Chapter 30

3.8K 160 6
                                    

The grand stadium of Edena City is packed. Security is airtighted and helicopters are passing through all over the place. This is one of Glen's big days. Excited siya. Bagamat kabado rin. Pinilipit niya ang pawisang mga kamay habang palakad-lakad sa loob ng VIP quarter na naka-assigned para sa kanya.

May mga bantay sa labas pero siya lang mag-isa ang narito sa loob ng marangyang silid. Ang ibang invited guests ay may mga kasamang assistants pero siya wala. Humarap siya sa salaming dingding kungsaan naaaninang niya ang sarili.

Suot niya ang isa sa mga damit na denisenyo ni Julie Martinez na isinalang at nanalo sa pamusong Catwalk Annual Competition. The gown is coral white and inspired by the national flower. Knitted sa ilalim at ang maliliit na mga palamuting bulaklak ay gawa sa mamahaling mga bato. May mahahabang manggas na hapit sa kanyang mga braso. Malalim ang ukab sa neckline kaya litaw ang pisngi ng kanyang dibdib. Korteng V sa likuran at hakab sa kanyang baywang at balakang. May mahabang slit na dumadaloy mula sa gitna ng kanan niyang hita pababa sa kanyang binti at hanggang sakong ang haba.

Loose mermaid tail naman ang ayos ng kanyang buhok at may gintong hairpin na hugis talulot ang nakaipit sa itaas ng kaliwa niyang tainga. Ilang hibla na kulot-kulot ang nakabagsak sa gilid ng kanyang mukha. Her eyeshadow is a combination of silver and copper. Pinalantik pa lalo ng maskara ang makakapal niyang mga pilik-mata at pinatingkad ng contact lense. Her cheeks are pinky-blushed and lips gorgeously contoured by flamming red lipstick.

This is the second time that she had almost find it difficult to believe she's staring at herself in the mirror. Ang una ay noong ikasal sila ni Vladimir doon sa bulwagan ng Chrysanthemum mansion.

Nginitian niya ang kanyang reflection.
"Ma'am, ready na po ba kayo? Magsisimula na ang programa." Narinig niyang tumunog ang intercom kasunod ang boses ng isa sa mga bantay na nasa labas.

Lumapit siya roon. "Ready na ako." Binuksan niya ang pintuan at lumabas ng kwarto.

Nahinto siya dahil bumukas din ang kabilang pinto at halos kasabay niyang iniluwal mula roon ang isa sa mga guests. Si Xierraluna Limchua. Halatang mas bata ito sa kanya. Her kind of beauty eminates from inside, heart and soul. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Suot din nito ang isa sa mga signature gown ni Julie Martinez.

Sa maluwang na pasilyo patungo sa main hall ng stadium ay nakasabay nila si Yvaine Lextallionez. Suot nito ang pulang gown na mistulang apoy na humahapit sa magandang hubog ng katawan nito. Nakalugay lamang ang mahaba nitong buhok na sumasayaw kasabay ng indayog ng balakang nito habang naglalakad. Gaya nilang dalawa ni Luna ay nagpalitan din sila ng ngiti.

Kahit gusto niyang bumati at kahit gusto rin ng mga ito'y hindi sila pwedeng basta magsalita dahil sa suot nilang lapel. Kung anong sasabihin nila ay maririnig din ng ibang guests at ng mga asawa nila.

Iginiya sila ng kani-kanilang mga escort sa bukana ng main hall na may nakalatag na red carpet. Isa-isa silang pumasok at sinalubong ng mga naggagandahang usherettes at hinatid sa kani-kanilang mga upuan. Marami nang tao. Naroon na nga yata ang buong supreme council ng Andromida Conglomerate at ibang mga importanteng personalidad ng lipunan.

Nasa special na entablado silang mga guests at may nakatutok na spot light sa bawat isa sa kanila. Apat pa lamang ang nauna sa kanila roon. Lumawak ang kanyang ngiti nang makita sina Safhire at Jeneviv. Magkatabi ang mga ito sa pinakagitnang hanay ng mga queen chairs kasama si Oshema Yzabella Monte-Aragon. Nag-uusap ang tatlo.

Silang mga bagong dating ang naupo sa kanang hanay kungsaan nakapaskil ang kanilang mga pangalan. Ilang saglit pa at narinig niyang umugong ang bulungan. Sumulyap siya sa direksiyon ng main entrance at nasagap ng mga mata ang pagpasok nina Ythanaika Hyatt at ng nagdadalang-tao na si Julie Martinez. Umawang ang kanyang bibig. Kay gagandang mga nilalang. The designer queen and the queen of the ramp. Parehas na revealing gown ang suot ng mga ito ngunit magkakaiba ang atake ng sex appeal.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora