Chapter 30

38 16 0
                                    

Lawrance

Nasa tapat na ako ngayon ng bahay niya. Ang usapan kasi namin kaninang umaga susundoin ko siya dahil sabay kaming mamimili ng mga kailangan namin para sa pasukan. Sana lang hindi na siya galit sakin dahil sa ginawa ko ka gabi. Nagreply nga siya sakin pero hindi ko alam kong napatawad na ba niya ako.

Kasalanan ko rin kasi bigla bigla na lang ako nagagalit sa kanya. Wala naman dapat akong pagselosan dahil hindi naman kami at walang kami in the first place. Bahala na kong kakausapin niya ako o hindi. Gagawin ko na lang ang best ko para maging masaya.

Tinignan ko lang siya habang papunta sakin. Ang ganda niya talaga kahit anong damit ang sootin niya, bagay na bagay sa kanya. Binuksan na niya ang pino at umopo. Ngumiti lang siya sakin na para bang wala lang. Parang hindi lang kami nagkasagutan ka gabi. Hindi ko alam kong paano ko ba siya kakausapin, kong saan ba ako magsisimula.

Pinaandar ko na lang ang sasakyan. Habang nasa byahi napapasulyap lang ako sa gawi niya. Tahimik parin ito at hindi komikibo, galit pa siguro siya sakin.

"Gracella?" pagsasalita ko. Hindi kasi ako sanay na tahimik siya. Tinignan niya lang ako at hindi man lang ito nagsalita.

"Gracella, sorry pala ka gabi. Hindi ko naman sinasadya yon. Sorry talaga dahil wala naman akong karapatan na mag selos dahil wala naman talaga tayo." muli kong itinoon ang paningin ko sa daan.

Wala man lang akong nakitang reaction sa mga mukha niya. Bakit ko sinabi yon sa kanya. Baka isipin non na sumosuko na ako sa pangliligaw sa kanya. Huminga lang ako nang malalim dahil sa katangahan ko.

"Lawrance, sorry rin pala dahil nasasaktan na kita ng palihim. Hindi ko naman sinasadya."

"Ang mabuti pa kalinotan na lang natin. Hindi naman talaga natin ginosto na masaktan ang isat isa."

"Ganon na nga, kalimotan na lang natin."

Bahagya akong natawa sa kanya. Kahit kailan talaga hindi kong magawang magalit sa kanya ng matagal. Ayoko kasi nakikitang siyang malongkot. Babawi talaga ako ngayon araw dahil sa ginawa ko ka gabi sa kanya.

Alam kong na saktan ko talaga siya at babawi ako ngayon. Sisiguradohin kong malilimotan na niya ang ng yari kahapun. Pagdating namin sa Mall pinarada ko na mo na ang sasakyan ko. Nauna narin akong bumaba sa kanya para pagbuksan siya ng pinto.

"Ano nga palang bibilhin mo?" pagtatanong niya sakin.

Inabot ko lang sa kanta ang maliit na papel na kong saan nakasulat doon ang mga maretial na gagamitin ko sa pasukan. Maaga ibigay samin ito at na isip ko na bilhin na lang agad para naman hindi na ako mahirapan sa susunod na araw.

"Ang dami naman nito." wika nito sabay ngiti. Ngayon bumabalik na ang Gracella kilala ko.

"Bakit ano bang bibilhin mo?"

"Bag, notebook, ballpen at papel na lang siguro. USB pa pala."

"Sigurado ka ba na yan lang bibildin mo?"

Nagisip lang ito sabay tingin sakin.

"Wala na, yan na lang. More on reporting naman kami siguro."

"Tara na nga lang para magawa pa nating gumala dito."

Hinawakan ko na ang kamay niya at laking gulat ko hindi niya ito tinanggal. Sabay kaming nagkatingin at tumawa lang kami na para bang hindi namin sinasadya na dumikit ang mga palad namin. Pumasok na kami sa isang store at nagsimula ng bumili ng mga gamit. Tagahwak lang ako ng baskit tapus siya naman ang naghahanap ng mga kailang ko.

"Sigurado ka ba talaga na bibilhin mo lahat ng ito?"

"Oo naman, para hindi na ako bumalik pa dito. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganitong bagay."

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now