Chapter 12

57 18 0
                                    

Lawrance

Kainis naman to. Siya na nga ang tinutulongan siya pa ang galit. Paano kong masamang tao yong kinakausap niya. Paano kong sinaktan siya non, ako pa itong malalagot sa mga magulang ko. Hindi ba siya nagiisip kong sino sino na lang ang kakausapin niya.

Hindi porkit gwapo wala na agad ma samang balak. Hindi niya ba alam na lahat ng gwapo manloloko. Maliban na lang siguro sakin. Paano ko ba mapapaamo ang babaeng yun. Parati na lang mainit ang ulo niya sakin. 

"Bro, satingin ko humingi ka ng sorry sa kanya."

"Vince naman, bakit naman ako hihingi ng sorry sa kanya. Tinulongan ko na nga siya na ma ilayo sa lalaking yun."

"Paano ko ba ito papaliwanag sayo. Ang init init ng ulo mo, alam ko naman na hindi mo rin maiintindihan  ang sasabihin ko."

"Kaya nga wag mo na lang sabihin. Tara na nga."

"At saan naman tayo pupunta?"

"Sa bar?"

"Hoy Lawrance, wag mo akong idamay sa katarantaduham mo. Kong gusto mong pumunta sa bar ng ganitong ka tirik ang araw umalis ka magisa."

"Ang kj mo naman para wala tayong pinagsamaha."

"Alam mo Lawrance nag bago na ako. Ang gawin mo ngayon ay puntahan siya at humingi ka ng tawad sa kanya."

Kainis rin tong si Vince akala ko kakampi ko siya hindi rin pala. Bakit naman ako magso-sorry sa kanya. Hindi naman ganon ka laki ang kasalanan ko.

Sino hindi maiinis sa kanya. Kabilin bilinan ko sa kanya na wag siyang aalis tapus hindi siya makikipagusap kahit kani no. Pero ano tong na abotan ko. Ang saya saya niya pa. Kong hindi lang sana kami na sa loob ng school siguro na sapak ko na ang lalaking yun. Akala mo kong sinong gwapo, mas gwapo pa nga ako non sa kanya.

Humanda talaga siya sakin dahil nasa iisang department lang kami. Sisiguradohin ko sa susunod na muli kaming magkita alam niya kong saan siya lulugar. Ito naman kasi si Gracella naka kita lang ng gwapo na wala agad sa sarili niya.

"Lawrance ma una na ako. Matutulog mo na ako sa bahay para ma wala ang sakit ng ulo ko. Basta ka bilin bilinan ko sayo na humingi ka ng sorry sa kanya at ibaba mo ang pride mo."

Tumalikod na sakin si Vince at nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko na lang siya kinibo kahit na may point ang sinabi niya. Kong pumunta na lang kaya ako ngayon sa bahay nila.

Pakikisamahan ko na lang siya para ma wala agad ang pakainis niya sakin. Kinuha ko na ang cellphone at tinawagan siya pero out of coverage area. Siguro wala siyang gana na sagutin ang mga tawag ko. Magte-text na lang ako sa kanya, bahala siya kong hindi siya magrereply. Pupunta pa rin ako sa bahay nila.

To Gracella
Sorry, hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari kani na. Na bigla lang ako. Pupuntahan lang kita ngayon sa bahay niyo.

Nagdrive na ako ng sasakyan papunta sa bahay nila. Sana man lang papasukin niya ako at wag siyang mag sungit sakin. Binaba ko na talaga ang pride ko para lang magkaayos kami dalawa.

Hindi ko rin talaga alam kong bakit ako naiinis ng makita ko siya na may kasamang ibang lalaki. Hindi naman ako nagseselos, alam kong mas gwapo  ako doon. Pero bakit ganon siya. Iba ang pagtrato niya sa ibang lalaki kisa sakin.

Tumigil mo na ang ako sa minimart para bumili ng pagkain alam ko nagugutom na yun. Kong hindi lang sana siya umalis sana kumakain kami ngayon sa labas. Bakit ba kasi ang tigas tigas ng ulo niya.

Saktong pagbaba ko napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumonog. Kinuha ko agad ito at tinignan.

'Someone tag Gracella in facebook'

Kahit hindi niya pa ako na accept nilagay ko na siya sa see first ko para kong ano man ang i-po-post niya makikita ko agad. Sino kayang walang hiya ang nag tag kay Gracella. Nang ma pindot ko na ito na gulat na lang ako sa aking na kita.

Vector Buhiron was tag Gracella.
Nice meeting you beautiful lady.

Bakit my picture silang dalawa. Kainis naman to! Bakit friend na agad sila sa facebook at my picture pa silang dalawa. Hindi talaga makatarungan ang ginawa niya. Kami na ilang araw ng magkasama ni hindi man lang niya ako na accept sa facebook at wala kami ni isang picture. Ano bang wala sakin at nakikit niya sa iba.

Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang cellphone baka kasi ma itapun ko pa ito ng wala sa oras. Nang makabili na ako dumiretsyo na agad ako sa bahay nila Gracella.

Pagdating ko tinignan ko lang ang kabuohan ng apartment. Malaki ito at may dalawang palapag. Pumasok na ako sa gate, magtatanong na lang ako kong saan dito ang room ni Garacella.

"Hello po" bati ko sa babae.

"Yes? Parang naliligaw ka yata. Anong ginawa mo dito?"

"May hinahanap po kasi ako. Na saan ba dito ang bahay ni Gracella?"

"Bakit ano ka ba niya? Manliligaw. Ang gwapo mo naman kong ganon."

"Hindi po, ako yong boss niya. Na saan na po ba ng bahay niya."

"Room 13 ang bahay niya."

"Salamat po."

Naglakad na ako. Sana man lang mapatawad na niya ako. Alam kong malaki ang kasalan kong nagawa sa kanya.

"Hello. Gracella!" pagsasalita ko ng nasa tapad na ako ng pinto niya.

Dahan dahan itong bumukas at napaatras ako ng makita ko si Gracella.

"Bakit ka nan dito? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Alam ba ito ng mga magulang mo na nan dito ka?"

"Bakit ba ang dami mong tanong kong papasukin mo kaya muna ako."

"Pasok na."

Pumasok na ako sa bahay niya. Hindi gaano ka laki pero okay na. Malinis naman at nasa sa ayos lahat ng mga gamit niya.

"Matagal ka na dito?"

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Sabi ko nga hindi na ako magsasalita."

Nilagay ko na sa lamisa ang pinamili ko. Naglibot-libot mo na ako sa bahay niya at tinignan ang mga gamit na mayroon siya. Okay lang naman ang bahay niya kaso parang hindi maganda para sa kanya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Sino naman hindi magaakala sa kanya, isang magandang babae sa ganito lang bahay lang nakatira.

Bumalik na ako sa sala at umopo ng maayos. Balak ko pa sana pumunta sa kwarto niya para tignan kong anong klasing kwarto ang meron siya.

"Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko!"

Kahit labag sa ka looban ko hihingi na lang ako ng tawad sa kanya. Para hindi na siya magalit sakin.

"Sorry, I don't mean it."

"Pwedi bang magtagalog ka na lang."

"Sorry, hindi ko sinasadya ang nang yari kani na. Sana mapatawad mo ako."

"Buti naman alam mo. Dyan ka lang at wag kang aalis magtutulo lang ako ng makakain mo."

"Akala ko ba hindi mo trabaho na pagsilbihan ako."

"Hoy, wala tayo sa bahay niyo. Bisita kita ngayon dito."

"Ganon ba. Salamat."

"Basta dyan ka lang. Wag kang gagawa ng katarantadohan baka mapalayas kita agad."

Ngumiti lang ako sa kanya. Sa wakas hindi na siya galit sakin at ngayon matitikman ko na rin ang siya, ay' yong pagkain pala na luluto'in niya.

---

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now