Chapter 12

3.1K 176 16
                                    

Bumalya ang pinto ng kwarto at pumasok si Vladimir na humahangos. Abruptly, he was taken aback at the sight of his wife crouching in the couch, crying, and in so much pain.

"Glen!" He cut across the space into her with his long strides and scooped her carefully into his arms. They went out of the room immediately.

"Vlad, ang anak natin..." humagulgol si Glen at sumubsob sa kanyang dibdib.

"Look at me...shhh...Trust me, hm? Ako ang ama ng batang iyan. Hindi siya kakalas sa iyo." Alo niya rito at matuling nilandas ang hagdanan pababa. "Elmer, get the car!" Apuradong utos niya sa binatang agad kumaripas ng takbo palabas ng villa.

"Anong nangyari, sir?" Tarantang lumapit sina Aling Teresa at Mang Ponzo. Nagpulasan na rin palabas ng kusina ang mga bagong kasambahay.

"I'm taking her to the hospital. Kayo na ang bahala rito. Teresa, si Zav." Bilin niyang naglakad patungo sa pulta-mayor. Nag-aalalang humabol pa ang mag-asawang Teresa at Ponzo hanggang sa labas.

Saklot ni Glen ang puson at tiyan. Mariing tiklop ang mga hita nito habang lulan sila ng sasakyan patungong provincial hospital. At impit itong umiiyak.

"Saan ang masakit, hm?" Marahan niyang pinunasan ang mga luha ng asawa.

She lookes at him, terrified. Her eyes are puffy because of  crying and she is biting her lips to supress the sobs. "Dito at ang puson ko." Itinuro nito ang mga bahaging masakit. "Natatakot ako. Paano kung malaglag siya." Hikbi nitong yugyog ang mga balikat.

Niyakap niya ito ng mahigpit. "I'm here, don't be afraid. The baby's going to be alright." Muli niyang alo sa asawa. Sa lahat ng pagkakataon ay laging alam niya ang gagawin maliban lang ngayon. Paano ba pawiin ang sakit na nararamdaman nito? Paano niya aalisin ang takot? Kahit kunting ideya ay walang pumapasok sa utak niya.

Pagdating ng hospital ay binuhat niya ito at itinakbo sa loob. Sinalubong sila ng iilang nurses at volunteers tangay ang stretcher. Maingat niyang ibinaba roon si Glen at hindi binitawan ang kamay nitong nanginginig. He couldn't even stop the shaking and her tears. How useless he can get?

Itinuloy sa loob ng emergency room ang asawa niya habang siya ay hinarang ng nurse upang manatili sa labas at maghintay. Saka hinawi ang asul na kurtina at nawala sa paningin niya si Glen. He took his phone out of his pocket and hit Ghaile's contact digits.

"Vlad?"

"We're in the hospital, Glen is having spasm on her navel and some parts of her tummy. What should I do?" Napahawak siya sa batok habang palakad-lakad sa bungad ng emergency room. Pigil-pigil ang hininga. Two hospital volunteers are watching nearby. Observing him.

"Nag-bleeding ba siya?" tanong ni Ghaile.

"No, I don't think so. But she is complaining so much about the pain."

"Baka normal contraction lang iyan, dala ng pagbubuntis niya. Her body is still adjusting to it. May tendency din na hindi siya natunawan. Ano bang pinakain mo sa kanya?"

"Menor de edad na mangga. She loves eating those before and after having her meal." He stopped pacing back and forth. Sumandal siya sa dingding at isinuklay ang mga daliri sa hibla ng buhok na kumikiliti sa kanyang panga. He needs to get a freaking haircut soon.

"Anong manggang menor de edad?" Untag ng doctor mula sa kabilang linya.

"Seedless. Iyong wala pang buto."

"Bubot ba ang ibig mong sabihin? Umayos ka nga, Vlad. Bubot iyon, hindi menor de edad." Angal nito.

"Yeah, whatever." He sighed. Sana ganoon nga lang. Hindi natunawan. Anything that's too much is not healthy. He knew and he should keep it in mind.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang