Chapter 23

42 17 0
                                    

Lawrance

"Every body just enjoy the show. Don't think about tomorrow. This night will be the best night. Just open your heart and have some fun." sigaw ng dj.

Nabaling ang paningin ko sa isang sulok ng biglang may na kita akong familiar na tao. Shit!

Totoo ba tong nakikita ko. Anong ginagawa niya dito? Sinusondan niya ba kami? Anong kailangan niya? Pagako na inis sa kanya uupakan ko na talaga siya. Wala ba siyang magawa sa buhay niya at pati bakasyon namin sisirain niya.

Tinignan ko lang siyang maigi hindi pweding magkamali ang mga mata ko. Siya nga, kong ano man dahilan niya kong bakit siya nagpunta dito hindi ko hahayaan na makalapit siya kay Gracella. Dadaan mo na siya sa mga kamay ko bago niya ma kita ang taong hinahanap niya.

"Lawrance okay ka lang? Patulala ka?"

 "Okay lang ako may tinitignan lang kasi ako." muli kong binaling ang tingin ko pabalik sa kinatatayoan niya pero wala na siya doon.

Kainis naman to! Bakit ba kailangan niya pang manggulo dito. Pagnakita ko siya ulit babasagin ko talaga ang utak nito. Alam kong may binabalak siyang masama dahil hanggang dito sinundan niya kami. Anong akala niya sakin bobo para hindi ko siya ma pansin. Tignan na lang natin kong hanggang saan ang kaya mo.

"Gracella, wag kang uminom ng marami."

"Hayaan mo nga ako. Sabi nga ng dj just enjoy. Nan dyan ka naman para bantayan ako."

"Kahit na, masama para sayo ang subrang alak."

"Sige last na to." ininom na niya ang huling baso.

Sana lang hindi siya ma lasing. Hindi ko pa kasi alam kong ano ang ginagawa niya paglasing siya. Hinawakan ko na ang kamay nito at pumonta na kami sa gitna para sumayaw. Ang saya palang mag party sa tabi ng dagat lalong lalo na kapagkasama mo ang taong mahal mo.

Habang sumasayaw kaming dalawa hindi parin ma wala sa isip ko ang lalaking na kita ko kani na. Si Vector ka niya yun o nagmamalikmata lang ako. Pero ano naman ang dahilan niya para pumunta dito. Para ano? Para puntahan si Gracella? Ganon?

Wala na ba talaga siyang magawa sa buhay niya kaya pati dito susundan niya kami. Akala niya siguro maagaw niya sakin si Gracella, lalong lalo na ngayon na may feelings na rin siya sakin. Kailangan ko siya tanongin kong naguusap ba sila ni Vector. Kailangan kong makasiguro na hindi siya ang nakita ko kanina.

"Gracella? Pwedi pang magtanong?"

"Oo naman, bakit ba? Ano bang itatatnong mo."

"Wag ka sanang magalit sakin, gusto ko lang kasing malaman kong naguusap pa kayo ni Vector?"

"Anong klasing tanong naman yan."

"Basta sagutin mo na lang. Naguusap pa ba kayo ni Vector?"

"Hindi na Lawrance simula nong pumunta tayo dito hindi na ako nagtext sa kanya. Kahit nga sa messenger hindi rin."

"Naninigurado lang ako. Dahil ayokong may kaagaw ako sa pagmamahal mo."

Niyakap niya lang ako. Para ako ngayon na kahinga ng maayos sa sinabi niya. Mas ma buti nang nakakasigurado ako kisa sa hindi ko alam. Hindi pweding makampanti lang ako dahil baka magiba ang hihip ng hangin at maagaw siya sakin.

Hindi ko ha-hayaan na dumating ang araw na yun. Ayokong mapunta siya sa iba, ako lang ang may karapatan na mahalin siya. Dala ng pagod bumalik mo na kami ni Gracella sa kinauupo'an namin. Pagod narin kasi ang mga paa ko kakatayo at kakatalon.

"Lawrance, ang saya saya ko ngayon."

"Masaya rin ako para sayo. Sana ganito na lang tayo parati."

The Way I love You - COMPLETE Where stories live. Discover now