Chapter 21

37 17 0
                                    

Lawrance

"Ready ka na ba?" pagtatanong ulit ko sa kanya.

Naisipan kong yayain siya na maglibot-libot ngayon araw gamit ang bike. Tinatamad pa kasi kaming ma ligo at sila Mama at Papa naman pagkatapus mag breakfast umalis agad.

Wala kasi akong ibang alam na gwain ngayon bukod sa maglibot libot. Gusto ko lang iparanas sa kanya kong gaano siya ka importante para sakin. Mahal mahal ko siya at lahat gagawin ko para lang mapasaya siya. Ganon naman talaga ang ginagawa ng mga lalaki diba lahat ga-gawin nila. Gusto ko lang maging isang mabuting lalaki para sa kanya.

Yong tipong kaya niya akong ipagmalaki kahit kani no at hindi siya mahihiya ka pagkasama ako. Gusto ko rin ako lang ang iisipin niya mula sa paggising nito sa umaga at bago siya ma tulog. Hindi man ako ganon ka romantic na tao pero kakayanin ko para sa kanya.

"Natatakot kasi ako. Paano kong ma tuba tayo?"

"Wala ka bang tiwala sakin? Hindi kita hahayaan na mahulog kong hindi ka man lang sakin mapupunta."

"Bumabanat ka na naman. Tara na nga. Bago pa magbago ang isip ko."

"Bakit ang ganda naman ng sinabi ko. May mali ba don?"

"Oo maling mali na pag na hulog ako hindi ako mapupunta sayo dahil lupa ang sasalo sakin."

"Akala mo ba ganon na lang kadali yun. Kahit lupa hindi ko hahayaan."

"Ang corny mo na. Tara na nga habang hindi pa ma init."

Hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kami sa hotel. Buti na lang talaga nagkaayos na kami ka gabi dahil kong hindi, hindi ko alam mong amo na naman ang pinagaawayan namin. Ang hilig hilig niya kasing magalit sakin.

"Ang ganda pala dito no."

"Ngayon ka lang ba na ka punta?"

"Oo, hindi naman kasi kami ganon kayaman dati. Hindi rin naman ako mahilig sa galaan noon."

"Ibig mo bang sabihin buong buhay mo nasa bahay ka lang?"

"Hindi naman sa ganon. Ang ibig kong sabihin hindi kami naga-out of town."

"Okay, ako limang balik ko na dito. Last last year nasa palawan kami tapus last year dito. Ngayon naman dito parin pero kasama kana."

Pinagdilatan niya lang ako ng mata at agad na tumakbo papunta sa tindahan ng mga bike. Ano kaya ang problema non. Wala naman akong sinabing masama sa kanya. Siguro excited lang siya. Sino ba kasing hindi magmamadali kong ako ang makakasama niya.

Lumapit na agad ako sa kanya kasi nararamdaman ko na malagkit ang mga tangin ng mga tao sakin. Paano na lang pagnakahubad na ako. Feeling ko maglalaway sila sa katawan ko, kaso sorry nalang sila dahil may na ka una na dito.

"Lawrance? Hoy!" wika ni Gracella at isang malakas na batok ang ginawad niya sakin.

"Bakit ba?" inayos ko na ang pagkakatayo ko.

"Sir. Ano po bang gusto niyong kunin ang single bike na may upoan sa likod or single bike na may side car sa gilid?"

Napatingin agad ako kay Gracella hindi ko kasi alam kong ano ang gusto niya. Pero mas gusto ko yong single bike na may upo'an sa likod ang sweet lang kasing tignan. Kasi kong may side car ang pangit para lang akong trabahador tignan habang nililibot siya.

Gusto yong tipong pagtinitignan kami ng mga tao maiiingit sila samin dahil ang sweet sweet naming dalawa. Maiingit sila dahil ang romantic namin tignan.

"Ano bang gusto mo?" pagtatanong ko kay Gracella.

"Manong, ang single bike na lang na may upoan sa likod." wika nito sabay ngiti sakin.

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now