KABANATA 27

773 146 47
                                    

#27: Maghuhusga

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ngayon, aking sinisimulan na ang pagbabago sa aking sarili. Dapat akong magbago at dapat na makamit ang hustisya para sa aking Ina. Hindi ko man sinasadya ngunit ako'y nakapatay na. Gago iyong ginoo eh, ako daw ang pumatay kay Ina. Napuno lang naman ako, sana ako'y inyong intindihin. Kahit bali-baligtadin ang mundo, hindi na ako inosente at nagsisimula na akong maningil.

Lumalaban, Hermosa

KINABUKASAN aming kinunsulta ni Leonardo si Gabrielo. Kami ngayon ay nasa silid ni Gabrielo at seryosong nag-uusap. Alam na pala ni Gabrielo na rebelde si Leonardo, kahit si Ama ay alam na. Iyon pala ang dahilan kung bakit siya napalayas noon.

"Sigurado ba kayo? Si Nataniel Montealegre ang may responsibilidad sa lahat ng ito? T*ng ina!" Galit na sigaw niya at naihagis ang plumang hawak niya, siya kasi ay nagsusulat kanina "Él pagará por su pecado!" [Pagbabayaran niya ang kaniyang kasalanan]

"Oo. Kami nga ang nagpaamin! Kanina pa ah?" Galit na sigaw ko sa kaniya. Tila ba hindi siya naniniwala sa aking sinasabi. Sila ba ay may relasyon ng Nataniel na iyon? Inirapan ko siya. Natawa ang dalawa kong batugan na kapatid.

"Akalain mo bang pinatay niya ang isa sa mga kawatan? Su coraje! [ang lakas ng loob mo]" Tumawa pa ang sira ulong si Leonardo. Sarkastiko ko siyang nginitian.

"Sabihan ba naman akong ako ang pumatay kay Ina? Aba hindi iyon maaari? Minamaliit ba nila ako dahil ako'y binibini lamang? Mali iyon!" May pinaglalaban kong sabi. Nagtawanan naman ang dalawa.

"Mali nga naman!" Hindi pa rin matigil sa pagtawa si Gabrielo. Siya'y tumayo at nagseryoso na. "Ako'y magtutungo na sa kinaroroonan ni Nataniel upang arestuhin siya."

"Gabrielo!" Tawag ni Leonardo seryoso na rin siya ngayon. "Mag-iingat ka palagi. Ngayon pa lamang tayo nagkakalapit ng ganito." Ngumiti siya. Tama nga naman, madalas ay hindi namin kasundo si Gabrielo ngunit natutuwa akong nabubuo na kami.

"Oo naman. Kayo rin, alam niyong delikado ang sumali sa isang samahan ngunit humahanga ako sa tapang niyo." Seryoso ang kaniyang sinabi. "Aking ipagpapatuloy ang pagiging heneral ng bayang ito at inyong ipagpatuloy din ang paglaban sa ating kalayaan." Nagulat kami sa sinabing iyon ni Gabrielo.

Hindi ko na napigilan at niyakap ko na si Gabrielo. Sumali na rin sa amin ang inggiterong si Leonardo. Nagyakapan kaming tatlo dito na parang mga magkakapatid na ilang taon ng hindi nagkikitaan.

"Mag-iingat tayo araw-araw, maraming kalaban ang ating pamilya at maraming naiinggit." Madamdaming saad ni Gabrielo. Tumango naman kami ni Leonardo.

"At maging malapit na tayo sa isa't-isa. Tama na ang ating pagbabangayan." Si Leonardo rin. Nagdadrama ang aking dalawang kuya. Ang tatanda na at naturingang mga señor, wala sa sarili akong natawa.

"Napaka emosyonal niyong dalawa naman!" Inis kunwaring saad ko. Dahil doon ay natawa silang dalawa at mahina akong kinutusan ni Leonardo. Si Gabrielo naman ay kinurot ang tagiliran ko.

"Aba at ano ang kaganapan dito?" Nakangiting tanong ni Ama. Mas maaliwalas na siya at mas maayos na siya kumpara noong huli ko siyang nakita. Mukhang bumabangon na siyang muli. Para sa kaniyang sarili, sa amin at sa bayan.

"Ama, halina at sumali kayo sa pagdadrama ng dalawa kong kuya." Seryoso kong sabi ngunit natawa ang dalawa kong kuya maging si Ama. "Nga pala, Ama. Alam na namin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." Seryoso pa rin ako.

"Sino?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi dapat na makaligtas ang taong may kagagawan ng lahat ng ito. Marapat siyang mamatay!" Gigil na saad ng aking ama. "Ako ang gobernadorcillo ng bayang ito at simula ngayon wala ng maaari pang tumapak sa aking pamilya."

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon