KABANATA 2

1.6K 363 199
                                    

#2: Viva San Jose

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba'y iyong mahal? Ako, mahal kita. Aking minamahal din si Graciano ngunit ito'y ating lihim lamang ha, ikaw ay manahimik lamang, kung ika'y mag-iingay, ikaw ay aking kakalbuhin. Nais mo ba iyon? Siya nga pala, ako'y nagsusulat sa iyo ngayon upang sabihin o isulat na wala talaga akong pag-asa kay Graciano. Ako ay hindi na talaga aasa sa kutsero naming iyan. Isang malaking HMPPP para sa kaniya. Ako ay makakahanap din ng ibang lalaki. Ako ay umasa na iba ako dahil mahal niya ako iyon pala ay dahil anak ako ng gobernadorcillo.

Nagmamahal, Hermosa

MAAGA AKONG nagising ngayon sapagkat kami ay magsisimba. Alam niyo ba kung ano ang mayroon ngayon? Pista sa bayan ng San Jose. Ako ay magsusuot ng magarbong Filipiniana upang maipakita sa kanilang lahat ang aming karangyaan. Biro lamang, ako ay nagsuot ng magarbo upang ako ay hindi mukhang basahan sa harap ng maraming tao.

Maraming tao ngayon sa simbahan. Kami ay nasa unahan sa kadahilanang gobernadorcillo nga si Ama at dapat na nasa unahan. Sa unahan si Gabrielo na ngiting-ngiti sa harapan ng mga taumbayan. Pakitang-tao lang ang isang 'yan. Huwag kayong mahuhulog sa taong 'yan. Sumunod ay si Leonardo na humihikab-hikab ngayon. Wala talagang kwentang anak ang aking kuya Leonardo. Sumunod si Ama na seryosong nakikinig sa sermon ni Padre Trillo at si Ina sa aking tabi na nagpapaypay. Ako ang nasa dulo.

"levantémonos todos y saludemos al gobernadorcillo Juancho Solidad" Nakangiting sabi niya sa amin.
[Magsitayo tayong lahat at batiin si governor Juancho Solidad]

Nagsitayuan naman ang mga tao sa aming bayan. Tumayo si Ama at lumapit sa unahan upang makapagpahayag siya ng kaniyang talumpati.

"Viva Gobernadorcillo!"

"VIVA!"

"VIVA FAMILIA SOLIDAD!"

"VIVA!"

Dahil sa kanilang sigawan at palakpakan, natauhan si Leonardo. Palihim akong natawa dahil sa nangyari.

Itinaas ni Ama ang kaniyang kamao upang tumigil na ang mga tao sa kanilang hiyawan. Kung makahiyaw sila ay akala mo mabubuti, kapag nakatalikod naman ang aming pamilya, tiyak na inaakala nilang si Ama ay nagnanakaw sa kaban ng bayan, na walang katotohanan sapagkat kung kayo ay dadayo sa aming lugar, maganda ito kumpara sa ibang bayan at malinis pa. Kaya lang, alam niyo naman ang mga tao. Sila ay mapanghusga.

"Buenos días, amigos míos, gracias por asistir a nuestra misa." Panimula ni Ama. [Magandang umaga, mga kaibigan ko, salamat sa pagdalo sa aming misa.] "Tayo ngayon ay nagdiriwang ng pista ng San Jose! Viva San Jose!"

"VIVA!"

"Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta ninyo sa aming pamilya. Salamat sa mga tao sa likod ng pagpapagawa ng ospital dito sa bayan, walang iba kung hindi ang PAMILYA MONTEALEGRE!" Noong sinabi niya ang 'pamilya Montealegre' ay talagang sinigaw niya iyon at masaya niyang tinuro ang pamilya.

Sinilip ko ang pamliya Montealegre at nakita ko si Ginoong Montealegre, asawa niya, anak niyang aking mapapangasawa at dalawang anak niyang Señor na nakangiti ngayon sa aming pamilya.

Ayaw ko man ay ngumiti pa rin ako sa kanila. Ayaw kong mapasama ang aming pamilya dahil lamang sa akin. Maaari ring isipin ng taong bayan na ako ay suplada kung hindi ko sila papansinin.

Marami pang sinabi si Ama sa pamilya Montealegre ngunit kung ibubuod ito, puro lang ito pasasalamat. Ang aking ama ay napaghahalataan kong sinasamba ang pamiya Montealegre. Ano ba ang mayroon sa pamilyang iyan?

Mayroong pagdiriwang sa aming bayan kung kaya't kami ay hindi agad nakauwi sapagkat mayroong mga banda na nagpasiklaban sa bayan at may mga tanghalan din. Kaya kami ngayon ay didiretso sa plaza.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon