CHAPTER 1

11.5K 156 3
                                    


REMINDER!

THIS STORY IS A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO ANY ACTUAL EVENTS, PERSONS WHETHER LIVING OR DEAD IS PURELY COINCIDENTAL. THIS STORY CONTAINS COARSE LANGUAGE AND BECAUSE OF ITS CONTENT THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. JUST PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

-------

Ang sarap sarap pang matulog pero hindi ko nakayanan at bumangon na dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.

Nako mukhang si Aling Anita na naman yun.
Paglabas ko ng bahay hindi nga ako nagkamali, andon si Mama at Papa sa labas kausap si Aling Anita.

Humihikab pa ako habang naglalakad.

"Magbayad na kasi kayo!" sigaw ni Aling Anita.

Lumapit agad ako sa kanila dahil nakakahiya yung ginagawa niya. Umagang umaga nagsisisigaw, nasa harapan niya lang naman sina mama, nakakabastos. Hindi ko naman hahayaang ganyan ganyanin niya yung mga magulang ko.

"Ano po bang problema Aling Anita? Ang aga aga naman po sigaw kayo ng sigaw" magalang kong tanong sa kanya pagkalapit ko.

Hinawakan ni mama yung kamay ko para kumbinsihin na ayos lang ang lahat. Kahit halata naman na hindi talaga.

"Eh kasi naman yang mga magulang mo! Mag-iisang buwan na hindi pa rin nagbabayad ng utang! Jusko pag hindi pa talaga kayo nakabayad sa susunod na linggo magkita nalang tayo sa brgy!" sigaw niya ulit samen habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang mga kamay.

"Wag naman po Aling Anita, mahina lang talaga yung kita ng shop ngayon kaya hindi pa kami nakakabayad. Pero hayaan mo sa susunod na linggo ikaw yung uunahin namin bayarin" tunog nag mamakaawa ang boses ni Mama habang sinasabi ang mga iyon.

Totoo naman kasing mahina yung shop eh, madalang nalang ang mga nagpapa ayos ng mga motor at sasakyan nila.

Kung hindi lang talaga masamang ipagdasal na sana masira yung mga sasakyan nila para ipa ayos nila rito ede sana matagal ko na yung ginawa.

"Ayan na naman yang mga pangako niyo Claris ha! Bakit ba kasi utang kayo ng utang? Ikaw Romualdo bat hindi ka maghanap ng trabaho habang wala pa kayong sinasaka ha!?" sabay turo niya kay Papa.

"Tsaka ikaw Claris! Diba mayaman naman kayo? Bat hindi ka manghingi ng tulong sa mga magulang mo?" pagbabaling niya kay mama.

Hindi nakasagot si Mama o si Papa sa mga sinabi ni Aling Anita. Yan talaga ang pinaka ayaw nila sa lahat, yung may marinig pa tungkol sa pamilya ni mama.

Ang sabi kasi ni papa tinakwil daw si mama dahil nalamang nakikipag relasyon sa mahirap pero hindi nila alam na buntis si mama sa mga panahong yun kaya naman nagsama nalang silang dalawa.

Naaawa ako kina Mama at Papa, bakit ba kasi ganito yung sitwasyon namin eh.

"Tama na po yan Aling Anita, sa susunod na linggo po magbabayad po kami" singit ko.

"Ay siguraduhin nyo lang yan!" sabay talikod samen habang inaayos ang daster niyang mataas.

Napabaling ako kay Mama na napabuntong hininga sa gilid.

Nong isang araw lang kasi may sinabi saken si Lucil na luluwas daw siyang manila sa makalawa dahil naghahanap daw ng katulog yung amo ng tiyahin niya.

Sinabihan niya akong sumama para naman daw makapaghanap rin ako ng trabaho. Sigurado daw kasing madali lang akong makakakita dahil maganda kuno matangkad at grumaduate pang magna cumlaude.

Akala ko kasi noon pagkatapos na pagktapos mong mag-aral makakahanap na ako agad ng trabaho. Pero ang hirap pala kahit na may Latin honor ka hindi pa rin talaga kakasa.

"Ma? sumama nalang kaya ako kay Lucil sa Maynila? total naman tatlong buwan na wala pa rin akong nahahanap na trabaho dito saten" tanong ko sa kanila na ikinatahimik nila lalo.

Kinabahan ako bigla, baka kasi di nila ako payagan. Lalo na si mama na hindi ako kayang ialis sa tabi niya.

"Kung yan ang gusto mo" sagot ni papa na hindi nakatingin saken at abala sa pag pupunas ng sasakyang pina ayos sa kanya.

"A--ayos lang po pa?" nauutal ko pang tanong sa kanya.

Tumingin saken si papa at ngumiti.

"Kung san ka masaya anak susuportahan ka namin ng mama mo" sabay lapit niya saken at niyakap ako.

Napatingin ako kay mama na naluluha.

"Pa? parang ayaw ata ni mama eh" pagbibiro ko at bigla namang natawa si mama at lumapit samen ni papa para makiyakap.

Nang bumitiw na kami sa isa't isa hinawakan ni mama yung kamay ko.

"Siguraduhin mo lang na mag-iingat ka don anak ha? Wag na wag kang maglalapit sa kung sino-sino. Malaki kana kaya pinagbibigyan kana namin ng papa mo"

"Ma naman eh, naiiyak ako" sabi ko sabay tingin sa itaas para pigilan yung mga luhang pabagsak na.

Iniisip ko palang na hindi ko sila makakasama araw araw naiiyak na ako sa sobrang sakit.

"O sige na tama na yan, kumain na muna tayo" basag ni papa at inaya na kami papasok ng bahay.

Lumipas ang dalawang araw at ito na nga kami sa sakayan ng bus. Kasama ko si Lucil na ngayon ay nakikipag usap sa tiyahin niya sa cellphone.

Madaling araw pa lang pero aalis na kami, medyo malayo layo rin yung ba-byahiin namin.

"Mag-iingat ka don Catallina ha? Wag na wag kang magpapalipas ng gutom. Tsaka kung nakabili ka na ng bagong cellphone huwag mong kalimutan tumawag ha? Alam mo na naman yung number namin anak" di parin makatakas sa boses ni mama ang pagka lungkot.

Sinamahan pa talaga nila ako dito ni papa dahil hindi mapakali si mama kung hindi niya raw ako makikitang makaalis ng maayos.

"Alam ko po ma. Kayo rin po ni papa ha, hayaan niyo po buwan buwan naman ako magpapadala pag nakakita na ako ng trabaho don" paninigurado ko sa kanilang dalawa.

"Mag Ingat ka Catallina, mahal ka namin ng mama mo" sabi ni papa sabay yakap saken.

Pabagsak na naman yung luha ko kaya bumitaw na ako kay papa.

"Sige na pa, tapos na si Lucil makipag usap sa tiyahin niya. Alis na po kami" sabi ko kay papa ng hindi nakatingin sa kanya at umaastang tinitingnan si Lucil sa likod.

Dahil alam ko wala pang ilang segundo tutulo na talaga tong mga luha ko.

"Cath? Tara na?" tanong agad saken ni Lucil pagkalapit niya samen.

Tiningnan naman siya ni mama at may ibinilin pa talaga sa kanya.

"Ako po bahala kay Cath tita Claris, wag po kayong mag-alala"

Ngumiti lang si mama at papa bago ako tuluyang tumalikod sa kanila para makasakay na sa bus.

Umupo ako sa tabi ng bintana para makasilip sa kanila. Kinawayan ko pa sila bago tuluyang umalis ang bus.

Napahinga ako ng malalim. Ito na yun. Dito na magsisimula ang panibagong pahina ng buhay ko.

Ni wala akong alam kung ano ang maabutan ko don. Wala akong ka ide-ideya kung ano ba ang Maynila, ano ba ang takbo ng pamumuhay ng mga tao doon. Pero isa lang ang sigurado ako, magpupursigi ako para sa pamilya ko. Ito naman talaga ang dahilan ng pagluwas ko. Kapalit ng pag iwan ko sa bayan na kinalakhan ko ay ang pag-asa na sana mabigyan ko ng maayos na buhay sina Mama at Papa.

Pumikit muna ako at isinantabi ang mga iniisip. Hindi ako pababayaan ng diyos, alam ko yun. Kaya wala akong dapat na ipag-alala.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now