Chapter 2

3.8K 178 15
                                    

A year ago

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong lambak at ang usok ay tila dambuhalang dragon na sinakop ang buong himpapawid. Mahigpit na ikinapit ni Glen ang isang kamay sa sanga ng punong inakyat niya at pinahid ang gumitaw na pawis sa kanyang noo. Napangiwi ang dalaga dahil sa hapding gumuhit sa kanyang balat. Buong mukha niya ay tila sunog na rin dahil sa matinding init ng nagliliyab na apoy na sumingaw hanggang sa burol na kanyang kinaroroonan. Inayos niya ang suot na mask at nag-aalalang tumingala. Paano na ang mga ibon at ang mga Tamaraw sa bahaging iyon na tinutupok ng apoy? Tag-araw pa naman at imposibleng umulan.

Maya't maya pa ay natanaw niya ang dumarating na mga trucks ng bombero at ang grupo ng mga cowboys sakay ng mga kabayo. Pinasok ng mga ito ang lambak at sinuong ang apoy habang nagsisimulang magpaulan ng malakas na buhos ng tubig ang mga firetrucks. Kailangang mayroon din siyang gawin. Hindi pwedeng nakatunganga lamang siya rito at nanonood.

Bumaba siya ng puno at umalis ng burol. Dumaan siya sa may ilog at nilublob niya ang sarili doon. Itinago sa ilalim ng gora ang basang buhok at isinuot ng maigi ang mask saka tinunton ang lambak. Masakit sa mata hindi lamang ang singaw ng init kundi maging ang agiw ng mga abong tinatangay ng hangin.

Then she felt the ground shakes and saw a herd of the tamaraws came out from the other side of the valley. They were following one of the horseback riders, wearing a teargas mask and who is seemingly showing the way out for the animals. Napahigit siya ng malalim na hininga dahil sa saya. Salamat naman. Akala niya ay tuluyan nang matutusta ang isa sa mga kayamanan ng Mindoro.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pero habang papalapit siya sa bukana ng lambak ay paiksi ng paiksi ang kanyang paghinga. Tumatagos sa suot niyang mask ang usok at nasasakal siya. Kaya pala pinagbawalan siya ng kanina ng tribe leader na tumulong para maapula ang apoy.

Bago siya panawan ng ulirat ay nadama niya ang kamay na sumaklot sa kanya at isinampa siya sa kabayo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa kanya ang balisang mukha ng kanyang inang si Janina nang muli niyang buksan ang mga mata.

Bumaling siya sa pinto kungsaan ang malapad na likod ng isang lalaking palabas ang nahabol niya ng tanaw. Nakahiga siya sa kama ng community hospital ng Baco. Mukhang hindi kinaya ng baga niya ang nakalalasong usok ng sunog sa lambak.

"Anak, ayos ka lang ba?" muling tanong ng mama niya nang hindi siya kumibo.

"Okay lang po ako, Ma. Na-suffocate lang ako sa usok. Nakalimutan kong may halong chemicals na pala iyong tubig na pinakakawalan ng mga bombero. Hindi ko kinaya ang tapang." Maagap niyang paliwanag.

Tumango si Janina at ginagap ang kanyang kamay. "Tinakot mo kami ng papa mo. Napasugod tuloy kami rito nang walang kahit anong dala." Angal nito.

"Okay lang po. Hindi naman ako magtatagal dito. Mamaya siguradong papayagan na ako ng doctor na makalabas."

"Hindi ka muna lalabas. Kailangan mong magpahinga." Kontra ng ginang.

Pero hindi rin siya napilit ng mga magulang. Pagkatapos siyang payagan ng doctor ay agad siyang nagyaya na umuwi. Ni hindi siya pumalya sa pagpasok sa trabaho niya kinabukasan.

Matunog na usapan sa kanilang opisina sa Municipal Social Welfare  and Development Office ang nangyaring grassfire na umabot hanggang sa kalapit na gubat paakyat sa Mt. Baco bago naapula.

"Gagawa raw ng resolution ang Sangguniang-bayan bilang pagkilala  para sa grupong sumagip sa mga Tamaraw at isa-isa silang bibigyan ng parangal ni mayor doon sa session hall mamaya." Kwento ng ka-trabaho niyang si Nelly.

"Mabuti naman. Natutuwa ako at nailigtas ang mga Tamaraw," masigla niyang sagot. Isa sa grupo ang sumakloko sa kanya kahapon nang mawalan siya ng malay-tao.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now