Chapter 27

39 17 0
                                    

Gracella

Sa wakas na ka uwi narin ako sa bahay ko. Iniwan ko na ang mga gamit ko sa sala at dali daling pumasok sa kwarto sabay tanon sa malambot kong kama. Ngayon makakapagpahinga na ako ng maayos na walang Lawrance na manggugulo sakin. Sa loob kasi ng pitong araw na pamamalagi samin sa Boracay hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Ang gulo niya saking kasama sa kwarto.

Ang ingay ingay niya pa. Naiinis nga ako sa kanya dahil mas malakas pa ang bosis niya sakin. Buti na lang talaga at na ka uwi na kami ng maayos at completo pa ang katawan ko.

Ano na kaya ang ginagawa sa ngayon ni Lawrance. Sana alang makatulog agad siya para naman hindi na niyang maisapan na tawagan ako. Naiirita na kasi ako sa boses niya. Pinatay ko na ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Ibibigay ko pa pala ang mga pasalobong ko kay Hanna, nagbilin kasi siya sakin na bilhan ko daw siya ng mga souvenir doon.

Saktong bubuksan ko na ang pinto ng  makita ko si Hanna. Dali dali itong tumakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Miss na miss na talaga kita bessy." wika nito at hinila na niya ako papunta sa sala. "Anong chika natin? Kamusta ang bakasyon mo kasama ang napakagwapo mong boss. May nangyari na ba sa inyo?"

"Hanna ang dumi-dumi talaga ng isip mo. Walang nangyari samin."

"Pero aminin mo bet mo rin siya no?"

Napangiti lang ako sa sinabi ni Hanna. Magsisinungaling pa ba ako na kitang kita naman sa mukha ko ang sagot. Masyado siya kasing bumabanat kaya ayon na fall na ko sa kanya.

"Hanna wag na lang natin siyang pagusapan."

"Bakit ba, gusto ko lang naman malaman kong ang ginawa niyo. Sabihin mo na lang kasi sakin."

"Wala nga kaming ginawa."

"Never kayong nagkiss?"

Itong si Hanna talaga. Hindi niya talaga ako titigilan hanggang sa makuha niya na ang sagot sa tanong niya. Paano ko ba to ipapaliwanag sa kanya ang nangyari samin. Pitong araw kaya kami nan doon. Paano ko to sasabihin isa isa sa kanya ang mga ginawa namin.

Ang dami kayang nangyari ng hindi ko inaasahan. Paano ko to ipapaliwanag sa kanya lahat lahat at saan ko naman sisimulan.

"Hoy! Sagutin mo ang tanong ko. Nagkiss na ba kayo?"

"Hindi ko na sasagutin yan."

"Gracella naman. You can tell me everything. Hindi na tayo mga bata at isa pa hindi naman kita huhusgahan."

"Alam ko naman. Pero private issue ko na yon."

"So nagkiss na talaga kayo. Kahit hindi mo pa sabihin sakin ng harap harapan hatang halata na sa mukha mo at sa sinabi mo." wika nito sabay tawa ng malakas. "Anong kasing kiss?" pagtatanong niya ulit. 

"Sige ka, paghindi ka pa tumigil hindi ko natalaga ibibigay sayo ang pasalobong mo."

"Ikaw naman hindi ka mabiro. Bilisan mo dyan at ibigay mo na sakin. Kanina ko pa talaga hinihintay yan."

Kinuha ko na ang isang plastik bag sa malita ko na naglalaman ng sapatos at damit. Binili ko talaga ito bago kami umalis dahil alam ko paghindi ako na kabili ng pasalobong sa bestfriend ko hindi talaga niya ako kakausapin. Nang maibigay ko na sa kanya ang pasalobong niya nagtatalon ito sa tuwa. Parang hindi talaga siya ma kapaniwala na binilhan ko siya.

Kabayan yan sa kabutihan na itinulong mo sakin. Sa pagpapatira niya sakin sa pinapaupahang bahay nila ng walang bayad. Kong hindi dahil sa kanya hindi ko talaga alam kong saan na ako nito na pad-pad. Dapat lang na bigyan ko siya ng regalo kahit sa ganitong paraan man lang magawa kong magpasalamat sa kan niya. Hindi man ito malaking bagay pero alam ko masaya siya.

"Salamat talaga dito, nga pala diba hindi ka umowi dahil ang sabi mo doon ka matutulog dahil maaga kayong aalis bukas. So kani nong mga damit tong nasa loob ng malita mo at bakit ang dami?"

"Yan ba, binili yan ng Mama niya para sakin. Dahil ayaw talaga nila akong pauwi'in."

"Ikaw na talaga Gracella. Biroin mo ang bait bait nila sayo. Para gusto na lang ngayon na magpalit na lang ng trabaho kagaya mo."

"Ano ka ba Hanna, hindi ko nga rin alam na ganito pala ang trabaho na naghihintay sakin."

"Ang swerti swerti mo talaga. Maganda na ang trabaho no at malaki ang skweldo mo tapus may humahabol pa sayo gwapong lalaki."

"Niloloko mo lang talaga ako. Sige na umalis kana dahil magpapahinga pa ako."

"Sige magpahinga ka na dyan. Salamat pala ulit dito."

"Wag mo kalimotan na bigyan ang Mama mo."

Nilabas niya lang ang dila nito at tinaasan ako ng kilay. Isinara na niya ang pinto at sa wakas na kahinga narin ako ng napakaluwag. Napasandal na lang ako sa supa namin ng bigla kong ma isip si Vector.

Nalolongkot parin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na pupunta rin siya ng Boracay edi sana nakagawa ako ng palosot kay Lawrance. Kaso parang ayaw lang talaga niya ng gulo kaya umiiwas na lang siya. Alam ko naman na nagseselos sa kanya si Lawrance pero hindi lang talaga ako sang ayon sa ginawa niyang pagbabastos kay Vector.

Sana lang talaga okay lang siya. Bukas na bukas kakausapin ko na lang siya. Ayoko kasing iniiwasan niya ako. Hindi ako sanay sa mga ganong bagay.
Ayokong mangyari yon na sa tuwing magsasalobong kami hindi niya ako kikibo'in. Ang sakit kaya non.

Tangin pagkakaibigan lang talaga ang nakikita ko ngayon kay Vector. Nagkamali lang ako ng sabihin ko sa sarili ko na siya na talaga ang lalaking para sakin. Siguro false alarm lang yun para samin dalawa. Sigurado na kasi ako sa nararamdaman ko para kay Lawrance at hindi na ito magbabago.

Kinuha ko na ang cellphone ko at nag scroll mo na ako sa facebook. Buti na lang talaga dahil hindi online Lawrance. Ayoko ko lang kasi na kausapain siya mo na, baka kasi kiligin na naman ako sa mga banat niya. May tinatago rin pala siyang ka sweetan sa kabila ng maangas niyang mukha.

E-o-off ko na sana ang cellphone ng biglang tunawag sakin si Vector.

"Hello"

"Sawakas sinagot mo narin akala ko nakalimotan mo na ako."

"Ang drama mo talaga Vector. Matulog ka na lang kaya dyan."

"Yun nga ang problema ko dahil hindi ako makatulog ng maayos. Kantahan mo na lang kaya ako."

"No way, sige na papatayin ko na to dahil magpapahinga narin ako."

"Okay, magusap na lang tayo bukas. Goodnight and sweet dream." Wika ni Vector.

Pinatay ko na lang para wala na akong may masabi pa. Babawi na lang ako sa susunod sa kanya kong hindi na ako busy. Alam naman niya siguro na nagtra-trabaho ako.

Bumalik na ako sa kwarto at humiga ulit. Sana lang bukas na bukas okay na ang lahat. Yong tipong wala nang may namamagitan ng sama ng loob ang dalawa.

Kasi sa tuwing nagaaway sila hindi ko na alam kong saan ako kakampi.kong kay Lawrance ba or kay Vector.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko para magiwan ng message kay Lawrance baka kong ano na ang isipin non dahil hindi man lang ako nagparamdam sa kanya.

To Lawrance:
Goodnight, nakatulog kasi dala ng pagod. See you.

Pumikit na lang ako para mabilis akong makatulog. Bahala na bukas kong ano man ang mangayari. May tiwala naman ako kay Vector.

----

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now