Chapter 3

3.4K 160 6
                                    

Vlad tightened his grip on the champagne glass he's holding. Leaning against the edge of the glass panel in the main hall, he was occupied by mix thoughts while watching his brothers very entertained with the baby in the movable crib. Apparently, they are doing it to annoy him.

Kung tutuusin, walang dahilan para pagurin niya ang utak sa pag-iisip. Hindi siya ang ama ng batang iyon. But this is somehow agitating. Glen and the baby were succeeding invading his mind. Parang sumali ng marathon ang isip niya sa haba ng milyang tinakbo para lang bigyan ng katarungan ang pagdating ng dalaga at ng sanggol sa kanyang buhay.

"Why don't you join them?" Dumantay sa balikat niya ang kamay ni Gabrylle, kasabay ng paglipad ng kanyang paningin patungo sa grupo ng mga kaanak nilang gumagawa ng makeshift altar sa gitna ng bulwagan.

"No, thanks." Inalog niya ang alak sa kanyang baso at sumimsim. Napatitig siya sa interior designer na nagmamando sa grupong nag-aayos ng mga bulaklak. Kanina pa iyon pasulyap-sulyap sa gawi niya.

"I had a quick run down of Rajive's report earlier," Pahayag ni Gabrylle na itinuon ang isang kamay sa dingding na salamin.

"And?" he asked, bored with the topic.

"She's not a scammer, Vlad. She's not here for money either."

"Then what do you think could be her reason for coming at me. Go on, try and guess, Gab." Hamon niya sa kapatid.

Wala itong ipinagkaiba kay Athrun na agad pumanig kay Glen dahil nakitang sobrang naaaliw ang asawa sa sanggol at malamang maging sa dalaga na rin.

"You have 12 priority negotiations on board, Vladimir. That woman is included. Zahari Tan." Itinuro nito ang babaeng tinitingnan niya.

Kaya pala mukhang pamilyar sa kanya. She turned to his direction once again and gave him a smile. He raised his glass to acknowledge her.

"Would you rather choose one among them? Hindi ba nga simula nang tumuntong ka sa edad na 25 ay wala ka nang ginawa kundi magpukpok ng alibi para maiwasan ang mga babaeng nakatakda para sa iyo?" dagdag pa ni Gabrylle.

He snorted and walked away. Pero bumuntot ito. May atraso pa sa kanya ang kapatid tapos ngayon nagsimula na namang pangaralan siya. Lumapit siya sa bar kungsaan niya itinago kanina ang special wine. Kinuha niya iyon mula sa loob ng single cooler at binuksan.

"Try this, it's the best you can get from my collection." Nagsalin siya sa ibang baso.

"Really? No label? Mukhang scam, ah!" Biro nitong tinawanan lamang niya.

Ibinigay niya rito ang baso. "Need your thoughts later." He winked.

Agad nitong ibinuhos sa bibig ang laman ng baso at muntik nang ibuga sa mukha niya ang alak kasunod ang sunud-sunod na murang malulutong.

"Shit, Vlad! You, son of a bitch! Damn you!

Sumabog ang magaspang niyang tawa. Dalawang kilo ng siling demonyo ang tinunaw niya sa alak na ininom nito. Saktong bayad para sa bunganga nitong hindi matahimik. Kung hindi nito sinabi kay Jeneviv ang tungkol kay Glen, hindi malalaman iyon ni Safhire at hindi makararating kay Athrun.

"Iyan ang katas ng siling demonyo. Nagustuhan mo ba, Gabrylle Andromida?" Halakhak niya.

He pointed a finger at him before running away to the kitchen. Habang siya ay nakangising sumandal sa blade ng bar at inubos ang laman ng kanyang baso. Nagsalin siyang muli ng alak.

Nagtawag si Safhire para sa pagsisimula ng banal na misa bilang alay sa anibersaryo ng pagkamatay ni Rayden. Kasama ng babaeng nag-ikot sa buong hall sina Jeneviv at Glen. Namigay ang mga ito ng kandela sa mga bisitang kaibigan at malalayong mga kamag-anak.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now