Chapter 10

3.5K 172 9
                                    

Napaungol si Vladimir matapos sumabog ang tawanan ng mga kapatid niya sa loob ng conference room at sa suot niyang earpads kungsaan maririnig ang iba pa na nakaantabay sa meeting nila via zoom. Naisip niyang idulog sa mga ito ang may kalakihan niyang problema. Ang makahanap ng manggang walang buto. Isang linggo nang hinihingi iyon sa kanya ni Glen.

"Listen, boys, you've got to help me. I'm way over my head with this." He's desperate.

"Vlad, nasa Earth ka pa ba?" Kantiyaw ni Raxiine. "Kung nasa Earth ka pa dapat alam mong walang seedless mango rito. Ano iyan? Parang seedless grapes lang?"

Muling umugong sa bawat sulok ng silid ang halakhakan, gayundin sa earpads niya. He can only growl at them for having no point to argue. Magdamag niyang sinuyod kagabi ang internet. Nagbakasakali na may makapagbibigay ng ideya. Sa kasamaang palad ay wala pa rin siyang nahanap na matinong sagot.

"Those wives of yours are stupid." Kastigo ni Jrex. "Ang asawa ni Rheeva naghahanap ng kamyas na kulay ube. Ngayon asawa mo naman, manggang walang buto? Taga-saang planeta ba ang mga babaeng iyan?

Nangibabaw ang tawa ni Athrun mula sa desk nito dahil sa komentong iyon. He knew what he's asking is a desperate request because Athrun has been there too but that didn't stop him from joining the others.

"Athrun is laughing? Nakalimutan yatang abnormal din kung maglihi si Safhire," sarkastiko niyang pahayag para patigilin ito dahil alam niyang lalo siyang uulanin ng tukso kung pati ito ay makikisali pa.

"No, she's not. My wife is cute when she craves." Maagap nitong depensa.

Umingos silang lahat para pabulaanan ang sinabi nito ngunit lalo lamang itong humalakhak.

"Cute?" Vhendice fired in from his post. "Ano? Kasi pinakain ka ng tinapay na isinawsaw sa suka? Sarap na sarap ka naman, chairman."

"At least they didn't ask you to bring the moon down." Himutok ni Gabrylle na naiiling.

At napangisi siya sa alaala nang maglihi si Jeneviv at hiningi ang buwan dahil masarap daw kainin kasi parang malaking flatbread na ginagamit ng mga pari sa misa. Kung gagawin iyon ni Glen magbibigti na lang siya sa poste ng Meralco.

"Those who are in the outside missions, let me know if you happen to stumble one. Seedless mango, alright, boys?" Muli niyang hirit matapos humupa ang tawanan.

"Mag-post ka na ng add." Vhendice suggested.

"I did. Magbibigay ako ng reward sa sinumang makapagtuturo kung saan ako pwedeng makakuha ng ganoong mangga," pahayag niyang ikinatang ang mga siko sa conference table.

"Really? Gusto ko 'yong limited edition superbike mo." Mabilis na pakli ni Rajive na nagtaas pa ng kamay. "Sindhu mango in India. Not totally seedless but it's close to none."

"I've heard about it being introduce last 2014. Is it out on the market already? Or I need to go there to get some?" Tumayo siya. Bakit pa ba siya nagtatanong kung pwede naman siyang pumunta na ngayon? Nilikom niya ang ilang dokumento at bumaling kay Athrun. "We're done here? I'm off to India now. Excuse me." Tinanggal niya ang suot na earpads, nilapag ang mga iyon sa table at hindi pinansin ang mga kapatid na naghahabulan sa pagmumura.

"I need you back here in seventy-two hundred hours!" Athrun shouted before he went out of the conference room.

Kinapa niya ang cellphone at sinilip kung may text message siya mula sa villa. There were ten from Glen asking for the seedless mango. He's not used to answering messages but this time he sent a thumbs up sign.

"You need a back-up? I'm free." Humarang si Rayven sa pasilyo pagkalabas niya ng elevator.

"That's cool. Come on." Tinapik niya sa balikat ang nakababatang kapatid.

NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)Where stories live. Discover now