KABANATA 8

1K 267 158
                                    

#8: BABALA

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba iyong mahal? Ano ba ang pag-iinarteng iyan at hindi ka pa sumagot! Ay, ako nga pala ay may ikukwento sa iyo. Nahawakan ko ang kamay ni Graciano! Hinawakan niya rin ang aking baywang at nararamdaman ko pa rin iyon hanggang ngayon! Iyo bang nalalaman? Kahapon sa kaarawan ni Clara at may nakasayaw akong isang ginoo. Itanong niyo kung sino, itanong niyo! Ang lalaking iyon ay walang iba pala kung hindi si Graciano. Ako talaga ay hindi makapaniwala, mga mambabasa!

Nasayaw ni Graciano, Hermosa

Si Graciano pala ang ginoong ngumiti sa akin. Aking inayos ang aking buhok at ang aking suot. "Ayos ka lamang ba?" Tanong ng aking kuya Leonardo.

"Aba'y oo naman!" Pakiramdam ko nga, mas lalo pa akong naging maayos dahil aking nakita si Graciano. "Sandali lang, Ama, Ina mga kuya ako ay may pupuntahan lamang."

Hindi na sumagot si Ama sapagkat may kausap na naman siya ngunit siya ay tumango. Si Ina naman ay ngumiti lang sa akin. Si Leonardo ay nagpatuloy sa pagkain at si Gabrielo ay nagpatuloy sa kaniyang pagtitig kay Clara.

Napansin kong siya ay nauna na. Aba, siya ay nagpapahabol pa sa akin. Kami ay nakarating sa ikalawang palapag kung saan may mga panauhin ngunit hindi ganoon karami.

"Ahhh!" Aking sigaw dahil may biglaang humila sa akin at nagtakip ng aking bibig. Ako ay lumingon at nakita kong si Graciano lang pala. Siya ay napangiti sa akin. Binitawan na niya ang aking bibig.

"Ikaw Graciano, ah? Ikaw ay nakapormal ngayon at aking hindi nalalamang pupunta ka rin dito." Nakangiting sabi ko. Nababagay sa kaniya ang kaniyang suot. Mas lalong naipapakitang siya ay magandang lalaki.

"Maari ba kitang isayaw?" Tiningnan ko ang ibang mga tao dito sa ikalawang palapag at aking napansin na sila nga rin ay sumasayaw dahil sa paglalaro ni Clara ng piano.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at kami ay nagsayaw. Sa ikalawang pagkakataon, aking hinawakang muli ang kaniyang kamay at hinawakan niya muli ang aking baywang.

[Mabagal by: Moira and Daniel]

Siya ang ngumiti dahilan upang aking makita ang kaniyang mapuputing mga ngipin. Mayroon din siyang malalim na biloy sa kaniyang magkabilang pisngi. Ang kaniyang kilay ay makapal at matangos ang kaniyang ilong. Ang kaniyang kagandahang lalaki ay Pilipinong-pilipino.

"Ikaw ay masuwerte sapagkat ako ay nasayaw mo." Nakangiting saad ko sa kaniya. Siya naman ay natawa. "Ikaw ay dapat na masaya sapagkat ako ay si Hermosa Solidad."

"Oo naman, ako ay masaya." Kaniyang saad at ako ay kaniyang inikot. Iba talaga ang aking minamahal, mas lalo tuloy akong nahulog sa kaniya.

Matapos ang sayawan namin, napansin kong siya ay nakikipag-usap kay Ginoong Joselito. Hindi ko alam na sila pala ay magkakilala. Aking napansin din na seryoso ang kanilang pinag-uusapan sapagkat wala sa kanila ang nakangiti.

Araw ng Linggo at kami ngayon ay nagsisimba, kaming buong pamilya. Si Graciano ang aming kutsero ngayong araw at kasama rin namin siya sa loob ng simbahan.

"Sa kahit na anong pagsubok, nararapat na tayong lumaban." Sermon ni Padre De Leon sa wikang Kastila. "Dapat ating tanggapin ang mga pagsubok na ibibigay sa atin ng Diyos. Kung ano man ang nais sa atin ng Diyos gawin ay dapat nating gawin."

Ako ay nakikinig sa sermon ni Padre De Leon. Ang kaniyang mensahe ay napaka ganda ngunit hindi ba mas maganda kung ito ay kaniyang sinabi gamit ang wikang Tagalog? Hindi naman lahat ng narito ay nakakaintindi ng wikang Kastila.

Ako ay napaisip sa kaniyang sinabi. Siya ay may punto. Anuman ang nais ng Diyos para sa akin ay aking gagawin. Tayong lahat ay alipin ng Diyos kung kaya't nararapat natin siyang sundin.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon