Chapter 29

3K 142 9
                                    

"GUSTO mo siyang lapitan?" tanong ni Gabrylle.

Tumango si Glen habang nagpupunas ng luhaang mga mata. "Saan ako pwedeng dumaan?"

"Follow me." Nauna ang lalaki palabas ng silid at iginiya siya sa isang sementong hagdanan pababa sa kinaroroonan ni Vladimir.

"Salamat," bahagya niyang nilingon ang bayaw na nagpaiwan sa tuktok at tinakbo ang bawat baitang. Sumasabog ang init mula sa liyab ng mga apoy at nanuot sa ilong niya ang masangsang na amoy ng dugo.

"Vladimir!" Tawag niya sa asawang nakalugmok pa rin sa lupa at nilunod ang sarili sa emosyon.

"Glen?" Vladimir's eyes widened and the strong features of his handsome face, from his jaws down to the corded veins in his neck tensed.

"Vlad," niyakap niya ang lalaki bago pa nito mai-angat ang sarili mula sa lupa.

"What are you doing here? How did you-" hindi na nito tinapos ang pagtatanong nang isubsob niya ito sa kanyang dibdib.

"Gusto kong makita kung ano talaga ang ginagawa mo. Kung hanggang saan."

"Glen," his voice broke.

"Hindi ako nandito para muling matakot sa iyo, Vladimir. Nandito ako para samahan ka. Ipadama sa iyo na mula ngayon hindi ka na mag-iisa sa lugar na ito." Pilit niyang iniiwasang tingnan ang mga bangkay na nagkalat.

"No, baby. I won't let you. You're not cut for this kind of stuff."

Pinatakan niya ng halik ang mga labi ng asawa. "For better or for worst, for richer or for poorer, in sickness and in health, for safety and fear, through life and death. Hindi ba iyan ang pangako natin sa isa't isa?"

"Are you going to get stubborn this time?" Hindi ito makapaniwala habang nakatitig sa kanya ang namumulang mga mata.

"I'm not stubborn, Vladimir. I'm in love." He pulled him up with all her might. "Anong gagawin mo sa mga bangkay?" Sinilip niya ang mga katawang wala nang buhay na hinatulan ni Vladimir sa magkakaibang paraan.

They don't look like Filipinos. Mga dayuhan? Dalawa sa mga iyon ay mukhang Chinese at ang dalawa pa na kapwa may makakapal na balbas ay hindi niya matukoy kung anong lahi.

"Aayusin ko ang mga bangkay. Kukunin ng police ang mga iyan mamaya." Inakay siya ng asawa patungo sa isang tabi.

"Anong mga lahi sila? Dayuhan ang mga iyan, hindi ba?"

"Chinese and Pakistani. They're part of a group that sells human organs in the black market. Karamihan sa mga biktima nila ay mga bata." Kumuha ito ng Cadaver Storage Bags.

"Paano ang pamilya nila?"

"May mediator ang Philippine National Investigation. Sa kanila nakaatang ang pakikipag-usap sa pamilya ng mga iyan."

Pinanonood niya ang asawa habang isa-isa nitong isinilid ang mga bangkay sa cadaver bags. Binuhat at ipinasok sa platform na nasa kabila na tingin niya ay isang elevator. Humahapdi ang loob ng kanyang ilong dahil sa amoy ng dugo.

Galing ng dungeon ay dumaan pa sila sa isang kwartong nasa basement pa rin. Kwartong nangangagat ang lamig sa kanyang laman na animo'y mga karayom na nagyeyelo. Naupo siya sa nag-iisang couch na naroon na kulay itim ang pabalat at pinagsalikop sa kanyang kandungan ang mga kamay.

She is watching Vladimir take off his clothes and walk to the shower across the opposite wall. Nakagat niya ang labi habang hinahamig ang puso nang sumulyap sa kanya ang asawang nasa ilalim ng buhos ng tubig. Mula sa dulo ng buhok nito hanggang sa mga daliri ng paa, bawat pulgadang nilalandas ng kanyang paningin, ang nakikita niya ay sining. Kung paano ito nilikha nang buong kagandahan. He is more than an art. Refine and carved with accurate passion.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon