Prologue

1.3K 90 73
                                    

Hi! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons are purely coincidental.

This story will revolve around student's life inside Pamantasan.

This story is not affiliated with PLM.

**
Hello, this is a very very light story, and short, maybe. I just made this out of boredom so don't expect heavy scenes okay? Thank you so much and if it please you, I would be happy reading your comments.

**

"Good morning po!" I greeted the University guard after tapping my ID and placing my bag on top of the table for checking.

"Good morning, ang aga mo." Ate Guard replied while smiling. I looked at the big wall clock and saw that it's only 6:25 am.

I only smiled and walked inside the university.

Umupo ako sa isang Gazebo malapit sa UAC para magsimula kumain ng breakfast. 7am pa ang class ko pero medyo maaga ako ngayon dahil strict ang prof namin. Minor lang naman, feeling pa major.

2nd week pa lang ng freshman years ko sa college at damang-dama ko na kung gaano kahirap. Lalo pa at sa PLM ko piniling mag-aral.

Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan ika nga.

Nakalabas na ang baon kong sandwich. Nakasuot rin sa tainga ko ang earpods at nakalabas ang cellphone, ready na ipagpatuloy ang panunuod ng kdrama na naputol kagabi.

Nagsisimula na akong manuod at kumain nang may umupong lalaki sa inuupuan kong gazebo. Malaki naman ito at ako lang ang nakaupo kaya okay lang.

Napatingin ako sa kanya. Nakauniform siya at base sa ID lace niya, Mechanical Engineering ang degree. Napadpad ang mga mata ko sa mukha niyang nakakunot ang noo, may kaonting pawis at nakatingin sa papel na hawak na parang kaaway niya ito.

I stared at his face, he look really handsome. Pero mukhang higher year since nakauniform na, samantalang ako nakacivilian pa.

Kahit nakaupo siya, you can clearly describe him as tall. He's not dark, moreno nga siya eh, pero he's definitely handsome. Pwedeng crush ng campus!

He looked at my direction while murmuring words. Shit!

I look at my phone, still playing the kdrama that I already forgot that it's playing!

Tumingin ako muli sa kanya at nakitang nakayuko na naman siya, tinitingnan ang papel na hawak.

I continue watching and eating my breakfast. And when the two couple from the drama kissed, I made a loud sound that made the guy in front look at me.

Agad akong nahiya at tinakpan ang bibig. Nakangiti pa rin dahil sa pinapanuod na patuloy ang nakakakilig na scene. I opened my tumbler to drink while still watching when the cap fell and made another noise!

Shit! What a day to be embarassed!

Nagmamadali kong pinulot ang gumulong na cap malapit sa pwesto ni kuyang ME, muntik ko pang matapakan ang paa niya kaya mas lalo akong nataranta!

"Sorry, sorry! Di ko sinasadya!" Paghingi ko ng pasensya.

Hindi naman niya ako sinagot pero nakita kong nakakunot pa rin ang noo niya.

Bumalik ako sa pwesto ko saka inayos ang pinagkainan. Nanunuod pa rin ako ng kdrama nang may lumapit pang isang lalaki sa gazebo.

"Uy, nagreview ka na?" Tanong nung bagong dating na lalaki sa lalaking kaharap ko. Baka magkaklase sila.

Status: Crushing (Pamantasan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon