KABANATA 12

994 237 130
                                    

#12: Dakip

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako ay may sasabihin sa iyo. Nagbalik na si Gallardo sa bayan ng San Jose, iyo bang alam iyon? Nakakaawa ang kaniyang sinapit. Sana ay hindi pa rin magbago ang isip niya at tulungan pa rin niya akong itigil ang kasal. Ito pa, kami ay mayroong magkaparehong kuwintas ni Graciano. Sabihin mo, ito ba ay itinadhana? Sana kung kami talaga ang itinadhana, sabihin na lang. Hindi iyong pinahihirapan pa ako ng ganito.

Pinahihirapan, Hermosa

Maaga akong nagising ngunit ako ay hindi masaya. Wala kasi dito ang aking paboritong kuya. Wala akong kakampi. Isa pa, wala sa mansyon ang ama at ina, sila ay nasa maynila sabi ni Nana Selda.

"Sila ay nasa Maynila sapagkat ipinatawag ang lahat ng gobernadorcillo ng mga bayan ng gobernador-heneral kung kaya't ang kuya Gabrielo mo lamang ang kasama mo dito." Napatango na lang ako sa sinabi ni Nana.

"Nasaan si Kuya Gabrielo, Nana?" Tanong ko sa kaniya at umupo na sa aming hapag kainan. Nagdala naman na siya ng makakain sa lamesa. Mukhang ako ay mag-aagahan ng mag-isa ah?

"Aba! Nasa Fort Santiago na. Kailangan siya ng ating bayan, iyo na bang nakakalimutan?" Tinanong ko lang naman Nana Selda, alam ko iyon. Huwag mo akong biruin ng ganyan, hindi kami ayos ng anak mo. Baka mamaya ay masakal kita riyan. Biro lamang!

"Magandang umaga po, Nana Selda, Binibining Hermosa!" Nakangiting saad ni Gallardo. Siya ay nakasuot ngayon ng nga polo na kadalasan ay sinusuot ng mga taga Europa.

"Magandang umaga po, Señor!" Nagbigay galang si Nana Selda. Ano kaya kung si Gallardo pala talaga ang para sa akin ano? Ngunit hindi ko siya mahal, mahirap pilitin ang puso.

"Halina at sumabay ka sa akin mag almusal. Wala akong kasama dito." Nakangiting saad ko sa kaniya. Tumango naman siya at umupo sa tapat ko. "Ang aga mo naman. Ano ang iyong sadya?"

"Nais lamang kita makasama sa araw na ito." Nakangiting saad niya. Napangiti naman ako sa kaniya. Nais niya pang mas mapalapit sa akin. Mabuti naman siyang tao ngunit wala ba siyang pasok?

"May klase pa ako sa kumbento. Ikaw ba ay wala?" Napakaaga niya naman kasing bumisita sa akin at hindi pa nga ako nakakapag almusal ay narito na siya.

"Wala. Narito ako upang samahan ka sa araw na ito." Nakangiting saad niya. Napangiti ako ngunit may parte sa akin na hindi natutuwa. Paano kung nais na rin niyang magpakasal sa akin? Matutupad ang kasamaang nais ng aming mga ama kung gayon.

Kaya naman siya ay aming kasama ni Graciano habang papasok kami sa kumbento. "Sa Maynila ka rin mag-aaral kung gayon?" Nakangiting tanong ko kay Gallardo.

"Oo, Hermosa. Mabilis na lang din ang aking pag-aaral. Pagkatapos ay ikakasal na tayo." Nakangiting saad niya. Ito na nga ba ang aking sinasabi. Nakita kong bahagyang napalingon sa akin si Graciano at seryoso niya akong tiningnan.

"Gallardo, akala ko ba ay napag-usapan na natin ito?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Akala ko ba ay tutulungan mo akong itigil natin ang kalokohang ito? Alam mong ayaw ko nito. Akala ko ba ay ayaw mo rin?" Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Aking nasabi na sa iyo na ako ay napagtaksilan ng binibining aking minamahal. Ako'y wala ng dahilan upang siya ay aking panindigan pa, kung hindi niya ako kayang mahalin ng tunay." Ito na nga ba ang aking sinasabi. Hinawakan ko ang aking noo.

"Ngunit paano naman ako?" Seryosong tanong ko sa kaniya. "Paano naman ang gusto kong mangyari? Paano naman ang mahal ko?" Tuluyan na kaming hindi nagkaintindihan ni Gallardo.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon