Chapter 14

58 17 0
                                    

Lawrance

Tinignan ko lang si Gracella,  kasalokuyan siyang naglilinis ng swimming pool namin. Inaalis niya sa tubig ang mga nagkalat na dahon. Sa totoo lang ako talaga ang naglagay ng mga dahon doon sa pool para naman may gawin siya. Kasi sa tuwing nan dito siya parati na lang siya nakatitig sakin. Naiinis na nga ako minsan sa kanya.

"Hoy, bilisan mo na dyan!"

"Hoy! May pangalan ako.  Kong tinulingan mo kaya ako dito."

"Hindi ko trabaho yan. Ako ang boss mo hindi ako katulong."

"Walang hiya ka talaga. Pagako na inis sayo ipapatapon kita sa labas."

"Ang lakas mo naman talaga para hamonin ako. Hindi ka ba natatakot sakin?"

"Bakit naman ako matatakot sa isang katulad mo. Hoy! Rance hindi mo ako kilala at hindi mo pa alam ang kaya kong gawin."

Ang tapang talaga ng babaeng to, akala mo kong sinong malakas. Kong ihulog ko kaya siya sa swimming pool para ma laman niya kong sino ang kinakalaban niya. Tumayo na ako at naglakad sa kinaroroonan niya. Ngayon tignan na lang natin kong sino ang mas pilyo satin dalawa.

Nang makataring na ako sa likod niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Buong lakas ko siyang itinukal. Parang nagslow motion sa paningin ko ang dahan dahan niyang pagkahulog. Buti nga sa kanya.

"Walang hiya ka talaga. Bakit mo ko tinulak?" bulyaw niya sakin.

"Tinitignan ko lang kong marunong kang lumangoy. Marunong ka nga. Kaso para kang pusang na takot na takot sa tubig."

"Kainis ka! Paano na ako ngayon nito."

"Umahon ka na dyan. Papahiramin na lang kita ng damit ni Mama. May mga damit naman siya na pinamili sa mall na hindi pa ginagamit. May panty rin siya kaya wag ka ng maginarti dyan."

"Hindi ako nagiinarti. Makakahanap rin ako ng paraan kong paano ka magagantihan."

"Tignan na lang natin kong magagantihan mo pa ako."

Pumasok na ako sa loob habang niya nakasunod lang sakin. Nakakatawa talaga ang mukha niya para siyang bata na pinagalitan dahil ayaw ma ligo. Kawawang Gracella, buti na lang hindi gaanong ka grabi ang ginawa ko sa kanya. Mabait naman ako kaso wag mo lang akong hamunin dahil hindi talaga siya uurongan.

"Sir. Lawrance anong nangyari sa kanya bakit basang basa siya." Pagtatanong ni Nanay.

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Gracella. Matalim ang mga tingin niya sakin parang ano mang oras papatayin na niya ako.

"Kasi Nay naglilinis ako ng pool, itong si Rance walang ibang nagawa sa buhay pinagtripan ako. Tinulak lang niya naman ako buti nga marunong akong lumangoy."

"Hay nako Sir. Rance. Gracella bakit mo naman pala nilinis ang swimming pool kakalinis ko lang yan kaninang umaga."

Mas lalo lang idiniin ni Gracella ang mga matatalim niyang mga mata sakin. Patay lagot talaga ako sa kanya nito. Si Nanay naman kasi bakit niya pa sinabi kay Gracella. Ngayon mabubuking ako nito.

"Nay, aakyat na mo na kami sa taas baka magkasakit pa Gracella."

Hinawakan ko na ang mga kamay niya. Hindi ko na siya tinignan, alam ko kasi na sasabog na siya ano mang oras. Pagdating namin sa harap ng kwarto ni Mama, iniwan ko muna siya at dali dali akong kumoha ng damit na ipapasoot sa kanya.

"Ito magpunas ka mo na." wika ko habang inaabot sa kanya ang tiwalya.

Hindi siya nagsalita at kinuha niya lang sa kamay ko ang tiwalya at nagtungo na siya sa kwarto ko. Sumonod lang ako sa kanya habang dala dala ang mga damit niya.

"Hito, pumasok kana sa banyo at isuot mo na."

"Humanda ka sakin dahil hindi pa ako tapus sayo!"

Tumalikod na siya at buong lakas niyang isinara ang pinto ng banyo ko. Ang sarap niya talagang asarin. Ano kaya ang binabalak niya ngayon sakin. Alam kong gaganti talaga siya, hindi siya yong tipo na babae na hahayaan na lang niya.

Lumabas na ako kwarto at bumaba na. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman siya siguro gagawa ng kong ano ano sa kwarto ko. Subokan lang niya dahil mas lalo ko lang siya aasarin.

"Sir. Lawrance nasaan na si Gracella?"

"Nagbibihis na siya Nanay. Sana hindi niyo na lang sinabi sa kanya na nalinis niyo na ang swimming pool kanina."

"Ikaw talaga, hindi kana nag bago. Piyo ka pa rin hanggang ngayon."

"Nay naman, ang sarap lang kasi niyang asarin."

"Yun lang ba o may iba pangrason kong bakit mo siya palaging pinagtri-tripan. Alam mo Sir. Lawrance hindi ka naman ganito noon. Oo piyo ka nga sa mga dating kasambahay natin pero ibang iba ang pagtrato mo kay Gracella kisa sa kanila."

"Nay naman, masaya lang talaga ako ka pagnakikita siyang naasar."

"Basta kong tumibok man ang puso mo sa kanya wag mo ng pigilan. Boto naman ang mga magulang mo sa kanya."

"Nanay, hindi siya ang bet ko. Basta wag na lang natin siyang pagusapan."

"Sige na Sir. Lawrance. Basta ang kabilin bilinan ko sayo. Wag mo siyang sasaktan. Dahil pag na saktan na ang isang babae mahihirapan na siyang magtiwala muli."

"Opo Nay tatandaan ko yan."

Umalis na si Nanay sa harap ko. Bakit naman kaya na sabi yun ni Nanay sakin. Malabo naman na magkakagusto ako sa isang katulad niya. Hindi ko siya type at isa pa ayoko sa kanya. Inaasar ko lang talaga siya para malibang ako.

"Lawrance!" wika nito kaya agad ako napatingin sa kanya.

Nakatayo lang siya sa hagdanan habang masama ang tingin sakin. Pero hindi ko pinansin ang mga mata niya. Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda ganda niya talaga buti na lang sakto lang sa kanya ang off shoulder dress na binili ni Mama.

"Nan dyan ka na pala."

"Whatever!"

Dumaan lang siya sa harapan ko na para bang hindi niya ako nakikita. Ang init init talaga ng ulo niya ngayon.

"Gracella alam mo ang ganda mo ngayon. Kaso nga lang ang pangit ng itchura mo."

"The hell I care. Isa pa lumayo layo ka nga sakin."

"Baka na ka limonan mo nasa bahay kita ngayon."

"Wala akong paki. Hindi ko kakalimonan ang araw na ito tandaan mo yan."

"Okay, I'm looking forward."

Umopo na siya sa lamisa at kasalokoyan kami ngayon magkaharap. Kinuha na niya ang cellphone niya at abala ito. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ito.

"Anong ginagawa mo? Nasa trabaho ka pa kaya bawal kang mag cellphone."

"Okay Sir, May sasabihin nga pala ako sayo."

"At ano naman yun?"

"Bukas na bukas hindi ako pupunta dito. Nakapagpaalam na ako sa mga magulang mo. Kaya wag ka ng tumawag sakin o mag text dahil may importante akong lakad bukas."

"Sasama ako."

"At sino ka naman para sumama."

"Ako lang naman ang boss mo."

"Bahala ka sa buhay mo. Wag ka ng magsasalita pa dahil matutulog ako."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Kainis naman to, saan kaya siya pu-punta bukas at parang ayaw na ayaw niya talaga akong isama. Bahala na mas ma buti nga na hindi mo na kami magkita para wala akong kalokohan na ma isip.

Tinignan ko lang ang maamong mukha niya, ang cute niya talaga habang natutulog. Alam mo Grace ang swerti ng lalaki mapapangasawa mo. Maganda kana tapus masipag pa. Sana kong sino man siya wag ka lang niyang sasaktan dahil ako talaga ang makakalaban niya.

---

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now