Chapter 26

41 17 0
                                    

Lawrance

"Anak hindi ba kayo maliligo? Hindi ko kasi kayo na kisa na pumunta ng dagat." pagsasalita ni Mama.

"Mamaya na po, ang init init pa."

Nilagyan ko na ng ulam ang plato ni Gracella. Tinignan niya lang ako at sabay ngiti. Kumain ka lang nang marami. Pagsasalita ko sa isip ko.

"E-enjoy niyo na ang araw na ito dahil bukas na bukas aalis na tayo. Pero kong gusto niyong manatili pa dito okay lang."

"Wag na po Tita. Pupunta pa kasi kami sa susunod na araw sa University para kumoha ng lay out ng uniform at iba pang requarments." pagsasalita ni Gracella.

"Ganon ba, sige kumain na lang mo na tayo at pagkatapus nito pwedi na kayong maligo."

Tumango lang kami dalawa sa kanila ni Mama. Sisiguradohin ko itong huling araw na pamamalagi namin dito sa Boracay 'ay magiging isang napakasayang ala-ala na hindi namin malilimotan.

Gusto ko bago man kami umowi panatag ang loob ko na ako lang ang mahal niya. Gustong gusto ko na talaga siyang maging girlfriend para hindi na ako magalala ng husto sa kanya. Napapraning kasi ako masyado pang may lumalapit sa kanya. Ka gabi nga may tinanong lang ang lalakin sa kanya hinila ko agad ang kamay niya bago pa ito ma ka pagsalita.

Nagseselos lang siguro ako kapag may lumalapit sa kanya. Hindi ko naman kasi siya masisi-si dahil maganda siya at habulin talaga siya ng mga lalaki. Sana bago kami umalis bukas may label na kami. Alam ko naman na mahal niya rina ko.

"Anak una na kami nang Papa mo."

"Sige Ma, susunod na lang kami sa inyo."

"Magingat kayong dalawa okay."

Tumalikod na sila ni Papa at naglakad na. Ngayon na iwan kami ni Gracella. Hindi siya kumibo at ayoko naman na ako ang bumasag ng katahimikan namin dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Nawawalan na kasi ako ng topic. Ubos narin ang mga banat ko na inipon.

Tinignan ko lang siya habang sinusubo nito ang kanyang kinakain. Wala na kasi akong maisip na gawin kon di ang tumitig na lang sa kanya.

"Ano ba, kumakain ako. Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Nakakailang ka masyado."

"Hayaan mo na lang ako. Wala na kasi akong magawa."

"Kong wala kang magawa. Try mo kayang ligpitin lahat ng ito tapus hugas mo para may gawin ka."

"Hindi ko trabaho yan. Tinititigan lang naman kita ang masama doon? Paano na lang kaya kong hahalikan kita."

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Mapapatay talaga kita."

"Kahit sa pingi lang, hindi naman siguro masama na halikan kita sa pisngi mo."

"Tumahimik ka na nga lang at kumakain pa ako."

"Sige, tatahimik na lang ako pagpatuloy mo na ang pagkain mo."

Itinikom ko na lang ang bibig ko baka kasi ma ka tikim pa ako sa kanya. Sadista kasi yan minsan, nanakit na lang bigla. Hindi ko nga lobos ma isip kong ano buhay ang naghihintay samin sa future. Baka konting pagkakamili ko lang hahagisan niya na agad ako ng plato, baso at mga kong ano ano pang bagay.

Sana lang hindi magkakatotoo ang iniisip ko, pagnagkataom bogbog sarado talaga ako sa kanya. Hindi pa naman ako na-nakit ng babae. Pagkatapos niya kumain tumayo na ito at pumunta sa CR para maghugas ng kamay niya. Saktong pagtayo ko para sundan siya nakita ko si Vector na naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Gracella kaya dali dali akong lumapit.

Tatawagin na sana niya si Gracella ng humarang ako sa dinadaan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tinignan ko lang siya sa mata. Bakit ba kailangan niyang pang gulohin kami. Hindi niya ba naiintindihan na masaya na si Gracella na kasama ako.

"Hindi ako naghahanap ng gulo Lawrance nan dito lang ako para kausapin si Gracella. Wala akong balak na agawin siya sayo dahil alam ko naman sa sarili ko na ako ang mahal niya."

Hinawakan ko agad ang t-shirt niya. Ang talim kasi ng bibig niya. Sarap sa pakin.

"Ayosin mo ang pananalita mo kong hindi.."

"Kong hindi ako, sasapakin mo na naman ako. Hindi ka talaga patas kong lumaban Lawrance. Bitawan mo na ang damit ko bago pa makita ni Gracella ang ginagawa mo sakin. Baka magalit pa sayo yun."

Binitawan ko na ang damit niya. Pero nanatili parin matalim ang mga tingin ko sa kanya. Akala niya siguro hahayaan ko na siya. Kong wala lang siguro dito si Gracella siguro na sapak ko na ulit siya.

"Itong tandaan mo, kahit kailan hindi mapapasayo si Gracella."

"Lawrance wag kang magsalita ng tapus. Nagsisimula pa lang ako. Wag na wag mo kong hamunin dahil hindi mo ko kilala." 

"Ako bang tinatakot mo. Tignan na lang natin kong hanggang saan ang kaya mo."

Dumistansya na ako sa kanya baka kong pa ang magawa ko sa kanya. Bumokas na ang pinto ang gulat na gulat si Gracella na makita niya kaming dalawa na nakatayo.

Hinawakan ko na ang mga kamay niya at naglakad na kami. Hindi ko na siya pinagsalita pa baka kasi kong ano pa ang sabihan niya at magselos lang ako.

"Lawrance san dali lang gusto ko lang kausapin si Vector." wika nito at tumigil siya sa paglalakad at nilingon si Vertok sa likod.

"Gracella hayaan na lang natin siya. Hinihintay na tayo nila Mama."

"Gracella, sige na okay lang ako. Umalis na kayo. Sorry inabala ko pa kayong dalawa." bigla na lang nagiba ang bosis nito. Ang kaninang maangas na si Vector 'ay ganing malambot.

Ang lakas talaga ng trip niya. Pakitang tao.

"Wag mo nang pansinin yon. Bakit ka pala nan dito?"

"Tatanongin ko lang sana kong nagpalit kana ng number hindi kana kasi nag re-reply sa mga text ko."

Hindi ba siya nagiisip at nagtanong pa talaga siya. Kong sabihin ko kaya sa mukha niya na hindi siya gusto ni Gracella para magising na siya sa katotohanan. Pinipigilan ko lang talaga ang mga kamay ko na masuntok siya.

"Busy lang kasi ako. Marami kasi akong ginagawa ngayon. Ganon parin pala ang number ko."

"Ganon ba. Pwedi ba kitang matawagan mamaya? Wala kasi akong makausap dito."

"Sure walang problema sakin."

Hinawakan ko na ang kamay ni Gracella at napatingin siya sakin. Gusto kong sabihin sa kanya na nagseselos ako pero hindi ko magawa dahil nasa harap namin ang asungot na to.

"May sasabihin ka pa ba. Dahil aalis na kami." pagsasalita ko.

"Wala na, Gracella tatawagan na lang kita mamaya."

Ngumiti lang sa kanya si Gracella. Hinatak ko na ang mga kamay niya at nagsimula na kaming maglakad. Kainis, gustong gusto ko talaga basagin ang pagmumukha niya.

"Lawrance, ano bang problema mo. Hindi pa nga kami tapus sa pinaguusapan namin." bungad nito at kinalas niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak sakin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Hindi niya ba talaga nararamdaman na nagsisilos na ako sa ginagawa niya. Sabi niya sakin hindi niya daw kakausapin si Vector pero ano tong narinig ko kanina. Pumayag pa talaga siya na tawagan siya ni Vector.

"Lawrance hindi mo ba ako sasagutin!"

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya. Hinawakan ko ang mukha nito bago ako nagsalita.

"Nagseselos ako! Sana aware ka rin sa nararamdaman ko." 

Tumalikod na ako sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry kong nagseselos ka na pala ng hindi ko nalalaman. Promise hindi ko na ulit gagawin yun. Hindi ko na siya kakausapin."

"Pangako?"

"Promise."

Hinalikan ko lang sa ulo nito. Hindi ko talaga kayang magalit sa kanya. Ano ba kasing pinakain mo sakin at bakit ako nagkakaganito sayo.

------

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now