CHAPTER SIX

11.8K 349 44
                                    

Nang maramdam ko na ang sikat ng araw sa aking balat, tumayo na ako sa kama at binuksan ang bintana upang makapasok ang hangin. Hindi ako nakuntento sa sariwang hangin na iyon kaya lumabas ako sa veranda ng kwarto, tanaw na tanaw ko ang ganda ng lugar na ito, hindi ko siya ganoon napagmasdan kagabi kasi madilim na pero ngayong may araw, it's breathtakingly beautiful.

Iniisip ko kung dating may dugong bughaw ang may-ari ng bahay na ito kasi hindi talaga ito yung tipikal na mansion, maybe, Emmanuel had a royal blood? He looks like it. He is absolutely gorgeous, his body is every girls would drool- Tangina, Avella? Anong pinag-iisip mo?! Kailangan ko na talagang makauwi, naiimpluwensiyahan na ako ng demonyong 'yun.

Naantala ang pag-iisip ko ng kumatok ang kung sino man, lumapit ako roon at pinagbuksan iyon. Bumungad sa akin si Leslie na may malawak na ngiti. Hindi ko rin napigilan na tugunin iyon dahil nakakahawa ang ngiti niya. Leslie will be a very beautiful woman when she reached her puberty hits.

"Magandang umaga po Maam Avella, pinahabilin po ni Sir Emmanuel na maligo na po kayo at bumaba para saluhan ninyo siya mag-almusal, nako ngayon lang po yun mag-u-umagahan dito sa mansion, lagi kasi yon madaling araw palang aalis at uuwi naman tuwing hating gabi ng may dalang babae." mahaba nyang lintanya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Sabi na nga ba nagsisinungaling ang gago na 'yon! sabi niya ako lang dinala niya rito at isa naman akong hangal para paniwalaan iyon. Ang aga aga nasisira araw ko.

"Ma'am Avella?" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya,

"Sige maliligo na muna ako, pakiayos nalang ang damit ko ha? Salamat." ngumiti ako sa kanya.

Nagmadali lang din akong maligo dahil ayaw kong pag-antayin masiyado si Leslie at baka may gagawin pa iyon. Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng kama ko at nakatingin lang sa akin ng mariin. Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagkakatitig niya.

"Why are you looking at me?" I said firmly, nagulat ata siya sa tono ko kaya napayuko siya.

"Ma'am nobyo po ba kayo ni Sir? Mukha po kasing masiyado siyang seryoso sa inyo, ngayon lang din po namin iyon nakitang ngumiti dahil palagi pong nakakunot noo at seryoso." wika niya,

"Hindi kami magkasintahan, hindi pa ako ganoon nasisiraan ng bait para patulan siya." ani ko at kinuha ang damit na binigay niya sa akin, pumasok ako sa walking closet ngunit iniwan ang pinto ng nakasiwang ng unti upang marinig ang mga sinasabi niya habang nagbibihis ako.

"Alam ninyo rin ba nakakatakot si Sir Emmanuel kapag nagagalit, nung nakaraan lang may sinesante siyang mahigit dalawangpung tauhan dito dahil daw binayaran itong ipalugi ang ibang negosyo niya rito sa Hacienda Napoles."

Napatingin ako sa damit na binigay n'ya sa akin, A flowy yellow half slit dress and Kitten heel. She had a nice fashion taste, napangiti ako roon.

"Leslie?" tawag ko rito.

"Po? ano po problema Ma'am Avella?" nakakunot ang noo niya na nakatingin sakin.

"Well, kilala mo naman na siguro si Sir Emmanuel mo at mukhang matagal kana ritong nagtratrabaho." nakangiti kong sabi at lumapit ako sa kanya para magtanong.

"Ay! opo matagal na ako rito simula palang ng sampung gulang ako eh lagi na ako ditong dinadala ni Nanay para samahan siya." nakangiti rin nitong sagot sakin.

"Mahilig po sa pangangabayo si Sir Emmanuel, kapag nauuwi dito ang ibang pinsan niya ay lagi silang nangangabayo, ang ibang pinsan naman niya na babae puro halaman ang pinagkakaabalahan, sayang at hindi pa nakakauwi si Don Marchero dahil nagbabakasyon sa ibang bansa kasama ang mga anak niya." kwento niya.

"Ummm..."

"Alam ninyo ba sobrang gwapo at ang gaganda ng pinsan ni Sir Emmanuel, Si Sir Zaugustus na isang ganap na Governor sa Constancia, si Sir Adriel lahat ng magagandang kababaihan dito ay naging kasintahan. Tatlo silang lalaki sa magpipinsan at ang dalawa naman ay si Ma'am Laurenza ang napakamabait sa lahat, mahinhin at eleganteng babae at ang pinakahuli ay si Ma'am Magui ang pinakamataray at pinakamaganda lahat ng lalaki rito sa Napoles ay nakakadarapa sa dalawang babaeng magpinsan."

Ngumiti ako ng peke sa sinabi niya, ang dami pala nilang magpipinsan lima, may pinsan din palang siyang babae pero ang gago hindi man lang makuhang rumespeto ng babae.

"Nag iisang anak lang si Sir Emmanuel nila Sir Francisco Marchero at Ma'am Alona Marchero, panganay sa tatlong magkakapatid si Sir Franciso, si Sir Fernando Marchero ang pangalawa at anak niya si Zaugustus at Magui, ang nagiisang babae sa magkakapatid ay si Ma'am Ivy Marchero anak naman niya sila Adriel at Laurenza." dugtong niyang kwento sakin habang inaayos ang damit ko.

Napatango ako sa mga kwento niya pinapakinggan ko lang siya dahil sobrang dami niyang alam sa magpipinsan. hindi ko muna tinanong kung saan ang daan palabas dito sa mansion at mas tinutukan ko muna ang buhay ni Emmanuel para hindi niya mapansin ang balak ko.

"I'm sorry if pinapakwento kita, ha? I'm just new here kaya curious ako sa pamilya ni Emmanuel. Nasaan nga pala ang parents niya, I don't see them here, may iba ba silang bahay? Pumupunta ba sila rito?" Isusumbong ko talaga siya sa magulang niya sa pangingidnap niya sa akin. Napakunot ang noo ko ng napansin na napatahimik si Leslie roon at iniwasan sagutin.

"Leslie?"tawag ko muli, tinaasan ko siya ng kilay para malaman kung anong problema kung bakit hindi siya makapagsalita.

Tumingin siya sakin at yumuko.

"Pasensya na po napadami ang mga nasabi ko pero 'di ko po masasagot yung tanong ninyo kay Sir Emmanuel ninyo nalang po itanong ang mga bagay na yan, pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina." wika nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Marahas kong ginulo ang buhok ko dulot ng pagkainis. Kailan ba kasi ako makakaalis dito? Bumaba nalang din ako at nakita siyang nasa hapag kainan, may mga kasambahay din na nagsisilbi sa kanya, parang tanga kahit pagkuha ng tubig hindi kaya. Kay laking tao, pati pagbuhat lang ng pitsil hindi pa kaya. Umismid ako bago lumapit sa upuan na ilang dipa ang layo sa kanya.

Hindi pa ako hibang para lapitan siya after all he did to me last night, sariwa pa ang pambwibwisit at galit ko sa kanya, hindi na ata mawawala ito.

"Avella? baby, are you done with your food?" napatingin ako kung saan ng gagaling ang boses, nakita ko si Emmanuel na nakatingin sakin.

Nasamid ako at agad nabinitawan ang kutsara at tinidor, napatayo siya at agad na sanang lumapit sa akin ngunit hinarap ko ang isa kong kamay sa kanya upang patigilin siya.

Did he just called me baby knowing na may mga taong makakarinig, ah, oo nga pala, hindi takot ang tao ito sa sasabihin ng iba, hindi sya katulad ko.

I cleared my throat before I speak. "Yes, I'm done, I'm just thinking about something." hindi ko na pala namalayan na nakatulala ako habang inaalala ang nangyari kaninang umaga sa pag uusap namin ni Leslie.

"Good, go fix yourself, baby. I'll tour you in this hacienda." nakangiti nitong sabi sakin.

I can't deny that he's really handsome. He had a clean-cut hairstyle. He looks refreshing wearing white polo and brown khakhi pants. He is way more different yesterday, when he is wearing corporate attire, it's like he will do something bad pero ngayon, he looks simple and I somehow like it. Dumako ang mata ko sa leeg niya at nakita ang katulad ng kwintas ko ngunit the chain is herringbone type.

Nilapitan niya ako sa kinauupuan ko and bend his one knee, his two hands are in the arm rest, he's looking at me like how he looks at me last night, searching for something in my eyes. I tried not to show emotions but there is a ghost of smile on his lips. He can read me and no one can do it. No one.

Nagulat ako ng mas malapitan kong nakita ang necklace at pati ang katawan niya dahil nakabukas ang butones ng polo niya napalunok ako sa nakita ko, "he got a perfect body." I thought I've just said it in my head but I was shocked when he smile widely, flashing his perfect teeth. He goddamn heard me, oh, God of the soil, eat me now!

"You can have it all baby, just say you want me, and am all yours." He said it in a husky voice, and he smirks. that goddamnit smirk!

My forehead starts to sweat even if I'm not doing anything, ganito ba epekto ng isang Machero sa babae?

No wonder every girl wants him.

"I-I'm going to fix me first before you t-tour me." damn it, I'm stuttering. tinabig ko ang mga kamay n'ya at tumakbo sa kwarto ko.

"Yeah, sure baby." his tone was playful.

I heard he's laughing before I close the door. that bastard! babawi ako sa kanya, humanda s'ya.




Xoxo, Arabella

Paint Of The Enchanted Nights (Marchero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon