KABANATA 29

656 125 53
                                    

#29: Takas

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ipagpaumanhin mo kung hindi na ako gaanong nakapagsulat pa sa iyo ngunit mahal pa rin naman kita. Sadyang marami lamang akong ginagawa nitong mga nagdaang araw. Ako'y ineensayo kasi ni Graciano at Leonardo. Ay nga pala, ako'y miyembro na sa KKK huwag ka! Aking pinapatunayan ang aking sarili sa lahat. Pinapatunayan kong may ibubuga ako kahit na magaspang ang ugali ko.

May pinapatunayan, Hermosa

"Ano?" Napatayo ako sa pagkakaupo. Napatingin naman ako ngayon kay Gallardo na mukhang malalim din ang iniisip. "Paanong nangyari iyon? Malinaw ang ebidensya ah? Hinayaan lamang ito ni Ama?"

"Aking nararamdaman na mayroong pandarayang nangyayari." Panimula ni Gallardo at agad kaming napatingin sa kaniya ni Graciano. "Alam kong hindi hahayaan ni Ama na mamatay na lamang si Nataniel kung kaya't gumamit siya ng pandaraya."

"Gaya ng ginagawa ng iba pang mga opisyales, gumagawala sila ng pandaraya." Napatingin si Graciano sa akin. Oh ano? Ang ama ko ba ang kaniyang tinutukoy. Tinaasan ko siya ng aking kilay. "Ipagpaumanhin niyo Señor ngunit aking natitiyak na kanilang binaligtad ang batas."

Umiling sa kaniya si Gallardo aking inaakalang magagalit siya sa sinabi ni Graciano ngunit hindi pala. "Hindi mo na kailangang manghingi pa ng paumahin, alam na alam ko na ang kanilang mga ugali." Seryosong saad niya.

"Anong ating gagawin, Graciano?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko hahayaang makatakas ang taong may sala. Napaisip din nang malalim si Graciano bago sumagot.

"Hayaan na mo na muna sila at manahimik. Ako na ang bahalang maghanap ng malakas na ebidensya upang maipakulong ang dapat na makulong." Seryosong saad niya.

"Tutulong ako." Nagulat kami sa biglaang pagsali sa usapan namin si Gallardo. "Handa akong tumulong para sa inyo. Alam kong masama ang aking pamilya ngunit hindi ako at papatunayan ko iyan sa inyo."

"Nais ko pong pormal na magpakilala, ako si Graciano Del Pilar." Nagbigay galang si Graciano. "At tinatanggap ko ang inyong tulong. Nais kong malaman mo na tayo'y magtutulungan para kay Señorita Hermosa at sa namayapang si Señora Carolina." Saad ni graciano.

"Ako si Gallardo Montealegre. Montealegre rin ngunit hindi ako masama at papatunayan ko iyan sa inyo. Buong-puso akong tutulong para sa aking kaibigang si Hermosa."

"Ano? Bakit kayo nakipagtulungan kay Gallardo?" Tanong ni Leonardo kinabukasan matapos ang palikipag-usap namin kay Gallardo. Inirapan ko ang isang 'to.

"Mabait na tao naman iyon at hindi naman siya katulad ng pamilya niya. Huwag ka ngang mapanghusga. Hukom ka ba?" Uminom na ako ngayon ng kape.

Nandito kami ngayon sa kaniyang silid. Kaming tatlo nina Graciano at aming pinag-uusapan ang plano para maibalik si Nataniel sa kaniyang lungga. Iyon ay ang selda. Hindi si Nana Selda ah? Iyong kulungan.

"Graciano? Bakit ka naman agad nagtiwala doon? Montealegre iyon ah?" Hindi makapaniwalang saad ni Leonardo saka marahas na itinapon ang librony hawak niya. Galit na galit? Nais manakit?

"Hindi rin sana magtitiwala..." tumingin sa akin si Graciano at saka ngumiti. "Ngunit siya'y pinagkakatiwalaan ni Hermosa at kaibigan niya ito kaya't nagtiwala naman ako sa kaniya.

Nauubos ang pasensiyang tumingin ngayon sa amin si Leonardo. "Hindi eh, Montealegre ang isang 'yun eh. Kapag Montealegre, paniguradong matinik iyan, nakakasakit!" Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya.

Ibig ba niyang sabihin ay nasaktan na siya ng isang Montealegre? May nakarelasyon na ba siyang Montealegre? Paano at bakit? Paano siya magkakaroon ng isang karelasyon sa mga Montealegre eh puro mga ginoo din ang mga iyon. Bakit? Siya ba ay bakla?

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon