Chapter 26

3.3K 159 7
                                    

Glen cooperated submissively gaining positive feedbacks from the team handling her case. Matiwasay niyang naitawid ang kanyang treatment. Samantalang ang kanyang kalusugan naman ay malaki na rin ang ibinuti. Nakadagdag sa pagbalik ng tiwala niya sa sarili at sigla ang bonding nila ng kanyang mga anak araw-araw.

Ngunit utang niya ang mabilis na paggaling kay Vladimir na hindi umaalis sa kanyang tabi at laging nakaalalay sa kanya lalo na sa gabi kapag dinadalaw siya ng mga bangungot. Magpapatuloy ang kanyang counseling, dalawang beses sa isang linggo ayon sa rekomendasyon ng psychologist.

"Ma, para saan po iyang mga construction materials na dumating?" tanong niya sa ina habang nakasilip sa may bintana.

Nasa loob siya ng silid ng mga anak nang marinig niya kaninang may mga dumptrucks na dumating at nagdiskarga ng mga sako-sakong semento, malalaking kabilya, angle bars, hollow blocks, buhangin at graba.

"Nag-usap kagabi sina Vladimir at ang Papa mo para sa renovation nitong bahay. Sabi ko nga nagpapadala naman ng budget ang Ate Jelyn mo mula sa Japan pero mapilit ang asawa mo na gumastos," pahayag ng kanyang ina at sinilip si Khalid sa kuna.

"Nasaan po pala si Vladimir, Ma?" Binawi niya ang paningin. Nagpaalam sa kanya kanina ang asawa na may titingnan saglit sa ibaba pero hindi pa ito bumalik.

"Baka nasa bakuran kasama ang Papa mo." Binalingan naman ni Janina si Zav na nakatulog matapos dumede. "Puntahan mo, ako na muna ang titingin sa mga bata."

Tumango siya at lumabas ng kwarto. Kausap ni Vladimir ang kanyang ama sa may bakuran habang may tinitingnanng blueprint ang dalawa na marahil ay para sa gagawing renovation ng bahay. Nang matanaw siya ng asawa ay kaagad nitong nirolyo ang papel at iniwan kay Anton para sa salubungin siyang papalapit.

"Have you taken your vitamins?" tanong nito agad at itinaas sa kanyang balikat ang strap ng suot niyang puting summer dress na malamig ang tela at may kanipisan.

"Tapos na. Ikaw ba ang gumawa ng design? Patingin ako ng blueprint?" Suyo niya rito at ngumiti.

Inakay siya nito patungo kay Anton at nilatag sa kanya ang blueprint. Full renovations ang gagawin. Magiging hugis kabute ang harapan ng bahay at magkakaroon ng attic ang extention sa kalakhang bahagi niyon. Magiging tatlong palapag na rin at may garahe na.

"We better start packing our things," pahayag ni Vladimir. Nirolyo nitong muli ang papel matapos niyang tingnan at ibinalik kay Anton.

"Aalis tayo?" tanong niya sa asawa.

"We'll go back to the villa with everyone. Staying here while the renovations is on-going will be hazardous for you and the babies. Pwede tayong bumalik dito kung gusto mo kapag natapos na ang reconstruction." Paliwanag nito.

Tumango siya. Matamang tinitigan ang gwapo nitong mukha at napangiti na lang sa naiisip. Baka masyado nitong minadali ang pagpapagawa ng bahay nila para may dahilan silang mag-iina na umuwi ng villa. Hindi niya maikakailang sa laking tao nito'y nagmumukhang makipot ang bahay. Maski hindi niya nakitang limitado ang mga kilos nito. Naging katuwang pa nga ito ng kanyang ama ng nagdaang mga linggo sa sakahan at sa pag-aasikaso sa mga hayop.

"Tama si Vladimir, anak. Mapanganib dito habang ginagawa ang bahay. Doon muna tayo sa villa. Sasama kami ng mama mo sa inyo." Nagsalita si Anton.

Lumapad ang ngiti niya. "Paano po ang sakahan at ang mga hayop, Pa?"

"Pupunta ako rito araw-araw. Kailangan din may titingin sa trabaho rito."

Tango ang kanyang tugon sa sinabing iyon ng ama. "Kailan nga pala sisimulan ang trabaho?" Bumaling siya sa asawa matapos tapunan ng sulyap ang gabundok na mga materyales sa labas ng bakod.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now