Chapter 11

3.1K 159 3
                                    

Hinaplos ni Glen ang tiyan at itinulak palayo sa kanya ang tray ng mangga. Katatapos niya lang maghapunan at busog na busog siya pero naglalaway na naman siya sa Sindhu mango. Halos iyon na lang ang kinakain niya sa agahan, tanghalian at kahit sa hapunan sa loob ng isang linggo. Marami pa roon sa bodega at binigyan niya ang kanyang mga magulang. Nagbigay rin siya ng tig-iisang karton sa mga tauhan ng asawa.

"Sindhu again? You've been eating that in a week." Angal ni Vladimir na kausap niya sa face time pagdating niya galing ng munisipyo. Ipinakita niya rito ang mangga na nasa tray sa kanyang harapan. "Have you talk to your nutritionist?" tanong nito.

"Kagagaling niya lang rito. Hindi naman niya sinabing bawal akong kumain nitong mangga." Inirapan niya ang asawa. "Saka binili mo ang mga ito para sa akin. Sayang naman kung hindi ko kainin."

"Oo na. Hindi ako mananalo sa iyo. Let me see your tummy."

"Ha? Ayaw ko!" Mariin niyang tanggi. "Hindi pa ako nakakapaglinis ng pusod ko. Marumi." Sumimangot siya.

"Should I be thinking more about your little dirty button than your health and the baby inside you? Show me your tummy, now. I'll be frustrated if you won't." Pananakot nito. "And be sure no one else is around." He reminded.

Tiningnan muna niya ang pusod at kagat-labing nililis ang suot na blouse paitaas. Itinapat niya ang camera ng cellphone sa kanyang tiyan na nakausli. Tuwing nag-uusap sila ng ganito hindi pwedeng hindi nito masilip ang kanyang tiyan. Alam niyang inaalala lang nito ang kalusugan niya at ang bata pero dahil sa mga ginagawa nito ay lalo siyang nahuhulog sa asawa.

"Paano si steamed bud ayaw mong makita?" Biro niyang nakangisi matapos ibaba muli ang damit.

"No, I'll be in trouble if I'll try. Still two days before I can be with you. It would be torture." His jaws clenched but he gave her a dashing smile. "Si Zav?"

Tumayo siya at nilapitan ang kuna. Iniumang niya kay Zav ang camera habang mahimbing na natutulog ang sanggol.

"Nagpunta nga pala ang abogado ng Tanshun Realty roon sa munisipyo kanina. Pag-aaralan daw muli ng kompanya kung itutuloy pa ang proyekto ng golf course roon sa Baco. May ginawa ka ba? Pakiramdam ko kasi hindi na nila itutuloy ang pagbili sa mga lupain." Bumalik siya sa couch at naupo.

"I didn't do anything. I haven't even talked to any of the company's representative." May kapilyuhang kumislap sa sulok ng mga mata nito.

Hindi na lamang siya nangulit. Alam niyang may ginawa ang asawa pero gusto nitong isipin niyang nagtagumpay siya sa layunin niya sa sariling pagsisikap kaya palihim itong kumikilos.

May appointment siya sa kanyang doctor kinabukasan kaya sa tanghali na siya pumasok ng munisipyo. Sinalubong siya nina Rica at ng iilan sa mga ka-opisina niya. Kung anu-anong masasayang kwento ang pambungad ng mga ito sa kanya. Hindi pa rin siya sanay sa pakikitungo na natatanggap at naiilang dahil lahat yata ng empleyado ay bumait bigla sa kanya. Kalat na kalat kasi ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Engr. Vladimir Andromida.

"Glen, nasa labas ang driver mo. Importante raw ang sasabihin. Pinapapasok ko pero ayaw niya." Abiso ni Rica sa kanya habang subsob siya sa paggawa ng case study sa bagong dating na mga bata sa drop in center nila.

"Thanks, Rica." Umahon siya sa kanyang upuan at lumabas ng MSWD office. "Elmer?"

"Ma'am, tumawag po si Aling Teresa. May dumating daw doon sa bahay para kunin si Zav." Kabadong balita ng binata.

Saglit siyang hindi nakahuma. Hindi kaya ang tunay na magulang ni Zav? Baka magaling na mula sa depression ang tunay na ina ng bata. Dali-dali siyang bumalik sa loob ng opisina at nagpaalam sa kanyang department head.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now