang kanta. Hindi ka naman ang gumawa yan kaya wala kang karapatan na tanungin ako kong bakit yan ang pinapatug-tug ko ngayon."

Tumawa na lang ako sa kanya. Hindi ko aakalain na isang katulad niyang gwapo, matcho at lalaking lalaki magpapatug-tug ng kanta ni Taylor Swift. Sabagay ang ganda naman kasi ng kanta.

"Bakit ka tumatawa?" wika nito at parang naiinis siya sa mukha ko.

"Bakit masama bang tumawa?"

"Oo masamang masama dahil alam ko na ako ang dahilan kong bakit ka tumatawa."

"Feeler ka rin pala no! Hindi ako tumatawa dahil sayo."

"Bakit ka nga tumatawa?"

"Wala ka na dun! Mag drive ka na nga at e-enjoy na lang natin ang kanta."

"Kainis ka, humanda ka sakin."

Sinasabayan ko na lang ang kanta baka kasi mas lalo pa siyang mainis sakin dahil nitawanan ko siya. Pero ang cute lang kasi tignan na may isang lalaki na pinakikinggan ang isa sa mga paborito mong kanta.

Lawrance ang gwapo mo sana kaso ang pangit ng ugali mo. Hindi talaga ako mahuhulog sayo kahit ano pang ang mangyari.

---

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now