Chapter 17

46 17 0
                                    

Gracella

"Masarap ba?" pagtatanong ni Lawrance.

Katatapus ko lang kasi kumain at naparami talaga ako. Ang sarap kasi masyado kaya hindi ko ma iwasan kumain ng marami.

"Oo, busog na nga ako."

"Eh' ako ba? Masarap ba ako?"

"Tumigil ka nga, nasa harap tayo ng pagkain."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Minsan talaga may mga oras na naiinis ako sa kanya minsan naman wala. May kong ano sa kanya na hindi ko ma ipaliwanag. Pero ang saya saya ko talaga ka gabi, hindi ko saki akalain na su-surpresahin niya ako. Malay ko bang alam niya pala na birthday ko kahapun at hindi ko naman ako umaasa na ganon pala ang mangyayari.

Naisipan pa talaga niyang gawin yun. Pinakita pa nga niya sakin ang video habang hinahanda niya ang mga gagamitin niya. Siya lang talaga ang gumawa ng lahat pati na ang paggawa ng design. Believe na talaga ako sa kanya. May tinatago rin pa lang siyang kabutihan sa kabila ng mapangaras niyang ugali.

Yong saya na naramdaman ko kay Vector mas dumoble pa dahil sa ginawa ni Lawrance. Sino ba kasi ako para paghandaan niya. Isa lang naman akong hamak na alalay niya. Pero kinilig talaga ako ng subra sa ginawa niya. Hindi ko talaga inakala na gagawin niya yun sa ganong paraan. Buti na lang ginagamit niya ng maayus ang utak niya.

"Tara, ipapasyal kita sa may ilog. Masarap ang hangin doon at malamig ang tubig saktong sakto sa mainit na panahon ngayon."

"Tana na nga para naman mawala lahat ng kinain ko. Ayoko pa naman tumaba."

"Kahit maging mataba ka, ikaw parin ang pinaka magandang babae sa paningin ko."

"Hoy Lawrance hindi mo ako madadala sa mga pangbubula mo. Kong inaakala mo na makukuha mo agad ang loob ko nagkakamali ka."

"Pa hard to get ka pa. Balang araw sisiguradohin kong ikaw na ang hahabol sa pagmamahal ko."

"Anong akala mo sakin aso. Ikaw hahabolin ko? Manigas ka!"

Tumayo na ako at na una na sa kanyang lumabas. Akala niya siguro katulad lang ako ng ibang babae dyan na sa simpling kindat lang mahuhulog na agad ang panty. Ibahin niya ako dahil palaban to hindi ito basta basta na fa-fall kapag hindi ko gusto ang isang tao.

Tinignan ko lang ang kabuohan ng bahay mula sa labas. Hindi nagkakalayo ang bahay na iniwan ko sa probensya sa bahay nila ni Lawrance. Ganitong ganito rin kasi ang hubog ng bahay namin. Hindi naman ako na nagsisisi na iwan yun, dahil alam ko naman na hindi iyon pababayaan ni Tita. Mas ma buti na nga yun para hindi ko na maalala ang mga magulang ko kasi sa tuwing pumapasok sila sa isip ko nalulungkot lang ako.

Ayokong makita nila akong nalulungkot dahil masasaktan lang sila, kaya nga parati kong pinapalakas ang loob ko para hindi ko gaano sila maisip. Alam ko naman na binabantayan nila ako at hindi naman nila ako pababayaan. Sisiguradohin ko sa muli kong pagbabalik sa probinsya namin kaya ko nang ngumiti. Na para bang okay na ang lahat at tanggap ko na ng buong puso.

"Malongkot ka na naman. Ano bang problema mo? Kani na lang ang saya saya mo, tapus ang sungit, ngayon naman ang longkot longkot mo. Okay ka lang ba?" biglang hinawakan ni Lawrance ang mga kamay ko at tumingin lang siya sa mga mata ko.

"Ngayon sabihin mo sakin kong okay ka lang ba. Yong totoo ayokong nagsisinungaling ka sakin?" dugtong niya pa.

Bakit ba sa tuwing seryoso siya, hindi ko siya magawang itulak papalayo sakin. Sa tuwing maglalapit ang mga mukha namin mas lalo lang lumalakas ang kabog ng dib dib ko.  Ano bang nangyayari sakin at bakit ako nagkakaganito tuwing magkaharap kami.

The Way I love You - COMPLETE Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin