Chapter 9

3.4K 183 6
                                    

She sniffed the mint balm and checked herself in the mirror. Her one-month indefinite leave from work is over. She had to report to her office today though she didn't feel like going. Masama ang pakiramdam niya. She is four weeks pregnant. Signs are slowly kicking up lately. She's delayed. She had mood swings. She's bloated and had cramps. Her breasts are sore. She lost her appetite. Always sleepy. She craved for mangoes in the morning and she's throwing up a lot.

Hindi pa niya kinompirma kay Vladimir ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Mukha naman kasing hindi ito masasabik dahil nauna na nitong hinulaan na mabubuntis siya pagkatapos ng honeymoon nila. Sa tuwing naiisip niya iyon naiirita siya. Ibig sabihin kasi ay wala siyang pwedeng itago sa asawa. Daig pa nito ang aso sa lakas ng pang-amoy.

"Elmer, sa parking area ka na maghintay mamaya." Bilin niya sa binata. Nilikom niya ang dalang bag at case na naglalaman ng iilang papeles at bumaba ng sasakyan.

"Sige po, ma'am."

Kinawayan niya si Rica na sumalubong sa kanya sa lobby ng executive building ng municipal hall. "Salamat sa pagpunta, Glen. Kahapon pa kita hinihintay." Niyakap siya ng kaibigan.

"Pasensya ka na, masama kasi ang pakiramdam ko kahapon." Hinaplos niya ang likod nito. Kita sa mukha ni Rica ang stress. "May update na ba sa Tanshun? Kailan sila bibisita ulit dito?" tanong niya.

"Lumapit sila kay mayor. Narinig kong kanselado ang pagtalakay ng Comprehensive Land Use Plan ng Baco sa province. Kahapon ipinatawag ang may-ari ng mga sakahan." Balisa nitong ulat.

"Hayaan mo, kakausapin ko si mayor."

"Gagawin mo iyon?"

"Oo naman. Hindi ba nangako akong po-protektahan ang tirahan at kabuhayan ng mga katutubo?" Ngumiti siya ng malapad.

"Salamat, Glen." Umaliwalas ang anyo ni Rica at mahigpit nitong pinisil ang kanyang kamay.

Hinatid lang niya ang mga gamit sa kanyang desk at tumuloy na sa opisina ng mayor para humingi ng appointment.

"Good morning, Ms. Bestre." Ang kalbong secretary to the mayor na si Mr. Robert Reblo ang humarap sa kanya. Wala pa ang alkalde at mamayang alas-onse pa raw papasok. "I'm sorry, Ms. Bestre, pero may importanteng mga bisita ngayon si mayor." Klaro na ayaw siya nitong bigyan ng appointment.

Hindi na siya nagpumilit. Kinapa niya ang cellphone at tinawagan si Vladimir. "Ayaw nila akong bigyan ng appointment kay mayor. Anong gagawin ko?" Himutok niya sa asawa.

"Give him the phone," sagot nito sa kabilang linya.

"Okay," ibinigay niya kay Mr. Reblo ang cellphone niya. "Kakausapin ka raw ng asawa ko." Kampante niyang wika.

"Asawa mo?" Pinagtawanan siya nito na parang may saltik siya sa utak. Ano nga naman ang pwedeng magawa ng asawa niya kung ordinaryong mamamayan lang iyon? Ang kaso'y si Vladimir Andromida ang asawa niya na minsan nang pinagkakautangan ng loob ng bayang iyon at itinuring na bayani.

"Yes, sir. My husband, Engr. Vladimir Andromida." Tikwas ang kilay na humalukipkip siya para pantayan ang pagmamalaki nito.

Namutla ang secretary at daig pa nito ang napaso. Muntik na nitong maihagis ang kanyang cellphone. Tarantang dinala nito iyon sa tainga. "H-hello?" Malalaking butil ng pawis ang gumitaw sa noo nito na pinahid nito ng panyong hinugot mula sa bulsa ng pantalon. "I understand, sir...sige po, sige po..." Tumawa pa ito ng bahaw, halatang kabadong-kabado. "Naku, walang problema, sir...okay lang po, basta ikaw." Sumulyap ito sa kanya at binigyan siya ng pagkalaki-laking ngiti na para bang nanonood sa kanila ang asawa niya. "Opo, opo...sasabihin ko kay mayor." Ibinalik nito sa kanya ang cellphone at may payuko-yuko pa itong nalalaman kahit hindi naman hapon.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ