Chapter 19

38 17 0
                                    

Lawrance

Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi niya ba ako nararamdaman. Manhid ba siya o sadyang wala lang talaga siyang paki sakin. Ano bang dapat kong gawin para pansinin niya ako. Ano bang nakita niya kay Vector na wala ako.

Ako na nga itong gumagawa ng lahat na para lang ma pansin niya pero ano? Binabaliwala niya lang ako. Akala niya siguro hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa niya pagiwas sakin. Tao lang rin naman ako, nasasaktan rin.

"Buti naman anak pumasa ka." wika ni Mama.

Kumakain kami ngayon at nan dito rin si Gracella. Hindi siya pinauwi ni Mama dahil may sasabihin pa ito sa kanya. Hindi lang ako kumibo at kumain lang ako. Wala akong gana nakausapin si Mama.

"Ang galing galing talaga niya Tita. Biro'in mo nakapasok siya sa top ten na matatas ang score." wika ni Gracella na patingin lang ako sa gawi niya.

Isang matalim na tingin lang ang binigay ko sa kanya. Akala niya siguro kakausapin ko siya. Matapus niya akong baliwalain kani na sa coffee shop. Kasalanan lahat ito ni Vector kong hindi lang siya dumating, sana na solo ko na si Gracella. Ang lakas rin kasing umipal niya at ako pa talaga ang kinakaban niya. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya.

Sisiguradohin kong hindi mapupunta sa kanya ang babaeng nagpapatibok ngayon ng puso ko. Ngayon lang muli ako nagmahal ng ganito at hindi ko hahayaan na ma punta lang sa wala itong nararamdaman ko.

"Magaling lang naman talaga ang anak namin Gracella kaso nga lang pilyo. Pero alam ko naman na kaya mong tiisin ang paguugali niya."

"Nako Tito wala yun. Sanay na po ako sa kanya. Hindi naman siya ganon ka pasaway, medyo lang."

"Pero salamat talaga Gracella dahil sinamahan mo ang anak namin na pumunta sa university kani na."

"Trabaho ko naman po talaga Tita na bantayan siya."

Muli ko siyang tinaasan ng kilay. Buti na lang talaga hindi na kikita nila Mama at Papa ang ginagawa ko. Anong binabantayan ka dyan. Kong sabihin ko kaya sa kanila na nakikipag landian ka lang habang nasa oras ka ng trabaho.

Makakahanap rin ako ng paraan para ma wala sa landas namin si Vector. Ngayon sure na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Ilang gabi ko rin itong pinagisip isipan kong tama ba ang nararamdaman ko para sa kanya o hindi.

"Wait, mag selfie mo na tayo guys para sa mga supporters ko at sa supporters rin ng anak ko." Wika ni Mama.

Nilabas na niya ang cellphone nito. Napatigil mo na kami sa pagkain at sinakyan ang trip ni Mama. I-po-post na naman niya ito sa mga accounts niya para ma expose ako. Akala niya siguro hindi ko alam ang ginagawa niya. Hindi ko bet ang pagiging artista no, wala akong ka talent talent doon.

"Salamat sa cooperation, post ko mo na ito."

"sweetie bilisan mo na, masamang pinaghihintay ang pagkain."

"Mabilis lang ito. Caption na lang kulang. Ano kayang pweding ilagay? May na isip na ako. Dinner time with my family."

"Tita?" pagsasalita ni Grace at parang gulat na gulat ito.

"Gracella, okay lang yun. Pamilya ka narin namin."

Natawa lang ako sa sinabi ni Mama. Nice one Ma, sige lang tulongan mo lang ako sa kanya. Baka sa mga susunod na araw girlfriend ko na siya.  Feeling ko nga gusto rin ni Mama si Gracella para sakin. Sana lang magbilang anghel si Mama.

"Sweetie, sabihin mo na sakanila ang plano natin." wika ni Papa.

"Oo nga pala Anak and Gracella bukas na bukas pupunta pala tayo ng Boracay. Doon tayo magbabakasyon. Para naman ma enjoy niyo ang summer."

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now