Chapter 19

2.8K 143 4
                                    

Maagang nilibot ni Vladimir ang buong lupain, sakay ng puting kabayong si Spree at kasama ang mga alaga niyang aso. Binisita ng lalaki ang mga hayop at personal na kinausap ang mga animal doctors para sa iilang concerns.

He stopped by at the watchtower afterward, contented of the sunshine basks all over the fields and the neighboring mountain ranges. Gamit ang binoculars, pumasada muli ang tanaw niya sa mga hangganan ng lupain. Habang pinakikinggan ang maingay na tahol ng mga asong nasa ibaba at naglalaro.

A yellow  Warbler singing a sweet morning greetings passed by. Umikot ang ibon at dumapo sa balustre. Patalon-talon. Ibinaba niya ang binoculars at binalingan ang ibon.  Napakaganda ng kulay gintong balahibo nito. Isa ito sa lahi ng mga ibong nakahanap ng kanlungan sa mga kakahuyan ng lupaing iyon.

"Nandito po ang nurse na ipinadala ng hospital." Balita ni Lito sa pagitan ng static background ng radyo. Pauwi na siya ng villa nang magradyo sa kanya ito mula sa portal.

"Copy that. Send her in."

"Sir, narito rin po si Ms. Tuazon. Gusto ka raw kausapin." Dagdag ng binata.

"Papasukin mo."

Ibinalik niya sa baywang ang two-way radio at hinatak ang renda ni Spree. Mula sa paglalakad ay tumakbo ang kabayo habang nasa likod nila at matuling humahabol ang mga aso. Kasabay lamang niyang dumating sa villa sina Maya at ang nurse. Iniwan niya kay Elmer sa kwadra ang kabayo at kay Mang Ponzo ang mga aso.

"Good morning, ladies." Binati niya ang mga panauhing nasa sala na nakaupo sa couch.

Tumayo ang nurse. "Good morning, sir. Ako po ang nurse na ipinadala ng hospital. My name is Claire."

He nodded to acknowledge her while taking off his black leather hand gloves. Sinulyapan niya si Maya na namumungay ang mga mata habang nakatitig sa kanya. Noong mga bata pa sila hindi siya nito matingnan ng deretso. Lagi itong takot at umiiwas sa kanya.

"Pwede ko po bang makita ang baby? Para matingnan ko po at malagyan ko ng bagong entry ang records." Nagsalita ang nurse.

"The baby's doing all good as well as my wife. And my apology that the hospital has to send you here but I have decided to cancel my request earlier." He announced, straightforward. The safety of his family is paramount. He couldn't trust them to a stranger oozing with eerie atmosphere like this girl.

Hindi nakahuma ang nurse. Tahimik lamang itong tumango at tumingin kay Maya  na hindi mapalagay ang mga kamay na nasa kandungan. He waited for her to say something. Ngunit tila wala itong balak magsalita.

"Would you mind telling me what brings you here again, Maya?" he asked after a minute of silence and she still did not talk.

"Ah, sir. Magpapaalam na po ako." The nurse murmured awkwardly.

Tumango siya. "Thank you for coming, Claire." Muli niyang binalingan si Maya. "Are you having fun just by staring at me? There's breakfast in the kitchen. Help yourself before you leave." He decided to swing upstairs and checked his wife.

"Vlad," humabol sa kanya ang dalaga. "Pumunta ako kay Apo Anghel. Nagkausap kami!" kabado nitong wika.

"Did he told you about the dissolution of our marriage five years ago?" Huminto siya at nilingon ito.

"Sinabi niya pero aapela ako. Hindi ba dapat may pahintulot galing sa akin kung ipawalang-bisa ang kasal natin?" Giit nito.

"Unfortunately that isn't how it works. If you are trying to compare the standard marriage outside the tribe, asking your permission was not applicable. Besides, you escaping away is a proof that you don't want to comply your wifely duties to me. Reason why I had to set you free."

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now