KABANATA 19

894 189 90
                                    

#19: Walang Awa

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Alam mo ba aking hindi nalalaman kung ano ang nangyayari sa aking buhay ngayon. Kung ano ba ang naging kasalanan ko upang ang masaya at simpleng buhay ko noon ay mabago ng ganito. Ang aking ama ay nadakip, ang aming mansyon ay sinalakay ng mga rebelde kung saan kabilang si Graciano. Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang aking naging kasalanan upang maging ganito ang lahat. Sinusubok ako ng tadhana, Talaarawan. Kaniyang inaakala na malakas na ako dahil madalas kong sabihing matapang ako at kakaiba akong binibini ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na hindi pa ako handa at ako'y mahina pa para danasin ang lahat ng ito.

Sinusubok, Hermosa

May nararamdaman akong malakas na hangin mula sa aking mukha. May naririnig din akong boses ng aming mga kasambahay na nag-uusap sa aking silid. Sandali, ano ang kanilang ginagawa dito.

Minulat ko ang aking mga mata at aking nakitang ako'y pinapaypayan nila. Sampu silang lahat na nakapalibot sa akin at napatigil sila sa kanilang ginagawa nang makitang ako'y gising na. Ngumiti sila sa akin dahil sa aking paggising.

"Gising na ang mahal na Señorita, Señora!" Masayang saad ni Aling Bebang, isa sa aming kasambahay na kaibigan ni Nana Selda.

Aking nakita naman ang lumuluhang si Ina. Ako'y kaniyang hinagkan. "Mabuti na lamang at ika'y gising na. Aking hindi alam ang gagawin kung pati ikaw ay mawawala sa akin." Humagulgol siya.

Nagproseso sa akin ang mga nangyari kanina. Ang ama ko nga pala ay dinakip ng mga rebelde. Agad akong napaupo. Nagulat si Ina sa aking ginawa. "Ayos lang ako, Ina. Ikaw, kamusta ka po? Si Ama?"

Mas lalong lumakas ang kaniyang hagulgol. "Ang ama mo, hindi pa rin alam kung nasaan siya." Umiiyak na saad niya. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Ang dami-dami naming guardia personal, lahat sila mga talunan! Isama niyo na si Gabrielo, isa pa rin siyang talunan. "Nasaan ba ang ating mga guardia personal at bakit tayo pinasok ng ganito? Walang nakapigil sa kanila? Kahit na si Gabrielo?" Pagwawala ko.

"Patay na ang iba sa ating mga guardia personal at ang ilan naman ay sugatan. Ang iyong kuya Gabrielo ay gumagawa na ngayon ng paraan upang mahanap ang iyon ama. Siya'y nanghingi ng tulong sa gobernador-heneral.

Kumunot naman ang aking noo. Ganoon ba siya kalakas sa gobernador-heneral upang manghingi siya agad ng tulong doon? Mahirap kayang makausap iyon. Siguro ay nagustuhan niya ang aking kuya sapagkat malakas at tinutulungan nito ang colonialismo, ang mga Kastila.

"S-si kuya Leonardo, Ina? Anong oras na po ba?" Nag-aalalang tanong ko habang nakahawak sa aking noo. Nararamdaman ko pa rin ang hilo. Nawalan ako ng malay kanina, ako'y nahimatay dahil sa takot.

"Nasa labas at nag-aasikaso sa ating mansyon. Alas siyete na ng umaga. Magbihis ka na at pumasok sa kumbento. Dapat ay umasta kang walang nangyari, anak ko." Saad ni Ina. "Kaya mo na ba?"

"Opo, Ina." Agap ko agad upang kaniyang mapansin na hindi na ako nahihilo kahit na ako'y nahihilo pa talaga. Nais ko lang pumasok dahil iyon ang makakapag patahimik ng aking pag-iisip. Ang wala dito sa mansyon.

Isa pa, kailangan ko na rin pumasok dahil dalawang araw na akong lumiban, nakakahiya naman kay Madame Rosario, ako'y pinapaburan pa naman niya.

"Kung gayon ay sasabihan ko na si Graciano na maghanda at ika'y papasok na." Nakangiting saad ni Ina. "Mag-iingat ka palagi, anak ah?"

Ngumiti ako kay Ina bago ako sumagot. "Ina, hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil gagawin ko talaga iyan!"

Hinawi ni Ina ang aking buhok at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Politika ang iyong ama. Mayroong may mga ayaw ng kaniyang mga ginagawa at mayroong may gustong agawan siya ng puwesto. Nais kong manatili kang ligtas kahit na mapanganib ang ating pamilya."

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon