Chapter 25

2.9K 148 7
                                    

Exhale. Inhale. Exhale. Smile a little. She pinched her cheeks and cleared her throat.

Inulit-ulit iyon ni Glen habang nasa harap siya ng salamin at pinagmamasdan ang sarili. Tapos na siyang maligo. Nagbihis na rin siya ng puting sundress na hantad ang mga balikat pababa sa malalim na gatla sa pagitan ng malulusog niyang dibdib. Inilugay niya lamang ang mahabang buhok na nangungulot pa lalo ang dulo at umaalon ang bahaging madalas niyang tinatalian ng laso. Naglagay siya ng kunting make-up kahit pa hindi naman niyon naitago ang kanyang mga eyebags dahil sa kakulangan ng sapat na tulog.

Nitong mga nagdaang araw ay iniwasan niyang tumingin sa salamin. Lalo siyang nade-depressed dahil pakiramdam niya ay pumapangit siya dulot ng sobrang stress. Muli niyang pinisil ang mga pisngi. Ilang araw pa lang humpak na agad. Pero kontento na siya sa kanyang nakikita.

Kabado siyang bumalik sa kama at sinulyapan ang oras sa maliit na alarm clock sa dingding. Fifteen minutes before seven in the morning. Baka mamaya pa pagkatapos ng agahan darating si Vladimir. Mula paggising kanina ay hindi na nawala ang kaba niya at ang panlalamig ng kanyang mga kamay at paa. Nag-aalala siyang baka hihimatayin siya sa harap ng asawa dahil sa sobrang takot.

Bagamat nangako siya kagabi na titiisin niya at kakayaning makaharap itong muli. Kahit ngayon man lang gusto niyang manalo laban sa kanyang sarili alang-alang sa kanyang asawa at mga anak. Bago niya sasabihin sa ibang tao ang nakita niyang mga puntod at ang nasa mga litrato kailangang malaman muna ni Vladimir. Bibigyan niya ng pagkakataong magpaliwanag ang lalaki.

Matapos maipon ang sapat na lakas ng loob na kailangan ay lumabas siya ng kwarto ngunit agad ding natigilan at nanghina ang mga tuhod nang masumpungan si Vladimir na naghihintay sa gilid ng pintuan. Kumapit siya sa hamba at hinugot ang papatakas na hininga. Damang-dama niya ang mabilis na pagbalot ng nakababaliw na takot sa kanyang sistema. Kumikibot ang balat niya. Ang kilabot ay mas tumitindi.

"Vlad," pumiyok ang kanyang boses.

"Good morning, steamed bud." He whispered tenderly as if she was a very delicate crystal that will shatter any moment.

Buong pagmamahal itong nakatitig sa kanyang mukha na tila ba isang-daang taon silang hindi nagkita. His eyes were beaten. Obviously sad and broken. The soul inside is asking a million questions and over-shadowed his rebellious tears. This man in front of her who can pull the hell down somehow showed her nothing but unconditional love. But she is too afraid of him.

"K-kanina ka pa ba?" alanganin niyang tanong at dagling pinahid ang nangilid na mga luha. "Vlad, maraming salamat sa pagbabantay mo sa amin ng mga bata at sa mga bulaklak araw-araw." Napahikbi na siya.

Tumango ito. May gustong sabihin pero hindi maituloy. Tinangkang abutin siya pero naiwan lamang sa ere ang kamay at kinuyom na lamang. Pilit itinago ang pagnanais na siya ay hawakan at nagpipigil dahil nakikita nitong nanginginig siya at  maaring panawan ng ulirat. Alam niya kung gaano kasakit para sa asawa ang ganitong kalagayan nila. Dapat kung may natatakot dito hindi siya iyon kundi ang mga kaaway nito. Hindi ang babaeng minamahal nito ng labis at buong-buo.

"Glen," his shoulder dropped along with the tears he is holding desperately. Bumagsak ito sa sahig nang nakaluhod sa harapan niya. "Mahal na mahal kita. Mahal kita. Mahal na mahal kita." Bawat salitang binibigkas nito ay tumatagos sa kanya kasama ng pait at sakit na hindi naman dapat nararamdaman ng lalaki.

Tinakpan niya ang bibig pero nakawala pa rin ang hagulgol. Pilit niyang kinaladkad ang mga paa kahit nahihirapang huminga at nanlalambot ang mga kasu-kasuan. Kailangan niyang talunin ang kanyang sarili, harapin ang kanyang takot at yakapin ang pagmamahal.

Nagawa niyang makalapit kay Vladimir. Kinabig niya ito at niyakap. That was his cue of breaking out from the walls of fear she built around her to protect herself from him. In just a second, she was caged again in his arms. Pati mga labi niya ay bihag na rin ng asawa. He brought her back inside the room and they ended up in her bed.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon