KABANATA 3

1.4K 345 213
                                    

#3: Mirasol

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kung ako'y iyong tatanungin, mahal kita. Noon pa man, mahal na kita at ikaw ay aking iniingatan ngunit ipagpaumanhin mo ngunit mas mahal ko na si Graciano. Iyo bang nalalaman, siguro ay hindi pa sapagkat sasabihin ko pa lamang sa iyo. Kaming dalawa ay namasyal kahapon, araw ng pista ng bayan. Iyo bang nalalaman? Ako ay binilhan niya ng bestida, bakya at kolorete. Iyo bang nalalaman kung ano ang pinaka nakahihiya? Ako ay sinuotan niya ng bakya. Kaniyang nahawakan ang aking paa, nakahihiya talaga.

Nahihiya, Hermosa

Ako ay masayang nakauwi sa aming mansyon hatid ng aming kutsero na aking napupusuang si Graciano kagabi. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Talagang ako ay nahuhumaling talaga sa kaniya. Bukod kasi sa kaniyang angking kagandahang lalaki, siya ay matikas, masipag, maginoo. Halos lahat na ay nasa kaniya.

Ngunit ako ay hindi sa kaniya aamin, ano man ang mangyari. Hindi magandang tingnan kung ang binibini ang aamin sa isang ginoo, hindi ba? Isa pa, nakakahiya. Alam kong aking sinabi sa inyo na hindi ako gaya ni Maria Clara, ngunit may hiya pa rin naman ako sa ako sa aking katawan aking sinasabing matapang lang ako.

Maaga akong nag-ayos sapagkat ako ay may pasok na sa kumbento ngayon. Aking hindi binabalak na mag madre ngunit aking binabalak na magsilbi sa Diyos. Isa pa, bibihira lang ang babaeng nakakapag-aral kung kaya't ako ay masuwerteng nakakapasok. Ako ay marunong tumingin ng biyayang ipinagkaloob sa akin.

Ako ay pababa na sana ngunit aking nakita ang koloreteng ibinili sa akin kahapon ni Graciano. Nakakahiya man ngunit ito ay aking sinubukan. Nagpapula ako ng aking labi at napangiti sa salamin.

"Ang ganda!" Saad ko. Ang ganda ng pangpapula ng labi, hindi ng aking labi. Inayos ko ang aking kulot na buhok na umaalon at ako ay naglagay ng pang-ipit sa aking buhok na mula pa sa Europa.

Ako ay bumaba na at naabutang naroon ang aking buong pamilya. Ako ay napangiti ngunit agad ding napawi nang aking mapansin na hindi maganda ang hitsura nila, lalo na ni Ama. Napatingin ako kung kanino siya nakatingin at siya'y nakatingin kay Leonardo.

"M-magandang umaga, Ama!" Saad ko kahit na alam kong wala namang maganda sa umaga. Lalo pa at maasim ang mukha ni Ama. Ano kaya ang kasalanan ni Leonardo. Kung sabagay, sadyang pasaway ang aking kuya ngunit hindi naman siya masama gaya ni Gabrielo.

"Hindi mo man lamang naisip ang ating pamilya!" Sigaw ni Ama kay Leonardo. "Anong sa tingin mo ang nilalaman ng iyong obra! Naturingang isa kang Kastila at ganiyan ang iyong pinipinta? Ano na lang masasabi sa atin ng ating gobernador-heneral! Ang kapatid mo, si Gabrielo, isa siyang heneral, pagkatapos ang iyong pinta!" Kumuha ng isang banga si Ama at binasag niya iyon.

Ang mamahaling banga na ibinili pa ni Ina sa Italya ay walang pag-aalinlangang binasag ni Ama dahil lang sa kaniyang galit kay Leonardo. Ano bang problema sa kaniyang obra? Nakamamangha at nakabilib nga ang kaniyang ipininta eh.

Kung sabagay, aking napagtanto rin na may mali dito. Iyon ay dahil ang nilalaman ng kaniyang obra ay ang pagpapahirap ng mga guardia civil sa mga Pilipino. Ang pananakop ng mga Kastila sa mga Pilipino.

"Ama, tama na po!" Pag-aawat ko sa kanila. Nilapitan ko si Leonardo at inalalayan itong tumayo sapagkat siya'y nakaluhod kay Ama kanina. "Sobra naman po yata itong ginagawa ninyo sa kaniya. Kung ayaw niyo po talaga sa gawa niya sana ay hindi ka na lang nagkumento!"

Hinila ko si Leonardo sa kaniyang palapulsuhan hanggang makalabas kami sa labas ng mansyon. "Hermosa, ano ang iyong ginagawa, maaari kang mapahamak! Ikaw ay malalagot kay Ama."

Ako ay ngumiti sa kaniya. "Kung malalagot, malagot na! Kung mapapahamak, mapahamak na! Ayaw ko na ikaw ay pinapahiya niya sa harap ko, ano. Ikaw yata ang aking paboritong kuya." Tinapik ko ang kaniyang balikat. Natawa naman siya.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon