1

5.7K 109 18
                                    

SPOILER ALERT!!!

If you have not read 'Stargazer' yet, don't scroll down and read the story description of this.

But if you have already read it and been a fan until Locked Away, THANK YOU! This is all for you, guys! 😊



















































































































J

August 5, 2015
University of Santo Tomas

"Jema, anong gusto mo? O ako gusto mo hehe. Joke lang, Jema. Peace tayo. Ako na oorder." nagpeace sign pa siya sakin.

Akala ko tapos na yung mga banat niya pero hanggang dito sa carpark panay pa din ang banat ni Deanna. Dito sila pumasok ng kaibigan niya sa Tokyo Tokyo. Di na kami lumabas ng campus, gutom na kami. Past 2pm na, super late lunch na.

Cute naman nito tumawa, nawawala yung mata niya. Ang cute niya, may something sa kilay niya na attractive. Saka napakaenergetic niya, kala mo di tinahi yung kamay.

"Hoy, Wong! Nagugutom na ko. Nagpapacute ka pa. Mamaya na yan." hila sa kanya ng kaibigan niya.

"Jema, wait lang. Ako na bahala sa order mo. Libre ko." habol niya habang hinihila siya ng kaibigan niya papuntang counter.

Nakakatawa silang magkaibigan. Freshmen na freshmen pa talaga ang datingan nila, wala pang problemang iniisip. Good luck talaga sa kanilang dalawa pag nagsimula na ang totoong gyera dito sa uste. Sana lang kayanin nila.

Inantay ko na lang silang dalawa dito sa table. Tinitignan tignan ko sila habang nakapila sa counter. Si Deanna kumakaway kaway sakin. Ang kulit nilang dalawa ng kaibigan niya. Sana all nakakatawa pa ng ganyan. Kasi ako araw araw atang hell day.

"Hello, Jema. Anong gusto mo chicken teriyaki o pork tonkatsu?" ibinaba na nila yung mga inorder nila sa table.

Umupo silang dalawa sa upuan sa harap ko. Kaharap ko si Deanna.

"Pork tonkatsu na lang. Thank you." pareho kong gusto pero sige eto na lang nakakahiya baka sabihin ang takaw ko, nilibre na nga lang ako haha.

"Mukhang gusto mo din ng chicken teriyaki ah, ang lungkot ng mukha mo, Jema eh. Hehe."

Waaaahhh.. Ano ba to si Deanna? Manghuhula? Bakit parang nabasa niya ang iniisip ko.

"Uy, hindi. Okay na sakin tong pork. Pagod lang ako."

"Don't worry, Jema. Umorder din kami ng dessert. May klase ka pa ba? Tara, donut and coffee tayo after. Nag ccrave kasi kami ni Kim."

"Tara, Jema. Sama ka samin. Libre namin. Para naman may new friend na agad kami dito sa uste ni Deanna."

Hmmm.. New friend? Well, mukha naman silang mabait at masaya kasama. Saka wala naman na kong pasok. Last subject ko yung kaninang di ko napasukan.

"Sure! Sama ako. Saan ba niyo gusto mag donut at kape?"

"Di ba may Starbucks sa baba? Tara dun tayo." sagot ni Deanna.

"Madami laging tao dun saka ang iingay ng mga estudyante. May klase pa ba kayo?" ang ingay naman kasi talaga lagi sa SB dito sa carpark saka laging puno, walang mapwestuhan.

"May alam ka bang iba, Jema?" tanong ni Kim.

"I know a place pero malayo kasi yun dito. Dun ako nagpupunta para mag aral. Tahimik don at maganda ang view, nakakarelax."

With A SmileWhere stories live. Discover now