CHAPTER 28

4.1K 81 11
                                    


Mag-isa lang akong kakain kaya kanina imbis na sa dining table ako kumain ay doon nalang ako sa may counter top. Nag dadalawang isip pa ang mga kasambahay kung sasang-ayon ba sila dahil wala pa daw talagang kumakain doon, ako palang. Lagi raw kasi talaga na doon sa malaking mesa. Pero ako na mismo ang nagsabi sa kanila na mas gusto ko doon dahil medyo may kaliitan ang espasyo.

"Ah excuse me? Nakita niyo po ba si mama?" tanong ko sa isang kasambahay na naghuhugas ng pinggan.

Kanina ng matapos sa pagkain ay nilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan pero sinaway ako ni Joy dahil trabaho daw nila yun. Kahit nga sa pagtulong sa paghuhugas hindi rin pwede.

Nabigla pa siya dahil sa pagkausap ko sa kanya at napalingon sa paligid.

"Ah ano senyorita baka nasa library po yun. Marie?" may tinawag pa siyang ibang tao na kakalabas lang galing sa stock room nitong kusina.

"Bakit Je?" tanong ng babaeng lumabas na kung hindi ako nagkakamali ay si Marie ... napahinto pa siya ng makita ako " Ay goodmorning po senyorita" bati niya saken sabay bow ng kaunti.

Kahit naiilang ako sa mga ginagawa at pag trato nila sa akin ay sinusubokan ko namang makisama.

"Goodmorning" sagot ko sabay ngiti, nakitaan ko pa siya ng pagkamangha sa pag sagot ko.

"Samahan mo muna si Senyorita sa library, hinahanap si Senyora Claris" agad namang tumango itong si Marie at umuna na sa paglalakad.

Nagpasalamat muna ako doon sa isa bago tuluyang sumunod kay Marie. Bumalik kami sa pangalawang palapag at doon nagpunta sa pinakagilid, sobrang lawak ng bahay na 'to para akong naglalakad sa gitna ng palayan.

"Matagal ka na dito?" di ko maiwasang tanong kay Marie, nilingon niya naman ako at agad na sumagot.

"Mga tatlong taon na rin po Senyorita" tumango ako sa sagot niya at sinundan ulit ng isa pang tanong.

"Ilan ba kayong mga kasambahay dito?"

Natigil pa kami sa paglalakad at nagbilang pa talaga siya sa kamay niya habang hawak hawak ang ulo.

"Mga twenty po Senyorita, hindi pa kasali dyan ang hardinero, driver at mga guwardya" napanganga ako sa naging sagot ni Marie.

Seryoso? Ang dami dami naman non.

"Ang bait niyo po senyorita no?" bawi niyang sabi pagkatapos makita ang pagkabigla ko.

Nginitian ko siya sa sinabi at huminto na kami sa tapat ng malaking pintuan. Brown at ginto ang kulay non at may dalawang bahagi.

"Ito na po yung library Senyorita" aniya.

Kakatok na sana ako ng pigilan ni Marie. Nagtaka naman ako kung bakit pero bago pa ako makapagtanong ay sinagot niya na ako.

"Masakit po yan sa kamay. Ito po yung gamitin niyong pang katok" turo niya sa isang pabilog na bakal sa gilid.

Pagkatok ko ay agad agad ring binuksan ang pintuan ng isang lalaki, na kung hindi na naman ako nagkakamali ay isang guwardya base sa suot niya.

"Salamat Marie" usal ko sa kanya at pumasok na sa loob.

"Oh Catallina you're awake. Have you eaten your breakfast?" malambing na tanong saken ni lola at agad akong sinalubong.

"Tapos na po"

Sobrang laki ng library at may hagdanan pa sa gilid papunta sa bawat palapag ng mga libro. Nahagip ng mata ko si mama sa may lamesa na nakatingin na sa amin ni lola.

"You need anything?" tanong ulit saken ni lola habang masuyong hinahawakan ang braso ko at ginigiya papunta kay mama.

"Ah wala naman po. Hinahanap ko lang si mama" sagot ko sa kanya.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now