Chapter 31

39 17 0
                                    

Meca

Pagdating namin sa bahay nila dumiretsyo agad kami sa kwarto niya para ilagay ang mga pinamili namin. Umopo na ako sa labas ng balcony niya. Napagod kasi ng husto ang mga paa ko kakalakad kanina sa mall para lang makahanap ng restuarant na pwedi naming kainan. Halos puno na kasi lahat kaya ayon sa Lemon Grass kami kumain.

Akala ko puro dahon lang kakainin namin doon pero may iba rin pa lang silang putahing hinahanda. Ayoko naman magmukhang kambing pagnagkataon. Hindi pa naman ako sanay na kumain ng kong ano anong gulay.

Sa wakas ma ka pagpanginga narin ako ng maayos. Maaga pa naman,  mamaya na lang ako uuwi sa bahay ko pagdumating na ang mga magulang ni Lawrance. Magpapaalam lang ako sa kanila ng maayos.

"Bakit nan dyan ka? Tara sa baba."

"Ayoko dito lang mo na ako. Masarap ang hangin dito nakakaginhawa."

"May aircon naman sa loob."

"Kahit na iba parin kong sariwang hangin ang dumadampi sa katawan mo. Samahan mo na lang kaya ako dito."

"Ayoko may araw pa baka mangitim lang ako."

Tinignan ko lang siya, sarap niya talagang batokan. Umopo lang siya sa kama niya na para bang wala siyang paki. Palibhasa kasi nasanay sa aircon kaya ayaw niyang lumabas. Hindi naman masyadong masakit ang sikat ng araw. Mas gusto ko nga to para naman gumanda kahit papaano ang balat ko.

"Lawrance samahan mo na ako dito. Sun kiss na kaya ngayon at hindi na masakit."

"Ikaw na lang dito na lang ako sa kwarto ko. Titignan na lang kita mula dito."

"Ang KJ mo talaga, halikana dito dahil may itatanong lang ako sayo."

"Isigaw mo na lang. Basta ayokong lumabas habang may araw pa. Dito na lang mo na ako magpapalamig."

"Lawrance naman, hindi ka naman mamatay pagnaarawan ka. Mas ma buti nga kapg naaarawan ang mga balat natin dahil nakakatulog ito na patayin ang mga dumi kumakapit dito."

"Bahala ka. Kahit anong gawin mong pagpilit sakin hindi parin ako lalabas."

Hay na ako! Hindi ko talaga siya mapipilit na lumabas. Ano ba kasi ang sabon na ginagamit nito at ayaw na ayaw niyang mainitan. Maganda naman ang kutis niya at panigurado ako na hindi naman siya mangingitim pang naarawan siya.

Palibhasa kasi masyadong nasanay sa aircon. Buti na lang ako sa electricfun umaasa. Hindi naman kasi masyadong mainit ang bahay ko dahil may puno naman na nakatayo sa gilid. Mas gusto ko nga yon para naman hindi masyadong madumi ang nalalanggap kong hangin.

Kinuha ko na ang cellphone ko at ng selfie mo na ako. Ang ganda kasi ng sun kiss. Parang ang fresh fresh mong tignan dahil sa effect na nagmumula sa araw. Hinayaan ko lang tignan ako ni Lawrance wala naman siyang magagawa. Kong nan dito sana siya sa tabi ko sana dalawa pa kami ngayon ang nasa picture.

Nakailang selfie narin ako at itinigil ko na ang kahibangan ko dahil pinagtatawanan na ako ni Lawrance. Wala talaga siyang magawa sa buhay niya at kong ano ano na lang ang nakikita niya sakin. Lumapit na ako sa kanya at umopo na ako sa tabi niya.

Balak ko sanang tanongin siya kong paano sila nagkakilala ni Sophia. Gusto ko lang malaman kong bakit sila naghiwalay. Wala naman sigurong masama na malaman ko ang kwento nila. Tapus naman sila at alam kong hindi na mahal ni Lawrance ang babaeng yun. Ang pangit pangit niya kasi, parang sinabugan siya ng make up sa mukha.

"Lawrance matanong ko lang. Sino si Sophia?"

Para nagulat siya sa sinabi ko. Inayos na niya ang pagkakaupo nito at tinignan niya lang ako. Hindi naman siguro ako masasaktan sa sasabihin niya. Sana lang.

"Bakit mo naman na tanong?"

"Gusto ko lang kasi malaman ang kwento niyo."

"Gracella, hindi mo na dapat malaman pa. Hindi ko naman siya mahal at ikaw na ang tinitibok ng puso ko ngayon."

"Kahit na, sabihin mo na lang kasi sakin para manahimik na ako."

Tumango lang siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis nito. Gusto ko lang malaman kong saan sila unang nag kita at ano ang dahilan ng pahihiwalay nila.

"Gracella ganito kasi yon. Grade 11 akon non ng gawin akong escort ng mga classmate ko. Pinagtripan nila ako ng hindi ko alam, dahil sira ulo naman ako pumayag na lang ako. Tapus non pinagtripan rin nila ang classmate ko si Sophia. Nong mga panahon nayon maganda pa siya pero ngayon parang hindi na. Takbuhan kami ng tukso noon at palagi kaming pinagtri-tripan. Kong ano ginagawang mga pakolo ng mga ka-klasi ko para lang magusap kami. Dahil sa ginawa nila na hulog ang loob ko sa kanya. Nan ligaw agad ako sa kanya tapus non. Hindi ko na alam kong ganing kami ba or hindi. Wala  kasi akong natatandan na sinagot niya ako. After non masaya kaming nagsama hanggang sa hindi inaasahan iniwan niya ako ng walang pasabi. Umalis siya at nagpunta siya ng Taiwan. Kaya nang mga oras na yon kinalimotan ko na siya."

"Ang longkot naman ng love story niyo."

"Nasayang lang ang isang taon kong pagmamahal sa kanya tapus iiwan niya lang ako ng biglaan. Hindi man lang siya nagtext sakin o kahit man lang nagpaalam ng maayos. Wag na nating balikan yon. Wala naman akong nararamdaman para sa kanya."

"Sorry talaga dahil nag tanong pa ako sayo."

"Buti nang alam mo na kisa sa iba mo pa malalaman. Alam mo Gracella ikaw lang ang babeng tinitibok ng puso ko at wala ng iba."

Bahagya akong kinilig sa sinabi ni Lawrance. Ang galing niya talagang bumanat. Feeling ko lahat ng mga cell ko sa katawan nagtatalon na sa subrang kilig. Masakit rin pala ang dinanas niya sa mga kamay ng Sophia nayon.

Ngayon nakakasigurado na ako na hindi na siya babalikan ni Lawrance. Hindi ko na dapat pang aalahanin siya. Dahil kong babanggain niya man ulit ako hindi ko siya uurongan. May maamong lang akong mukha pero kong sarili ko na ang tinatapak-tapakan lalaban talaga ako. Buti nga linta ang tinawag ko sa kanya. Paano kong higad na. Siguro nangingisay nayon sa galit.

Ang pinagtataka ko rin bakit sila magkasama dalawa ni Vector. Magkakilala ba sila? At sa dami dami ng mall dito sa Maynila doon pa talaga naisipan nila na pumunta kong na saan kami. Hindi naman ako galit kay Vector kaso kailangan ko rin na dumistansya sa kanya para hindi ko masaktan si Lawrance.

Hindi talaga ako na katulog ng maayos ng sabihin ni Lawrance sakin yon. Dalawang bisis ko na na rinig ang mga salitang yon mula sa kanya. Una sa boracay ngayon naman dito sa bahay niya. Guilty talaga ako sa ginawa ko sa kanya. Kaya nga bumawi talaga ako. Pangako ko magiging aware na ako sa nararamdaman niya.

"Paano kong gusto niya pang bumalik sayo anong gagawin mo?"

"Matagal ko ng sinarado ang pinto ko para sa kanya. Mapapatawad ko siya pero hindi na siya welcome na pumasok ulit sa buhay ko. Nasaktan na niya ako at pati mga magulang ko nadamay dahil sa ginawa niya."

Ngumiti lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Masyado kasing malalim ang sinasabi niya at wala akong ibang alam na pweding itugon sa sinabi niya. Bakit ba kasi ako nagtanong.

"Gracella ipangako mo sakin na tatawagan mo agad ako kapag ginugolo ka niya."

"Ang bilis mo talagang magisip. Akala niya siguro hindi ako lalaban ka pagginulo niya ako."

"Kahit na ayoko lang mapahamak ka. Wag na nga natin siyang pagusap. Tara na sa baba at hintayin na lang natin sila Mama at Dad para makauwi kana agad."

"Tara na nga lang."

Sumonod lang ako kay Lawrance.

Subokan lang talaga niya na galawin ako dahil hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mukha niya. Dali daling kong kinuha ang cellphone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito.

09308724481
Hindi pa ako tapus sayo!

Hindi ko na lang pinansin ang message baka na wrong send lang ang taong ito. Bahala siya sa buhay niya wala naman akong paki sa taong nagsend nito.

---

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now