Chapter 20

2.9K 157 5
                                    

Glen unhooked her bra from the back and pumped her fresh milk. Filling the clean and empty feeding bottles. She made it a routine daily as advice by the doctor. She smiled and adjusted the laptop to give her husband a clearer view of what she is doing. Isang linggo nang nasa La Salvacion si Vladimir at video call araw-araw ang tanging komunikasyon niya sa asawa. Tuwing umaga paggising niya, sa tanghali pagkatapos ng lunch at bago siya matulog sa gabi.

"Okay ka lang ba?" May kumudlit na pag-aalala sa kanya habang nakatunghay sa asawa mula sa monitor ng laptop.

His eyes were strangely red and icy sharp. A complete mirror of hell. Yet he looks exhausted. Halatang hindi pa nito nati-trim ang balbas. Gaano ba ito ka-busy roon? Wala talaga siyang ideya. Tapos heto siya na masyadong matakaw sa panahon at atensiyon nito. Alam kasi nitong magtatampo siya kung hindi ito magpaparamdam.

"Always asking the obvious, steamed bud." He cracked a sexy smile, never failing to take her breath away. "Everytime I see you like this, I saw all the good stuff in this world that you bring."

Ngumiti siya ng matamis sa maagang banat ng lalaki. Kapag ganitong nag-uusap sila tumatagos sa kaluluwa niya ang kilig. Para siyang teenager na nililigawan ng kanyang prince charming. Laging may paraan si Vladimir para mapatalon ang kanyang puso at kalampagin ang kanyang mga laman.

"Magpahinga ka, okay? Mukha kasing hindi ka natutulog. Ano bang pinagkakaabalahan mo? Bakit hindi ko pwedeng makita?" Malambing niyang angal.

"You're inviting nightmares, baby. Worst nightmares." Umiling ito.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" May hinampo sa kanyang tono. Sa lahat ng nilalambing niya sa asawa, rito lang siya paulit-ulit na pumapalpak. Lalo tuloy siyang na-curious kung ano ba talaga ang ginagawa ni Vladimir doon.

"I'll tell you but I can't allow you to see it," pahayag nito matapos ang buntong-hininga. "I killed the rats."

"You mean the criminals?" Saglit niyang itinigil ang pagpa-pump ng gatas para makinig nang mabuti sa susunod nitong sasabihin.

"The criminals. But it was not a typical murder like the hunters will do. My way of killing is different. I tortured them. Strangled their neck. Gauged their eyes. Cut their throat. Break their bones. Even peel off their skin and loosened their nails away from their fingers. That's how I completed the task to get what I needed. It was a proposition to let the people chose which sides they're on."

"May authority ka ba para gawin iyon? I mean, you're an engineer not a law enforcer. Hindi ba trabaho iyon ng mga police?" Alam niyang hindi ito nagbibiro pero hirap siyang maniwala na ganoon kalupit ang kanyang asawa.

Namimilipit ng leeg? Dinudukot ang mga mata? Nangbabalat ng buhay? Binubunot ang mga kuko ng mga kriminal? Kaya nitong gawin ang karahasang iyon sa isang tao? Kahit pa nagkasala, sobrang lupit naman ng ganoong parusa. There should be other ways he could have done it.

"Ako ang berdugo ng aming angkan, Glen. Ang tagahatol. I was given that role to handle those outlaws who are beyond the capacity of the authorities. Ngipin sa ngipin. Mata sa mata. Iyon ang sinisingil ko."

"Vlad," nakadama siya ng lungkot. She knew he is just protecting his family's pacifism. Pero ang pasanin ang ganoong kabigat na responsibilidad sa edad nito ngayon ay isang kalabisan.

"I love you, Glen." He disappeared from the monitor after that. Hindi man lang nito nahintay ang kanyang sagot.

Pagkatapos niyang mag-pump ng gatas ay sinilip niya si Zav. Tapos na nila itong paliguan ni Aling Teresa at nasa kuna ang bata, dumedede. Dumukwang siya at marahang pinisil ang paa ng anak. Pumihit siya at nilapitan ang nurse na abala sa pasusulat ng entry sa medical record ng sanggol sa loob ng incubator. Galing ng Infirmaria ang nurse na ito at personal na ni-recommend ni Lyam.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now