Chapter 20

41 18 0
                                    


Lawrance

"Kumain mo na tayo bago tayo pumunta sa mga kwarto natin. Wika ni Mama.

Kakarating lang namin ngayon sa Boracy at masakit parin ang ulo ko dahil sa jet log. Hindi kasi ako sanay na sumakay ng eroplano. Pagdating namin sa hotel kumain na mo na kami.

Hindi pa kasi kami nakapag breakfast dahil maaga kaming umalis ng Maynila. Ayaw kasi ni Mama na ma traffic kami kaya napaaga ang alis namin.

"Gracella, wag mahihiya kumain ka lang. Nga pala sa iisang room lang kayo matutulog ni Lawrance wag kang magalala dalawa naman ang kama sa kwarto."

Napatigil lang si Gracella sa pagkain at muli niya ako tinignan ng masama. Hindi ko talaga alam kong bakit galit na galit siya sakin. Kanina niya pa ako hindi kinikibo simula nong umalis kami ng bahay hanggan ngayon. Ano bang kasalanan ko sa kanya at pilit niya akong ginaganito.

Kahit nagsusungit siya ngumiti parin ako sa kanya. Tignan na lang natin kong hanggang kailan ka mangsusungit sakin. Ikaw palang ang ka una-unahang babae minahal ko kaya wag kang pa hard to get.

"Anak ito ang susi. Kong may sasabihin kayo nasa kabilang kwarto lang kami ng Papa mo. O siya ma una na kami sa inyo para ma kapagpahinga na kami."

"Ma, hanggang kailan pala tayo dito?"

"Hanggang limang araw lang pero kong gusto niyong magstay dito, okay lang. Paparebook ko na lang ang ticket niyo pabalik."

"Nako Tita, wag na po. Okay na sakin ang limang araw."

"Ganon, sige na ma una kami."

Nangmakaalis na sila Mama sa harapan namin. Tinignan ko agad si Gracella, bakas sa mukha niya na naiinis talaga siya sakin. Pero ano naman ang paki ko. Siya nga walang paki sa nararamdamn ko.

Mahirap kaya para sakin na sa tuwing gumagawa amo ng moves para ma pansin niya binabaliwa niya lang. May pusong bato ba siya o sadyang makitid lang ang utak niya. Ngumiti muli ako sa kanya, sige lang kong ayaw mo sakin. Gagawa ako ng paraan para magustohan mo ako.

"Tapus ka na bang patayin ako sa isip mo?" wika nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Bakit mo ako sinasagot ng patanong?"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Tumayo na ako at kinuha na ang malita. Ano ba kasing problema niya sakin. Kong ibang babae lang tong kasama ko ngayon kinikilig na ito. Siguro nga nakahandusay na sa subrang kilig. Sumonod lang siya sakin hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa unang kama na malapit sa pinto at siya naman walang ka buhay buhay na pumunta sa ikalawang kama na malamit sa bintana. Ngayon sabihin mo sakin Gracella kong makakatagal ka na kasama ako sa loob ng limang araw.

"Ptsssss!" pagtawag ko sa kanya. Tinignan niya lang ako saglit at bumalik uli ito sa pagaayos ng mga damit niya.

"Ptssssss!"

"Ano ba! Kita mo na nagaayos ako. Kong balak mo naman akong pagtripan. Wala ako sa mood at baka masapak lang kita."

"Mahilig ka talagang manakit. Paano kong kasal na tayo at may mga anak na. Sasaktan mo na lang ba ako araw araw?"

"Dream on Lawrance. Hindi kita gusto. Itatak mo yan sa utak mo."

"Gracella, wag kang magsalita ng tapus. Limang araw kaya tayo dito at sisisguradohin ko na mahuhulog rin ang puso mo sakin."

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako papatol sa isang ka tulad mo!"

Gracella naman bakit mo ba ako pinapahirapan ng husto. Alam ko naman na mahal mo rin naman ako kaya please lang wag mong pigilan ang puso mo. Kailangan ko talaga makaisip ng paraan para ma wala ang galit niya sakin.

Kong maglibot libot kaya mo na kami para naman gumaan ang pakiramdam niya. Siguro masakit lang ang ulo nito kaya na gagawa niyang sungitan ako.

Tumayo na at lumapit sa kanya. Kailangan kong gawin to para bumalik si Gracella na kilala ko. Nang makalapit na ako sa kanya umopo na ako sa tabi niya. Sa tuwing magkatabi kami palagi na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Required ba talaga ang hindi normal na pag tibok ng puso ka pagkasama mo ang taong mahal mo?

"Bakit ka nan dito ano na naman ang kailangan mo?"

"Sorry, kong ano man ang nagawa ko sayo."

"Pwedi ba Lawrance tigil tigilan mo nga ako. Pagod na pagod na pagod na akong pakisamahan ka."

Para akong na bingi sa sinabi niya. Tumayo na lang ako at bumalik sa kama ko. Kong pagod na siyang pakisamahan ako hindi ko na lang siya gugulohin. Ang sakit naman ng sinabi niya ako na nga ang humihingi ng sorry.

Kong pagod na siyang pakisamahan ako sana hindi na lang siya sumama dito. Para ano pa ang naging dahilan niya. Humiga na lang ako sa kama sabay lagay ng earphone ko sa tinga. Bahala siya kong ayaw niya akong kausapin okay lang.

Now playing The Way I love You by: Taylor Swift.

Hindi parin ako ma ka get over sa kantang ito. Ang ganda kasi ng message. Tinanggal ko na lang ang earphone ko at pinalakasan ang volume nito para marinig niya. Sana sa pamamagitan nito gumaan man lang ang pakiramdaman niya.

🎶He is sensible and so incredible
And all my single friends are jealous
He says everything I need to hear and it's like🎶

Pinakiramdaman ko mo na siya habang kinakanta ko ang ito. Alam kong ano mang oras bibigay na siya. Ito kaya ang favorite song niya at posibling hindi niya ito kakantahin.

🎶I couldn't ask for anything better
He opens up my door and I get into his car
And he says you look beautiful tonight
And I feel perfectly fine🎶

Tumayo na ako sabay lapit sa kanya. Hinawakan ko na ang mga kamay niya para makatayo ito. Nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin sa mga mata ko.

Nilagay ko na ang dalawang kamay niya magkabilang biwang ko at ganon rin ang ginawa ko sa kanya. Para lang kami sumasayaw sa js prom. Ngayon nakangiti lang siya sakin.

"🎶But I miss screaming and fighting and kissing in the rain
And it's 2am and I'm cursing your name
You're so in love that you act insane
And that's the way I loved you🎶" sinimulan na niyang kantahin ang chorus at sumabay kang ako sa kanya.

"🎶Breaking down and coming undone
It's a roller coaster kind of rush
And I never knew I could feel that much
And that's the way I loved you🎶" tanging tugon ko.

Ito lang pala ang makakapagtanggal ng inis niya sana kanina ko pa ito ginawa. Ngayon sabay na kaming kumakanta.

Ang ganda ganda niya talaga pagnakangiti siya, parang gusto ko ulit siyang halikan pero baka ma galit lang siya sakin. Mas ma buti pang ganito lang mo na  kaming dalawa. Mas gusto ko itong ginagawa namin ngayon.

"Lawrance, hindi ko na talaga alam kong anong nararamdaman ko para sayo. Nalilito na ako at nagugulohan."

Sabi ko na nga ba may nararamdaman rin siya para sakin.

"Gracella, kong ano man ang nararamdaman mo para sakin sundin mo lang at wag mong pigilan."

"Kaso na tatakot ako na baka masaktan lang ako. Natatakot ako na baka lokohin lang ako. Natatakot ano na baka isang araw iwan mo lang ako."

"Magtiwala ka lang sakin Gracella, hindi kita sasaktan at lolokohin. Sana hayaan mong lang ako na mahalin kita. Buksan mo lang ang puso mo para sakin."

"Ipangako mo lang sakin na totoo lahat ng ipapakita mo!"

"Pangako"

Sabay lang kaming natawa. Sa wakas maipaparamdam ko na sa kanya kong gaano ko siya ka mahal. Hindi ko sasayangin ang mga oras na ito na magkasama kaming dalawa. Mahal na mahal kita Gracella. Si-siguradohin ko ako ang magiging dahilan ng bawat pagtawa mo.

🎶And that's the way I loved you oh, oh
Never knew I could feel that much
And that's the way I loved you🎶

----

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now