KABANATA 35

535 115 27
                                    

#35: Tanging Paraan

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Baka naman maaari mo na akong mahalin diyan dahil kulang na talaga ako sa pagmamahal. Wala na nga si Ina, iniwan pa ako ni Graciano. Kami ni Ama at Gabrielo ay hindi muling nagkakasundo. Ito namang si Leonardo ang dami ding pinagkakaabalahan kasama si Natalia. Sana ay maging masaya din ako.

Umaasa, Hermosa

Kinabukasan, masakit ang aking mga mata dahil ito'y namamaga. Sobra din naman kasi ako kung makaiyak kagabi, akala mo ay namatayan eh hindi naman. Masiyado namang mababaw ang aking luha nakakainis. Sumisikip pa ang aking dibdib.

Agad akong nagtungo sa palikuran upang maligo at mahimasmasan. Namamaga kasi ang aking mga mata at malalim ito. Ang pangit ko na nga, mas lalo pa akong pumangit dahil sa aking pag-iyak.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagtungo ako sa aking salamin upang magsuklay ng aking kulot na buhok na umaabot na hanggang siko. Ang aking mga mata na kulay kayumanggi ay bukod sa malaki na nga maga pa. Ang kilay ko din makapal, ang sabi nila ay maganda daw sa isang binibini kapag makapal ang kilay, hindi ako naniniwala. Tingnan niyo naman ang pangit ko.

Kung tutuusin pala ano, magkapareho lang kami ni Tolentino na malaki ang mata. Inaalog ko ang aking ulo. Magkaiba naman kami, ano! Lamang ako sa kaniya ng isang daang porsyento. Ang aking mata ay malalim at ang kaniya naman ay luwa animo'y isang palaka.

Kung tatabi ako kay Tolentino ay gaganda ako kung titingnan dahil mas pangit siya sa akin. Bakit hindi ko ito naisip noon? Payo ko lang sa inyo ah? Kung nais niyong magmukhang maganda, tumabi kayo sa mas pangit sa inyo, kuha niyo?

Matangos ang aking ilong kaya mas lalong nakakainis! Bakit iyong iba ay hindi matangos? Ang aking ilong ay hindi pang Pilipino kung hindi ay pangdayuhan, nakakainis talagang tunay. Ang labi kong manipis na kulay rosas ay nakakainis din animo'y isang dugo eh. Dahilan upang hindi ako masiyadong naglalagay ng pampapula ng labi dahil natural na ang kulay nito at kulay dugo pa.

Bumaba na ako upang makapasok na sa kumbento. Agad namang napaatras ang aking mga paa paakyat mula sa aking silid ng aking makita ang impaktong si Tolentino na naghihintay sa aming cleopatra. Agad siyang ngumiti ng ako'y kaniyang nakita at tumayo.

"Magandang umaga, Señorita." Lumapit siya sa akin upang halilan ang aking kamay. Walang maganda sa umaga lalo na kung ikaw ang unang makikita.

Pakitang-tao ako sa kaniyang ngumiti. Iyong mapaghahalataan mong pakitang-tao talaga upang malaman niyang naaasiwa talaga ako sa kaniyang mukha. "Masagwang umaga sa iyo, Heneral. Anong ginagawa mo dito?" Sumasakit na ang aking mga labi dahil sa kakangiti nang pilit.

"Ano pa nga ba? Ako'y nagpunta dito upang ika'y aking ihatid sa kumbentong iyong pinapasukan, Señorita." Wala na sanang kaso sa akin ngunit bumulong pa siya sa akin na talaga namang nakakainsulto. "Ikaw ay kaiinggitan ng maraming binibini dahil ikaw ay makakapangasawa ng isang tulad ko, Señorita. Binabati kita dahil nanalo ka sa dalawang daang binibining naging aking kasintahan.

Hmmp? Ano daw ang kaniyang sinabi? Mayroon siyang dalawang-daang nautong binibini? Anak ng kabayo, HAHAHA! Sarkastiko akong natawa sa kaniya ngayon. Tinuro ko pa siya at tinabingi ko ang aking ulo.

Kahit saang anggulong tingnan, pangit talaga itong si Tolentino. "Talaga? Mayroon ka pang nauto sa lagay mong iyan ha?" Mas lalo akong natawa. "Paano naman naging dalawang-daan iyan, unggoy?"

Ngumisi siya sa akin. "Sabay-sabay kasi kung minsan. Halina nga at ating kalimutan na ang ating nakaraan. Bakit hindi natin harapin ang ating kinabukasan?"

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon