KABANATA 37

493 102 10
                                    

#37: Panandaliang kapayapaan

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kung ako lang ay may pagpipilian? Pipiliin kong mamuhay na lamang mag-isa malayo sa mga taong aking kilala. Kung hindi naman ako mahal na ni Graciano ay hindi na lamang ako magmamahal muli ng ibang lalaki. Aking pipiliin na mahalin ko ang aking sarili ngunit hindi eh. Kailangan kong pakasalan si Tolentino para sa kaligtasan ng aking pamilya. Wala na akong masabi pa sa'yo kung kaya't ako'y mamamaalam na ngunit hindi pa ako mamamatay ah?

Namamaalam, Hermosa

NAGISING ako at aking nakita ang payapang kalangitang kulay bughaw ngayon. Umihip ang mahina ngunit malamig na hangin dahilan upang bahagyang liparin ang aking kulot na buhok nang bahagya. Nararamdaman ko ring umuusad ang aking hinihigaan. Dahan-dahan akong napatayo sa isang bangkang umaandar. Tumingin ako sa ginoong nasasagwan at iyon ay walang iba kung hindi si Graciano. Siya'y nakasuot ng camiso de tsono na umaabot hanggang kaniyang siko at hapit sa kaniyang katawan at asul na pantalon.

"Graciano?" Napatingin siya sa akin. Siya'y nakatalikod kasi kanina. Ako'y kaniyang tiningnan mulo ulo hanggang paa. "Anong aking ginagawa dito? Dapat ay nasa simbahan na ako ngayon. Samahan mo ako pabalik sa bayan." Saad ko ngunit siya'y nagpanggap lamang na walang naririnig.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik ko ang kaniyang balikat. "Ano ba naman? Hindi mo ba ako naririnig? Tiyak na ako'y hinihintay na ni Heneral Tolentino." Galit na sabi ko sa kaniya. Hindi na ako maaaring magkamali sapagkat sa Martes na lilitisin ang kaso nina Ama. Kanino ako manghihingi ng tulong?

"Aking ginagawa lamang ang nais ng Señora Carolina." Nanatili ang kaniyang mga titig sa asul na karagatan na payapang umaalon. "Nais ka niyang sa akin ay ikasal, hindi ba?"

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya. Parang kailan lamang ay nais niya akong kalimutan ngunit tingnan mo nga naman ngayon. "Bakit? Mayroon ka bang magagawa upang makalaya sina Ama at Gabrielo?" Napatingin siya ngayon sa akin. "Wala hindi ba? Kaya kung maaari ay ibalik mo na ako sapagkat mayroon pa kaming kasal ngayon ni Tolentino."

"Ayon kay Señor Leo, siya na ang bahala sa kanila. Mayroon siyang plano at huwag ka ng makialam pa sa kanila." Natawa ako sa kaniyang sinabi. Paanong hindi ako makikialam eh pamilya ko ang pinag-uusapan dito?

"Graciano, ako'y ihatid mo na doon. Hindi mo alam ang ginagawa mo! Maaaring mapahamak ang aking pamilya dahil dito! Graciano ako'y nakikiusap sa'yo!" Pakiusap ko sa kaniya habang ginugulo siya sa kaniyang pagsasagwan.

Sa totoo lamang, nais ko rin naman ang ganito. Ang payapa kasama siya kaya lamang ay hindi maaari lalo na sa panahon ngayon. Pamilya ko ang nakasalalay dito at ayaw ko ng ganito. Kami ni Graciano ay masaya samantalang ang iba ay nahihirapan? Hindi iyon maaari.

"Maaari bang huwag kang malikot kung ayaw mong matumba itong bangka at malunod tayo dito? Hindi mo ba nakikita tayo'y nasa gitna ng karagatan. Maaaring mayroong pating dito na kumakain ng tao kaya maaari ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Hindi ako sa kaniya nagpatinag at inalog-alog pa rin siya dahilan upang hindi niya magamit ng maayos ang mga sagwan. May malaking alon ang sa amin ay sumalubong dahilan upang bumaligtad ang bangkang aming sinasakyan.

Tila tumigil ang mundo ng kami ay nahulog sa bangka. Pakiramdam ko ay pinasukan na ang aking tainga ng napakaraming tubig dagat maging ang aking ilong. Sinubukan kong lumangoy ngunit sadyang kay lakas ng alon.

May humigit sa aking baywang at iyon ay si Graciano tinulungan niya akong makahinga o makaahon man lang upang makasagap ako ng hangin. Naghabol agad ako ng hininga.

"Ika'y nakakalutang ba sa karagatan?" Tanong niya sa akin. Pinakiramdaman ko naman ang aking sarili at sinubukang lumutang. Noon ay nag-ensayo naman ako kung papaano ang lumangoy at iyon ay aking gagamitin ngayon dito.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon