Chapter 28

3.1K 154 5
                                    

Glen rose from the bed and walked towards the mirror. Ibinaba niya ang manggas ng suot na blouse at hinaplos ang balikat na kinagat ni Vladimir habang pinakawalan nito kanina ang katas nito sa ilalim niya. Naroon ang marka ng ngipin ng asawa. Muli niyang itinaas ang manggas at kinapa ang kanyang pang-upo.

She flinched at the memory of their love-making a while ago. Hindi siya nito sa kama pinadapa kundi sa floor to ceiling window at doon siya inangkin mula sa likuran habang nakatayo. Akala niya tatagos sila sa salamin sa tindi nito kung bumayo. But it was quite a charge to experience. Marami siyang natututunan sa asawa sa mga ganoong aspeto. Every time she touched him, he is transforming into someone godly.

Inayos niya ang buhok. Nilasuhan. Ngunit hindi siya makontento sa kanyang hitsura. Tumaba na nga siya. Her cheeks are puffed. She undid her ponytail and shook her hair out. Tucked a few locks behind her ear. Kumislap ang hikaw na suot niya nang masalubong ang liwanag ng ilaw mula sa kisame.

Naglagay siya ng powder sa mukha at lipstick na matingkad ang pula. Pinatulis niya ang nguso saka ngumiti. She has to do something to maintain her flat belly. Nagsimula na siyang lumobo. Baka mamaya ay umarangkada ang taba niya at kakailanganin na niya ng matinding work-out.

She stepped away from the mirror. Tinungo niya ang glass panel at sinilip si Vladimir na kausap sa cellphone si Lyam sa may terrace. Bukod sa magaspang na tono ng boses ng asawa ay wala na siyang ibang naririnig pa sa usapan ng mga ito. She rested her hand on the shelled jamb and looked around. Narito sila sa unit nito sa Sky Garden. It was not a typical bachelor's pad. The entire interior strikes an intimidating ambiance yet homey. Something that speaks his character.

Binawi niya ang paningin at muling ibinaling kay Vladimir. Napangiti nang matanaw ang asawang papalapit. Tapos na nitong kausapin si Lyam.

"Would you like to check out the MSME exhibit down the pavilion?" Kumindat ito matapos pumasada ang dila sa pulang labi.

Her nerves jolted at his sexy smile. "What is it?" She swallowed her breath.

"Micro, small and medium enterprise. Come on," hinawakan siya nito sa pulso at kinaladkad palabas ng unit.

"Bigla kong namimiss ang mga bata. Umuwi tayo ngayon ha?" Tiningala niya ang asawa habang nasa elevator sila pababa.

"Whatever you like, baby." Hinalikan siya nito sa ulo at pinisil-pisil ang kanyang braso.

"Tigilan mo nga iyan, Vlad. Baka kung saan na naman tayo mapunta." Siniko niya ito sa tagiliran.

Pero umungol ito na para bang nasasarapan. Kinilabutan siya at lumayo sa lalaki pero hinatak siyang muli nito at sinalakay ng halik sa leeg. Pumiksi-piksi siya habang natatawa. Then the elevator stops. They were both laughing coming out of the platform.

Yumapos siya sa baywang nito at sinuyod ng tingin ang buong ground floor. Sa may alley patungong pavilion ay nagkalat na ang mga tao. Kanya-kanyang diskarte ang mascot ng mga MSMEs na sumali sa exhibit para akitin ang mga kliyente at mga interesadong investor. Naagaw agad nila ang atensiyon ng karamihan habang binabaybay nila ang nakakuldon na pasilyong daanan ng mga VIPs.

"Ano iyon?" Nahinto siya sa paghakbang nang makita ang isang collector doll na nakakahon at yakap-yakap ng isang dalagita. Literal na nalaglag ang panga niya nang matitigang maigi ang manika matapos nitong ipagyabang sa mga kaibigang kasama. Kamukha niya ang manika? Bumitaw siya kay Vladimir at nilapitan ang dalagita. "Excuse me, saan galing ang manikang iyan?" Nakangiti niyang tanong. Pero hindi sumagot ang dalagita. Nakatulala ito sa kanya at ang mga kaibigan nito.

Natatawang hinawakan ni Vladimir ang kanyang siko. "Dadalhin kita roon."

Tamemeng tumingin siya sa asawa at tumango. Habang papasok sila ng pavilion ay parami nang parami ang nakikita niyang mga kabataang may bitbit na manikang kamukha niya. Iba-iba pa ang outfit ng manika. May naka-pantalon at hanging blouse. May naka-shorts. Naka-gown. Simpleng bestida. Skirt at blouse. Mayroong naka-bathrobe at may towel na nakabalot sa buhok.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now